"I have died everyday waiting for you Abby. I can't miss this chance anymore. I want you to be my girlfriend...."
Napalingon lang ako kung san dumiretso si Zayd. Hindi ko alam kung bakit pero parang may sumaksak sakin sa mga oras na to na hindi ako makahinga. Umagos ang luha sa mata ko.
"Yes! Y-yes Zayd, I will be your girlfriend!"
Sigawan ang mga tao. Yung mahal ko nagpropose sa mahal niya at sa Philippine television pa kung saan live sa buong bansa. Patuloy akong lumuluha nang mga oras na yun habang nakatingin sa nagyakap na Zayd at Abby. Hindi ko pa rin maintindihan kung anong nangyayare. Totoo ba to? Umasa ba ko na ako ang mahal ni Zayd?
"Vynne, halika. Ihahatid na kita. U-uhm...t-ta--" Clara
"Hindi ate, kaya ko umuwi."
"O-okay ka lang ba? H-hindi ko rin alam to Vynne."
Halata mo ang pagkabigla at pag aalala sakanya. Si Rocky at Inigo napatingin na din sa akin at lumapit. Pinilit kong ngumiti para itago yung nararamdaman kong sakit ngayon. O.A na kung O.A sa tingin niyo pero sa apat na taon masasabi kong akala ko akin siya :( bilang bestfriend lang pala. Nagpahid ako ng luha kahit na gustong gusto ko ng matumba sa sobrang panghihina ko.
"Yow sawakas hindi na torpe si Zayd" Inigo
"Kelangan magkalovelife ka na rin Vynne! Para pareho kayong magbestfriends!"
"Rocky! Ano ba!" Clara.
"Hindi, oo nga eh! Dapat m-magboyfriend n-na ako para pareho kami. *sniff* aah, bathroom muna ko..."
Tumakbo na ko papunta ng bathroom. Pagpasok ko nilock ko na agad yung pinto. Sumandal ako sa pinto at di ko na mapigilang umiyak. Nagmukha akong tanga :'( umasa ako na pareho kami ng nararamdaman. Hanggang ngayon nakikita lang niya ako bilang isang bestfriend. Akala ko mag iiba na yung pagtingin niya sakin eh. Akala ko kasi ako yung tinutukoy niya.
Humarap nalang ako sa salamin. Nagpunas ako ng luha. Kailangan hindi nila makitang mahina ako. Huminga ako ng malalim. Paglabas ko sa bathroom may humila agad sakin palabas ng venue. Tiningnan ko yung kumakaladkad sakin pero di ko mamukhaan dala na rin ng paglabo ng mga mata ko sa luha. Pinilit kong hilain pabalik ang kamay ko pero di ko mahila at mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak. Hindi ko rin naman magawang sumigaw dahil sa isip ko nagtatalo ang thought na dapat na kong umalis para di masaktan at dapat mag stay kase gusto kong makita si Zayd ಥ_ಥ
Nakarating kami hanggang parking lot. That time binitawan na niya ang mga kamay ko at nakita ko na rin kung sino ang kumaladkad sa akin.
"Harley?"
Pero di niya ko sinagot at binuksan lang ang pinto ng kotse niya. Sa di ko malamang dahilan ewan ko din kung bakit ako sumakay sa kotse.
"San tayo pupunta?"
As usual walang sagot at pinaandar na ang sasakyan.
*******
"Bro!, congrats!" Inigo
"Congrats Zayd," Clara
"Thanks bro's, anyway, meet Abby, my official girlfriend."
"Hi!!" Abby.
"Hi Abby, buti naman at di mo pinahiya tong kaibigan namin," Rocky
"Why do I do that? Besides I like him naman eversince..."
Nagtitigan yung dalawang lovers. Ewan ko hindi ako masaya ngayon. Yung mga boys masaya pero ako hindi. Si Zayd punong puno ng ngiti sa mukha.
"Where's Vynne?"
Oo nga pala, asan na nga pala siya? Sabi niya kanina ccr lang siya ah.
"Nasa bathroom lang" ako.
"Who's Vynne?"
"Ah, kaibigan namin siya Abby" Rocky.
"Ka-ibigan ni Rocky. Hahahaha" Inigo,
"Guys, dun muna kami ah, lets go babe." Zayd.
Nagpaalam din sila at pumunta sa mga kaibigan ni Abby. Hanggang ngayon nag aalala ako kay Vynne eh, asan ba kase siya at ang tagal bumanyo. Iniwanan na rin ako nung dalawa at nakihalubilo na sa mga ibang artist dito. Di ko rin natiis tinawagan ko na si Vynne. Di niya sinasagot, asan na ba siya?
*******
"Asan tayo?"
"Nasa malamig na lugar."
"I know," sabay abot sakin nung tux niya.
"Pano ka?"
"Im fine. You needed it most than I"
Pinatong ko sa likod yung tux. Malamig nga dito. Napakafresh kahit puno ng polusyon ang Manila. Its a clear land, only smooth grass are around and a big chair like formation of a rock in the middle of the awesome truce. Pumunta kami sa batong yun. Inalalayan niya akong makaakyat dahil mejo mataas ang upuan nun at may inabot sakin.
"Beer?"
Oh God I badly need that. Kinuha ko agad yun at binuksan at nilagok ko ng makalimot naman kahit paano.
"Whoa, parang ikaw pa me problema satin ah."
Napatingin ako sakanya pero tinuloy ko lang ulit pag inom.
"You really have a problem?"
Hindi ko siya sinagot agad kase inubos ko din muna yung iniinom ko. Pagkatapos rin ay nagpunas ako ng labi habang tumatango.
"Eh ikaw may problema ka rin?"
"Yeah," sabay lagok din sa alak pero single shots lang ang ginagawa niya.
"Penge pa ko isa."
"Mas mabigat ata problema mo kesa sakin ah, (smirk) here..."
Pinagbuksan niya ako ng isang beer. Ininom ko din naman pero smooth na lang like him, single shots.
"So, may I?"
May I what? Anong sinasabi neto? Bumaba siya sa bato at iniaya ang kamay sa akin na kala mo niyayaya ako sumayaw. Wala din naman akong nagawa at iniabit ang kamay at pumayag sa gusto niya.
"Why are we doing this?"
"Naudlot to kanina. Someone has to get even kahit di na niya nakikita atleast its more romantic."
Di ko siya nagets pero sumabay na lang ako sa pagsayaw niya kahit wala kaming music. Mga 2 minutes din nun bago namin napagdecide na umupo. Pagkaupo namin nagkasabay pa kaming tanungin ang isa't isa.
"Anong problema?" Me/Harley...
*****to be continued.....
Naglilihi na ata ako, hehe. Kiddin'
I just crave some lemon today, kahit pagkaasim asim eh hiniwa ko lang sa gitna and dip it in salt and sip all the juice like theres no sour at all. #cravingsatisfied.Thanks to Dada for buying lots of lemon today...
( ^∇^)
![](https://img.wattpad.com/cover/31940579-288-k791207.jpg)
BINABASA MO ANG
My Deaf Love (On-going)
Novela JuvenilMagkapatid kung magturingan. Partner sa lahat ng bagay. Sabay umabot ng mga pangarap. Tinulungan ang isa't isa sa pag abot ng mga to. Ano kayang mangyayari kung isa sa kanila ang sisira sa pangarap na sabay nilang inabot? hanggang kelan matatago ang...