Chapter 1

33 0 0
                                    

Jana POV

tik ti laok

tok tok tok

tik ti laok

tok tok tok

Argh!!!!

Anak ng pusang gala naman oh, may tumitilaok na may kumakatok pa! Aba matindeeh!

Napatakip na lang ako ng unan sa mukha dahil sa ingay na naririnig ko.

"Jana anak? Bangon na! Mag-aayos pa tayo ng paninda sa palengke. Bangon na bilisan mo!" rinig kong sabi ni nanay. habang nasa labas ng pinto ng kwarto ko.

Haaaaay! Si nanay talaga ang sipag kaya ako nahahawa e.

"Anak bangon na!!!" ulit nyang sabi habang kumakatok.

"Opo nay, eto na po oh nakabangon na po." sagot ko kay nanay, sabay takbo ko papasok ng banyo.


Nga pala, ako nga pala si Jana Marielle Salvacion mas kilala bilang Jana Banana, Chos!!

Jana lang ^_^ at yung kumakatok naman kanina sya si nanay Elsa Porozen.

Mmmhhhh!

Siguro iniisip nyo kung bakit Porozen ang apelyido nya noh?, Simple lang naman, hindi ko sila totoong magulang ni tatay Jack.

Elementary palang ako ay alam ko nang hindi sila ang totoo kong mga magulanh pero nagpapasalamat ako kay god dahil sila ang umampon sakin.

Super labs ko silang dilawa, lalo na sila nanay Elsa kahit na minsan e masungit sya.

Anyway, sabi sakin ni nanay Elsa na iniwan nalang daw ako sa kanila ng tunay kong nanay at sabi daw sa kanya ay babalikan nalang daw ako, pero hanggang mag disi otso na ako ay hindi parin sya bumabalik, sabi naman nila nanay Elsa ay magtiwala daw ako na babalikan ako ng tunay kong nanay, pero para sa akin hindo na ako aasa dahil ayoko rin naman na syang makita at makilala.

Alam nyo sobrang bait ni tatay Jack at nanay Elsa kasi sinabi nila sakin na wag daw ako magtatanim ng sama ng loob lalo na daw sa nanay ko. Tsk! Hindi ko nga alam kung mapapatawad ko yung tunay ko ina sa pag aabandona nya sakin, actually silang dalawa ng kung sino mang tatay ko.

Masakit man sabihin pero ayoko sila makita o makausap dahil hindi ko sila matatanggap sa buhay ko.

tok tok tok
tok tok tok

"Jana ano ba makakatikim kana sakin pag hindi kapa bumangon dyan?!!!"Hala galit na si nanay.

"Eto na po lalabas na" Nag-eemote pa ako e. Si nanay talaga panira.


GENERAL POV

Agad namang lumabas si Jana ng kanyang kwarto. Nagtungo sya sa kusina at naabutan nya si tatay Jack Porozen na nagkakape.

Lumapit si Jana dito at nagmano ito.

"Mano po tay" sabay mano sa kanyang tatay.

"kaawan ka ng diyos iha" ngumiti naman si Jana at nag-umpisa ng mag-agahan.

"Jana ayusin mo na yung mga dadalhin sa Palengke ha!" sabi ni Nanay Elsa kay Jana ng ito ay magtungo narin sa kusina at mag agahan.

"Opo nay" sabi nito habang may laman ang bibig. "Nga pala nay, pag katapos po nating mag-ayos ng paninda sa palengke, pwede po ba akong pumunta sa eskwelahan kung saan po ako nakapasa bilang iskolar?" pag papaalam nya sa kanyang ina.

"Nako, sige iha pero pagkatapos mo dun ay bumalik ka agad sa palengke ha, alam mo namang wala kaming katulong ng tatay mo roon" sagot ni aling Elsa sa anak.

"Opo nay, mabilis lang yun, kunin ko lang yung magiging schedule ko sa pasukan." sabi ni Jana pagkatapos uminom ng tubig.

"Saang Eskwelahan nga ulit yun Jana?" tanong ng kanyang tatay.

"Sa University Of the Philippines po tay." sagot ng dalaga sa ama.

"Nako anak galingan mo ha, pagbutihan mo anh pag-aaral mo para matuwa ang iyong mama." sabi ni aling Elsa sa anak.

Agad naman nagkaroon ng katahimikan sa hapag kainan ng pamilya ng mabanggit ni Aling Elsa ang tunay na ina ni Jana. Labag man sa kalooban ni Jana ay nginitian at tumangom nalang sya sa ina. Nagiging tahimik at hindi kikibo si Jana kapag tunay na mga magulang na ang napag uusapan.

Simula kasi ng malaman ng dalaga na inabandona sya ng mga magulang at ibinigay sa mag-asawang Porozen ay nagkaroon na sya ng sama ng loob sa mga ito.

"Ammhhhh.... Sige po nay, tay, ayusin ko na po yung mga dadalhin natin sa palengke." sabi nito sa mag asawa ng may mapait na ngiti sa labi at kasabay nito ay ang pag tayo nya sa kanyang inuupuan.

Nang makaalis na si Jana sa kusina agad namang pinagsabihan ni Mang Jack ang kanyang asawa.

"Ikaw talaga Elsa, alam mo namang mah dinaramdam yung bata sa tunay nyang ina e." sabi nito sa asawa.

"Jack, kailangam nyang malaman iyon at kailangan nya ring tanggapin kung ano man ang totoo." sagot nito sa asawang si Jack.

"Oo, alam ko yun Elsa pero sana naman bigyan mo ng limitasyon ang pagbabanggit sa tunay nyang ina, alam mo namang nasasaktan ang bata sa mga nalaman nya." pag papaliwanag ni Mang Jack sa asawa.

"Hay nako Jack, masasanay din ang batang yun." sabi ni Aling Elsa.

Hindi na kumibo at napabuntong hininga nalang si Mang Jack, dahil narin sa alam nyang mangangatwiran lang ang asawa at hindi magpapatalo.

to be continued.............

Si Jana po yung nasa multi media.

Sorry medyo boring yung update ko. Medyo dadahan dahanin muna natin at kilalanin muna natin ang ating mga bida para naman makilala natin kung sino at ano ang ugali nila. By the way guys, pa vote naman at pa comment nadin .. Thanks ^_^

May pa games ako, may itatanong ako sa inyo if ever na maganda ang sagot nyo isasama ko kayo sa cast ko .. So this is my question.

1.) Para sayo gugustuhin mo bang maikasal sa taong hindi mo pa nakikilala at nakakausap? at bakit?

#MAFS

@ortega_cess

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Married at first sightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon