"Kain na tayo Jullianne." aya niya habang inaayos yung mga pinggan at pagkain sa mesa.
"Sure." I said at lumapit sa hapag-kainan.
Just a random thought, kung nanliligaw ako kay Carina, then I would think of this as a date. I really don't know why that thing just went inside my thoughts.
It was really awkward. Lalo na sa nangyari kanina, di pa rin ako maka get over. This is not the first time I've ever felt this. Una, kay Zyra. Especially nung nasa highschool pa kami sa Linea.
Nung time na na-inlove ako sa kanya.
*flashback
"Lian, tignan mo oh, dumudugo na naman yung sugat mo. Ba't mo ba kasi ako ipinagtanggol? Alam mo namang kaya ko yung mga bullies ee." sabi ni Zyra habang ginagamot yung sugat sa kamay ko.
"Concerned lang ako sa'yo. Ayoko ko kasing masaktan ka." sabi ko na naka poker face. (Attitude ko kasi yun)
"Hayyynaku, ilang beses mo ng sinasabi yan. Di naman ako bata para bantayan ee, spinospoil mo ko." aniya.
"Aray!" napasigaw ako ng biglang nilagyan niya ng alcohol yung sugat ko.
"Hala sorry! Ib-blow ko." paumanhin niya at inihipan yung sugat ko.
Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagamot ang sugat ko. I admit na mas lalo akong naiinlove sa bestfriend ko. Ilang taon na kaming magkakasama, parang childhood friend at kapatid ko na siya. Pero di ko akalain na maiinlove ako sa babaeng 'to.
"Zyra." halos pabulong na tawag ko sa kanya.
"Hmm?" yun lang ang naisagot niya. Di pa rin siya lumilingon, busy kasi sa paggamot ng sugat ko.
"Zyra." tawag ko ulit sa kanya.
Lumingon na siya this time at napatitig din sa mga mata ko. Nag staring contest nlng kami sa isa't isa. I felt something weird in my stomach when I stared at her eyes. Humigpit yung pagkahawak ko sa kamay niya. Hinay-hinay akong lumapit sa kanya at siya rin.
Di ko na kaya 'tong nararamdaman ko. Akala ko kasi lilipas 'to pero hindi. Ilang beses ko ng pingilan ang nararamdaman ko pero kahit ilang beses ko pang pigilan at ilayo ang sarili ko sa kanya, bumabalik at bumabalik pa din ako. Wanting her, missing her and everything, di ko talaga kayang iwanan siya. Siya lang ang naglalaman ng puso't isipan ko. Araw-araw, gabi-gabi, puro Zyra lang. Gosh, I love her already.
Unti-unti kong inilapit ang aking mukha sa kanya, closing the distance between us. Napapakit ako at siya rin, just before I did. A few milimeters nlng and there I kissed her.
The first time I kissed her, Zyra.
*end*
Biglang uminit ang mga mata ko, parang naiiyak na naman ako while reminiscing everything that happened between me and Zyra. Pero I tried to control it, nasa harapan ko kasi si Carina ngayon.
The way I stared into Carina's eyes a while ago ay parang kaparehas lang sa pagtitig ko sa mga mata ni Zyra noon.
Don't tell me in love na ako agad kay Carina?
I quickly erased the thought in my head at ipinagpatuloy ang pagkain. Carina called me at tinanong kung okay lang ba ako. Na notice niya siguro na parang lumulutang na ako sa kakaisip ng kung anu-ano.
"I'm okay. May iniisip lang." I said.
Nagpatuloy na kaming kumain at pagkatapos, I insisted her na ako na ang manghuhugas ng pinggan since siya naman yung nagluto kanina.
BINABASA MO ANG
You're Under Arrest (gxg)
ActionAction ba ang hinahanap ninyo na may halong love at drama? Tunghayan ang kwento ng isang undercover agent na si Julianne Ramos o kilala bilang Quad sa You're Under Arrest na isinulat ni TimmyTheKyot. Si Julianne ay isa sa mga top agents na nagquit s...