Entry 31

140 14 0
                                    

Dear Diary.

Hindi ko alam kung nag ha-hallucinate lang ba ako or ewan meron kasi akong nakitang kakaiba.

Ganon naba ako kasabik sa tao? Kasi nga diba kagabi nasa loob ako ng sasakyan? Bago ako natulog nag emo emo pako tapos nag monologue dahil miss ko nayung pamilya ko.

Tapos nakatulog ako nun dahil sa sama ng loob ko hindi ko na kasi alam gagawin ko kaya umiyak nalang ako ng todo.

So ayun nanga naka tulog ako pero hindi ko alam kung nag ha-hallucinate lang or nanaginip?

Pag ka gising ko kasi sa loob ng sasakyan pag tingin ko sa labas sobrang daming tao as in kumpol kumpol talaga.

Para akong bold na pinag kukumpulan nila. Nakapalibot sila sa sasakyan na tinulugan ko. Kaya agad akong bumangon at tinutukan sila ng flashlight.

Natakot ako habang isa isa silang iniilawan. Duon nako pinag pawisan mg malamig at kinabahan ng todo.. halos hindi ako makahinga wala silang emosyon pero nakakatakot.

Naka tayo lang sila habang pinag ma-masdan ang ginagawa ko. Hindi sila gumagalaw.

Pero mas nakakatakot dahil hindi sila kumukurap tapos unti unti silang ngumiti sakin habang naka tayo parin ng deretso.

Nag tataasan ang balahibo ko habang nag susulat.

Kaya agad akong dumapa at tinakbong ang hoodie ko. Pag mulat ko maga na. Mag isang tahimik at walang bakas ng tao.

Nakakatakot  ano ba talagang nang yayari? Kung totoo man yun ayoko ng makita yun muli. Pero hindi ko maiwasang mag tanong. Sino sila?

-panic Urry

Ps. Sila bayung dahilan kaya ayaw akong palabasin ni C tuwing 12am hanggang 6am?

Blurry World "COMPLETED"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon