Summer Sky

77 12 2
                                    

prologue

"Ang tagal mo dumating." Nakita ko siyang naka upo sa swing.Kakadating ko palang, nakabusangot na agad yung mukha niya. Tsk, hindi niya naman kasi ako kailangan sunduin araw-araw.

"Ang mahalaga, andito na ako. We can go home now." Sabi ko kay Thunder. Our parents are close to each other, kaya naman gusto nilang bantayan namin ang isa't isa.

Habang naglalakad kami, naalala ko yung sabi-sabi ng mga matatanda dito. Ayon sa kanila, Pag andito ka daw habang nag s-sun set kasama ang gusto mong makatuluyan for 31 days, Magtatagumpay daw ang pagiibigan niyo.

"Thunder, Naniniwala ka ba sa mga sinasabi nila?" Tanong ko sakanya.

"Ano ba yun, Rain?" Sagot niya pabalik habang tinanggal yung isang headset niya sa kaliwa niyang tenga.

"Pag pinanood mo daw yung sunset kasama ang babaeng gusto mo, for 31 days, Dito sa parkeng ito, magkakatuluyan daw kayo." Pagpapaliwanag ko sakanya.

"Too good to be true. Hindi naman siguro totoo yun." Sambit niya at tinignan ang sunset. Kaya napatingin din ako.

Siguro nga, hindi totoo yun.

Summer SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon