Chapter 8

2.2K 59 0
                                    

Chapter 8

Raquel's Pov

Nagising ako ng wala na si Jiro sa tabi ko, mabuti nalang dahil ayaw ko talagang makita ang pagmumukha ng lalaking bumaboy sakin. Binaboy? Pero kasal kami? Napaiyak nalang ako ng maalala ang pambababoy niya sakin kagabi nanlaban naman ako ngunit talo parin ako sa huli. Naaawa ako sa sarili ko. Ang dumi dumi ko ng babae. Kailangan kong makatakas sa lugar na to kaya kailangan kong kumilos.

Napangiwi naman ako ng kumirot ang ibaba ko. Shit! Paika ika akong tumungo sa paliguan at mabilis na naligo. Binilisan ko ang kilos ko narinig ko kaseng nag ka emergency sa kompanya nila jiro kanina kaya umaga syang umalis. Dali dali akong tumakbo sa basement na kinaruruonan ni eunice.

Agad kong hinanap si eunice pagkadating ko sa loob at nandun sya sa sulok naka siksik. Kasalanan ko to kung bakit niya pinagdadaanan lahat ng ito. Wala na akong sinayang na pagkakataon, agad ko syang hinila patakbo papuntang likod bahay. Batid kong may pwede kaming daanan dun, alam ko dahil nilibot ko ang bahay nung gabi ng kasal namin. Hindi naman magubat ang lugar ngunit sobrang lawak ng harden. Sobrang layo pa ng gate sobrang yaman ang datingan.

Kahit pareho kaming pagod na pagod na ay patuloy parin kami sa pagtakbo hanggang makaabot sa may kalsada. Sinipat ko pa ang paligid baka may pwede kaming sakyan. Thanks god may taxi na dumaan at agad ng pumara.

Kahit papano may pera akong naitago dito. Kinuha ko pato sa wallet ni Troy naiwan niya kase yun isang beses sa bahay kaya napagdesisyunan kong kumuha para gamitin sa pagkakataong ito.

Kasalukuyan kaming bumabyahe ngayon at niyayakap ko pa si eunice dahil nangangatog pa sa sobrang takot. Saan na kami ngayon pupunta? Kaya napagpasyahan kong tanungin si eunice kung saan kami pwede magtago at yun nga sabi niya pwede daw sa lugar ng lolo't lola niya sa probinsya.

Laki ng pasasalamat ko't nakatakas na kami mula sa impyernong iyon ngunit nawala naman ang pinaka-iingatan kung dignidad. Dinurog na ng taong yun. Gagawin kong lahat wag lang nila kaming mahanap. Alam kong malaki at malawak ang koneksyon nila kaya pupunta kami sa lugar na di nila alam.

Naaawa ako kay eunice, sobrang higpit ng pagyakap niya sakin. Nangangatog pa habang natutulog. Magpahinga ka lang best. Pero tanong ko sa sarili. Ano ang ginawa ni dylan sayo't nagkakaganyan ka?

Escaping From His ObssessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon