Ilang buwan na ang nakalipas, naging simple na ang buhay ko. Di na ako agent at namumuhay na ako bilang isang normal na tao. Mahirap ang pinagdaanan ko noon bago ako umalis ng Linea, akala ko di talaga ako makaka-alis dun pero buti naman at tinupad ni Zyra yung hiling ko.Masaya na ako ngayon, masayang-masaya dahil naranasan ko na ang maging simple at normal. Syempre medyo malungkot kasi namimiss ko sila Hans, Alexa, Shaun at iba pang agents na close ko. Miss ko rin si Zyra kahit galit pa din ako sa kanya, pero alam ko soon mawawala din tong nararamdaman ko sa kanya. Magmomove-on ako at baka ito na nga ang tamang panahon para kalimutan siya.
Nandito ako ngayon sa isang probinsya sa Cebu. Mabuti at narito ako para malayo na rin ako sa Linea. Minsan kasi tinatawagan nila ako para bumalik daw ulit dun pero tinatanggihan ko pa rin hanggang ngayon. Sa totoo lang naiinis talaga ako, kahit saan sa Maynila, palagi nila akong nahahanap. Buti ngayon at di na nila ako tinatawagan, wala kasing signal sa probinsyang ito at mahirap din akong hanapin dito kasi medyo mabundok ang lugar dito.
Lumabas ako sa bahay ko at pumunta sa palengke para bumili ng gulay para sa pananghali-an ko mamaya. Nagsuot ako ng shades at cap para di ako mamukhaan ng mga taga Linea. Naninigurado lang naman, baka kasi mahanap pa nila ako dito, di natin alam.
"Pabili po nito Aling Brenda." sabi ko sa tindera na nanininda ng mga gulay.
"Ayy akong sukiii, nandito na naman ang maganda kong suki." aniya at di ko mapigilang mamula. Weakness ko talaga ang puriin nga mga matatanda.
"Naku po, binobola niyo na naman ako." natatawang sabi ko.
"Dili inday uy, ang ganda kaya ng suki ko. Hindi nga ako makapaniwala na wala pang bi-ef ako suki eh." minsan di ko maintdihan tong si Aling Brenda, minsan kasi hinahalo niya yung bisaya at tagalog, kaya di ko naiintindihan. Siguro dapat na akong matutong magbisaya.
"Wala pa kasi yung love life ko Aling Brenda." chika ko naman sa kanya. Naaaliw talaga ako pag kinakaupap ko si Aling Brenda, feeling ko kasi nanay ko siya. Minsan nililibre niya ako ng gulay at linulutu-an ng pagkain.
"Magkakabi-ef ka na soon!" masiglang sabi niya.
Kung alam mo lang na girlfriend ang gusto ko manang.
"Cge po, alis na po ako. Salamat po!" paalam ko kay Aling Brenda.
"Cge inday! Amping!" paalam niya rin. Ang ibig sabihin ng amping ay ingat sa tagalog :)
Sumakay ako ng jeep pauwi sa baryo kung saan ako nakatira. Tahimik lang ang byahe at nakatanaw lang ako sa paligid. Iniisip ko pa rin ang mga kaibigan ko na naiwan ko sa Linea. How are they? I really miss them already.
Each of them has their own attitude, that's what I like about my team mates kasi may iba-iba kaming personalidad. Una tayo kay Tria, or really known as Alexa Tan, ang isa sa mga fashionista at napakabitchy type na babae. Bata palang kami, mahilig na talaga siya sa mga bagay pambabae like make over, Barbie, fashion trend and so many other things. Pero kahit naiinis ako sa pagiging bitchy niya, she has this serious side na hidden in her. Pag may sinaktan ka sa mga kaibigan niya, then prepare to die in an instant. That's what I like about her, fun and always excited in life pero when things are serious, nagiging seryoso naman siya.
Next, si Quart, or truly named as Hansel Maville Ortiz. Siya ang pinaka genius, pinaka logical at pinaka seryoso sa aming team. He does all the computer working and hacking especially pag we're on a mission. He's a crtical-thinker, kaya nga ang talino niya ng sa anung bagay-bagay. I always trust him on the mission kasi yung mga plans niya laging nagwo-work, and not even once that we failed a mission because of him. Magaling siya sa tactics and everything, kaya nga we never failed a single mission, not even once or maybe forever. Hahaha
BINABASA MO ANG
You're Under Arrest (gxg)
AçãoAction ba ang hinahanap ninyo na may halong love at drama? Tunghayan ang kwento ng isang undercover agent na si Julianne Ramos o kilala bilang Quad sa You're Under Arrest na isinulat ni TimmyTheKyot. Si Julianne ay isa sa mga top agents na nagquit s...