Kabanata 1

87 10 4
                                    

"Adelaide Liana, ikaw na nga ang ginagawan paraan para mapalayo ka sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang saktan ka, tapos ikaw pa itong may ayaw?" Sarkastikong tanong ng kapatid ko na si Ate Ezikiah sa harapan ko.

Naiinis ako sa sarili ko. Bakit kailangan ko pang danasin ang mga bagay na ito?

Bata pa lamang ako ay sinasaktan ako ng mga kaklase ko nang dahil sa pamilya ko. Wala raw awa ang pamilya ko sa mga tao at sa akin nila ibinubuntong iyon.

Bakit ako? Bakit sa akin nila ibinibuntong ang mga galit nila?

Wala akong alam sa mga bagay na ginagawa ng mga magulang ko, hindi ko nga alam kung ano iyon. Pero kung ano man iyon ay bakit ako ang sumasalo ng parusa na dapat sa kanila?

"Kung iyan ang gusto nila Mom at Dad, sana lang ay maging masaya na ako." Nakita ko si Ate Riana pa-akyat dito sa tapat ng kwarto ko. Alam kong dito siya papunta dahil nasa ibaba ang kwarto niya.

Pumasok ako sa loob ng kwarto ko, sumunod ang dalawang kapatid ko sa akin pero hindi na lang ako nagsalita.

Wala akong magagawa, wala akong magawa kung hindi ang sumunod sa gusto ng mga magulang ko.

Kinuha ko yung bag ko na papunta na nasa ilalim ng kama ko, ang bag na ito ay maleta na maliit na sa tingin ko ay kasya sa loob ng bag na ito ang mga damit ko. Sa totoo lang, mas gugustuhin ko pa na tumira sa probinsya kaso lang ay parang hindi ako makakalabas ng bahay dahil hindi ako sanay na lumalabas ng bahay.

I just want to fasten myself in my room. I'm sure no person can see me and nobody judges me.

Gusto akong husgahan ng mga tao dahil sa ugali ko. Bakit daw ganito ang ugali ko, bakit daw hindi ako katulad ng mga pinsan ko na mataas ang pangarap.

Puro na lang bakit. Ni minsan ba naiisip nila ang pakiramdam na ikumpara sa ibang tao? Ayokong gawin sa iba ang ginagawa ng mga tao na nakapaligid sa akin.

Kaya ako sinasaktan ng mga kaklase ko dati hindi dahil sa ganon ang ugali ko kundi dahil ayaw kong ibigay ang gusto nila. Ginawa ko ang lahat para makita ng mga kamag-anak ko na maging karapat-dapat ako sa paningin nila. Pero wala eh. Ganoon pa rin.

"Adelaide, doon tayo mag-aaral sa Marinduque. Maraming magagandang lugar doon, hindi ka mabuburyong," Wika pa ni Ate Ezikiah na nakatingin sa akin habang nakangiti. Nakita ko si ate Riana na nag-ce-cellphone habang nakaupo sa isang settee na nasa gilid ng kama ko.

Hindi naman talaga maboboring si ate Ezikiah doon dahil nandoon ang boyfriend niya. Lagi siyang gumagala kung saan saan hanggang sa makilala niya si Kuya Triston, tatlong taon na silang magka-relasyon pero hindi alam nina dad at mom. Kaming tatlo lang ni nina Ate Riana ang nakaka-alam.

Inilagay ko ang ilang damit ko sa loob ng bag na hawak ko. Pagkatapos kong maglagay ng ilang gamit ko doon ay nagpalit na ako ng damit na pang-alis dahil minamadali ako nila Ate, lumabas ako ng bathroom staka kinuha ang bag ko. Nakita kong wala sila ate sa loob ng kwarto ko, siguro ay sinabi na nila kila dad at mom na mag-aaral kami sa Marinduque.

Hindi pa ako handang magpunta sa ibang lugar pero wala akong magagawa dahil ayoko ng ganitong klase ng buhay.

"Liana, ready ka na?" Tanong ni Ate Ezikiah nang makalabas ako sa bathroom. Nakasuot ako ng plain white tshirt at jeans, nakatali rin ang buhok ko ng ponytail.

I nodded at her.

Tinignan ko si Ate Riana na mukhang may ginagawa sa cellphone niya. Wala naman siyang ibang ginawa kung hindi ang mag-cellphone maghapon, I also using my phone but not all day.

"A-Aalis na ba tayo, ngayon?" Mahinang tanong ko, tinignan naman ako ni Ate Ezikiah na hindi mapakali dahil sa wakas ay pumayag na ako na doon mag-aral. She wants to go in Marinduque because her boyfriend is there.

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon