Chapter 26

1.6K 37 0
                                    

Chapter 26

Irene's Pov

"Lily paki deliver nga tong mga order ni mrs.Lim", magalang pa na utos ni tita sakin. Kahit taga probinsya ako ay marunong akong mag motor. May motor kase noon ang papa ko at yun ang ginagamit kong sakayan nung nag aaral pa ako sa high school. Speaking of high school ayoko ng maalala pa ang mga panahong naging marupok ako nagpapaalala lang sakin yun kung gano ako kahina. Pero tinitiyak kong hindi na ulit mangyayari yun.
"Opo. Ito po ba orders niya?", dami ah. Pagbibiro ko pa kay tita at napahalakhak.
" Family breakfast nila ", sagot naman ni tita. Agad kong kinuha ang mga box na order ni mrs.Lim naglalaman yun ng mga pagkain.

Lilibeth Myka Sebastian. Yun ang buong pangalan ng kakambal ko kaso nasawi na sya dahil sa sakit sa puso. Pero ngayon heto nakikigamit ako ng pangalan ng kapatid ko sana di sya magalit. Hayssst. Tinungo ko naman ang kinaroroonan ni Raquel, ang kusina masarap kase talaga syang magluto sabi pa niya minana niya daw ang galing niya sa mama niya. Kaya nga malaki ang pasasalamat ni tita sa kanya dahil simula ng dumating kami ay naging swerte na daw ang restaurant niya. Kami nga sobrang malas eh.
"Hey preggy, may ipapabili ka ba sakin? Maghahatid kase ako ng order ngayon?", tanong ko naman sa kanya habang sya naman ay nagluluto. Hindi naman mausok doon kaya safe ang baby niya.
"Ibili mo ko ng chicharon Lily please", naka puppy eyes pa niyang pa kyut sakin. Tusukin ko kaya mata neto?
"Oo na", sagot ko naman sa kanya at agad akong nagpaalam.

Nakita ko namang nagse-serve si Eunice sa mga costumers at nakipagtawanan, may iilang mga costumers narin kaseng nagsisidatingan.
" alis muna ako ah, may idedeliver lang ", paalam ko sa kanya at tumango naman sya.  Pagkakuha ko sa mga box ay nilagay ko yun sa malaking kahon sa likuran ng motor ko at nagsuot na ng helmet. Sobrang mapayapa ang ilang araw naming pag stay rito bukod sa mababait ang tao wala pa sina Jiro.
Mabuti na lang talaga nakatakas kami dahil kung hindi baka pinahihirapan na naman sila ngayon. Tsk mga lalaki inaabuso kahinaan naming mga babae. Parang ex ko lang. Kinamumuhian talaga kita Kairos Roswell.

Kumusta na kaya si nanang doon sa kubo? Ayos lang kaya siya? Nung isang gabi napanaginipan ko kase syang nakaburol na. Masamang panaginip yun , dapat sila nalang ang napanaginipan ko para tapos na ang problema namin.  At bago pa lumamig mga pagkain sa box ay. Pinaandar ko na ang motor.

Escaping From His ObssessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon