Chapter 23

1.7K 41 0
                                    

Chapter 23

Troy's Pov

Pagkapasok at pagkapasok namin sa loob ng rest house ay patuloy parin naming kinukulit si kairos kung bakit niya nagawa ang bagay na yun? Saming lahat sya ang may pinaka mahaba ang pasensya kaya nga pati si Jiro ay nagtaka sa inasal niya kanina ang gago marunong na maglihim ah. Nilingon ko naman si Dave na tulad ko ay Panay rin ang kulit Kay kairos gagong tarsier to ipagsigawan ba namang dilaw ang ngipin ko. Aba gago apaka rich ko pala kung ganun? pero Hindi ako nainis dahil dun kundi dun sa pagsigaw niyang may mga porn ako sa cellphone ko aba ang kupal kahit GC wala ako nun tangena lang may virgin eyes.

Tumayo muna ako sa sofa at naglakad papuntang mini bar namin. Yes may mini bar kami dito at kumuha ng isang bote at limang baso at ipinagsalin ang apat na gago. Pasalamat sila't mabait ako.

Kanya kanya kaming lagok ng alak ngunit napansin Kong nilalaro lang ni Jiro ang alam na hawak hawak niya, alam Kong problemado sila Dylan ngayon ang Hindi ko lang maintindihan ay ang inasal ni kairos kanina. Umupo na ako ulit sa sofa at nagsalin ulit ng alak sa baso ko. Habang umiinom ay tinitigan Kong mabuti si kairos, gaya nga ng dati ay libro parin ang hawak niya subalit napansin Kong kanina pa sya nagbabasa sa isang pahina ngunit hanggang ngayon ay di parin niya inililipat sa ibang pahina. Tumayo ako't nag kunware umakyat sa taas, kapag kase aakyat ako doon makikita ko kung anong tinitingnan ng Mr.Genius natin. Kaya nagkunware akong magpapahinga na at umakyat na sa taas.

Habang nasa taas ako ay lihim Kong nilingon ang kinarorounan ni kairos, aba ang gagong Dave to nakatingin pa sakin balak ata ako nitong isumbong kaya ng quiet sign ako sa kanya sa pinandilatan ng isang mata. Tiningnan ko ulit ang binabasa ni kairos. Hindi man klaro ay may napansin akong litrato di lang klaro kung babae  ba o lalaki. Maliit kase ang litratong yun. Tsh malihim talaga ang gagong to. Alam naman naming malihim si kairos ngunit hinahayaan na namin lalo na ni Jiro dahil mapagkakatiwalaan  naman siya. Napansin ko namang umakyat sa kinaruruonan ko si Dave. Tsh gago to ah talagang may sayad tong tarsier na to. Ng makalapit na sya sakin ay may binulong sya sakin.
"Hiramin ko cellphone niya. Antay ka sa likod", aba ang gago may utak din pala?

Escaping From His ObssessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon