Chapter 57

1K 30 2
                                    

Chapter 57

Kairos Pov

Nandito kami ngayong lahat sa loob ng kwarto ni Jiro. Pagkatapos kase ng operasyon nung isang araw ay nagising naman agad ang kaibigan ko, buti nalang masama syang damo. .
Habang masayang sinusubuan ni Raquel si Jiro ay abot hanggang tenga naman ang ngiti ng gago. Ang sagwang tingnan pero masaya kami para sa kanya.
Buti nalang at maayos na silang dalawa, sana Raquel totoo na yang pinapakita mo?

"Tol, let's talk outside", yaya pa ni Dylan na ikinangunot ng noo ko, ganyan ba ka seryoso yang sasabihin niya para lumabas pa kami?. Hindi naman ako nagtanong at agad sumunod sa kanya palabas ng kwarto.
Malihim na tao si Dylan parang ako rin, kaya alam Kong may bumabagabag sa kanyang isip kaya sya nagkakaganito.

" Pumunta sa bahay kanina si _ ", agad agad na sabi pa ni Dylan na ikinapitlag ko. Whatdapak!!! ba't ngayon pang maayos na lahat?
"Anong sinabi mo sa kanya?", tanong ko sa kanya na para bang naghihintay na magising sa isang bangungot.
"Nah. Gusto Kong si Jiro ang magsabi", habang nakayuko pa niyang sabi.

Si Monica ang unang babae na naging malapit Kay Jiro , pati narin sa amin. Hindi naman namin sya sinasaktan dahil sobrang bait niya at maalaga. Maganda syang babae, wala na nga kaming maipipintas subalit kung magkikita pa sila ni Jiro, pano na si Raquel? Ayoko mang isipin ngunit baka nahirapan si Raquel pag nagkataon.

Pagdating kase sa babaeng yun, halos ibuwis na ni Jiro ang buhay niya maprotektahan lang sya. Si Monica ang kahinaan dati ni Jiro, Paano na?

"Tingin ko may kinalaman dito si Cyrus", dagdag pa ni Dylan na ikinatigil ko. F*ck si Cyrus ang gugulo ng lahat

Escaping From His ObssessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon