Dear Diary.
Hindi ko alam kung paano ko to sisimulan. Argg.... hindi ako aso sadyang frustrated lang ako sa nangyayari!
So ganto kasi yan. Pag katapos ko kumain edi lumabas nako ano pang gagawin ko dun sa bahay? Mag sarili?
Nung lumabas nako tumingin tingin ako sa kaliwat kanan sympre alert ako mahirap na.
T-tapos ang dami kong nakitang mga naka kalat na mga bala ng baril! As in siguro lampas libo libo din yon.
Ayon atah yung ginamit ng lalaki! Shit kinabahan ako men! Legit yung kaba.
Ewan ko ba ang tanga ko sinundan ko yung mga bala para bang may nag tutulak sakin na puntahan yon.
Tapos... tapos...
May nakita ako.
Sa isang tahimik na daan.
Sa gitna ng daan.
May nakahiga!
Wtf! Siya yun! Siya yung lalaki!
Hindi ako nag kakamali siya yun may baril naka hoodie naka black mask matangkad ay singkit na mata! Pero ngayon naka salamin siya ang cute-- ang creepy!
Nag alangan akong lumapit hindi ko alam kung buhay ba siya o patay. Baka nag papanggap lang na patay to? Para i-trap ako?
Kaya ang ginawa ko dumampot ako ng buhangin at hinagis sa mukha niya.
Gumalaw siya pero hindi gumising kaya sinabuyan ko ulit siya.
Kaso ayon hindi parin gumagalaw. Edi sinabuyan ko ulit pangatlo naha! Hindi ba siya naiinis? Hindi rin siya nag reklamo gumalaw lang siya tapos tatahimik na ulit para siyang tuod!
Kaya na inis nako. Lumapit nako. His tall frame was lying unconsciously under me. His body resembles a hot model. Promise. Hoy hindi ako manyak ha! Ina-appreciate ko lang yung ginawa ng magulang niya.
Nagulat ako ng bigla niyang tinaas yung hoodie niya shit! May bato! May abs! Shit yung laway ko tumulo.
His chest was rising up and down. Buhay siya! Sa wakas may sisira na ng puri ko! I immediately inspected his body baka may mga sugat kawawa naman ang pinag palang nilalang nato.
At wala akong nakita. Baka napagod lang siya? Or nagutom,napuyat,nauhaw? Abay malay ko bakit ko ba siya pinoproblema?
Natakot ako kaninang lumapit dahil sa dalawa niyang machine gun. Sympre agad ko tong nilayo at itinago pang samantala.
Legit yung taranta ko kanina bakit kaya siya nawalan ng malay?
Napatingin ako sa mukha niya kita ko dun yung mata niyang may mapipilantik na pilik mata naiingit ako nahiya ako sa pilik mata ko.
Tinanggal ko yung salamin niya para makita yung mata niya ng maayos. Kulang pa. Anong ginawa ko?
Tinanggal ko yung mask niya.
At yun ang pinakang magandang decision na nangyari sa buong buhay ko.
Lol jok lang! Ang makita ko pang ang reflection ng mukha ko sa salamin perfect decision na.
Pero shems iba kasi eh.
Ang gwapo niya PAKSHET!
Magandang lahi ang nag hihintay sa puri ko. ano bayan ang manyak ko! Pero slight lang naman.
Pero natakot ako bakit siya may baril? Killer? Pulis? Terrorist? Sundalo? Ano bayan!
Pero atleast hindi nako nag iisa. Delikado mag isa dito pero mas delikado kung isasama ko siya baka kung anong gawin niya sakin.
Kaya napagdesisyunan kong isama na siya sakin.
Pumasok ako ng isang malapit na grocery store at kumuha ng tali pati narin upuan. Tinali ko siya duon sa upuan at nilagyan ng tape sa bibig.
Ang cute niya nga eh. Anong cute dun!? Para ako yung killer at siya yung anghel na papatayin ko!
Umalis pala kami dun nilipat ko siya sa park nakakahiya naman pag gising niya dun kami sa panget na lugar diba?
Haysttt.... anong oras kaya siya magigising? Ang tagal naman!
-loner no more Urry.
Ps. Palahi naman koya.
BINABASA MO ANG
Blurry World "COMPLETED"
Mistero / Thriller"I'm the only one here." -Urry. -R18 @LeithalisK Started April 23,2021 Ended April 24,2021