Nakauwi rin sa wakas! Hindi talaga ako tinigilan sa school. Ano bang problema nila sa akin? Kasalanan ko bang nakazero ko sa exam? And FYI, lahat ng nasa Moonre ay 0 ang score sa written exam! Nagkataon lang na wala akong mana kahit isa.
Ha. Ginusto ko ba tong buhay na to? Nakakainis. Nakakairita. Bakit ba wala akong mana? At bakit wala akong maalala?
Nagising na lang ako sa bahay na ito ilang buwan na ang nakalipas. May damit, grocery, at pera na nasa attachecase enough hanggang mamatay ako.
Grabe. Tinry ko ng pumunta sa specialist pero wala. Tinry ko na rin lahat ng method para magkaron ng mana pero wala. Tapos ano? Bigla ko isasali sa Elite Expedition?
I am so mad at walang nagawa kundi lumabas ng park ng hatinggabi. Bumili ako ng makakain sa convenience store at kinain ito sa tabing ilog. Kumuha ko ng bato at ibinato rito.
*splosh*
Nagulat ako ng biglang nagkaroon ng ilaw.
"Omae wa mou shindeiru!" sigaw nun at nagkaroon ng isang malaking ilaw na napakaliwanag kaya tinakpan ko ang mata ko.
Maya maya ay isang lalaki ang nahuhulog mula sa langit. Bumagsak sya sa ilog. Duguan at walang malay.
"Ambigat!" nagulat na lang ako sa sarili ko na hinihila ko sya mula sa malakas na agos. Buti na lamang at summer ngayon, mababaw lang ang tubig.
Puno ng sugat ang kanyang katawan. Nagaalangan naman akong dalhin sya sa ospital. Ewan ko. Instinct.
In the end, isinakay ko sya sa bike ko at dinala sa bahay. Ginamot ko sya at binigyan ng tubig.
***
"Damn Elloine! I worked hard para mapabilang sa Elite Expedition this year!" sigaw ni Orli kay Blandy, ang VP ng Student Council."Hindi ko rin maintindihan si Hera at Headmaster!" inis na sigaw ni Orion, ang Treasurer. Nasa isang private room silang tatlo at nagiisip ng masamang plano laban kay Sarah Elloine.
Ang kanyang maikling light red na buhok at asul na mata at masama ang tingin.
***
Sa kabilang banda, maraming estudyante ang nagprotesta laban kay Sarah Elloine. Pero hindi sila pinakinggan ni Hera.
"Ang desisyon ni Headmaster ay final na at hindi magbabago!" sigaw nya sa napakaraming complain na nareceive ng council. "Sunugin nyo yan lahat!"
"P-pero Pres!" nagaalangan si Jane, ang secretary na gawin iyon. "Lahat ng complain ay dapat nating itabi." sagot nya.
Pinagdikit ni Hera ang kanyang mga kamay at nagisip. Kapag sumobra ng 90% sa total number of students enrolled ang petition, wala silang choice kundi palitan si Sarah.
5% lamang ng kanilang school ang Moonre.
Pinagsalikop nya ang kanyang kamay at napahilot ng kanyang sentido.
Kailangan kong gumawa ng paraan.
Hera witnessed herself kung gaano kalala ang sitwasyon ngayon. Kasama siya sa Elite Expedition last year, at lahat ng ibang kasama nya ay nawalan ng mana at hindi na makapagcast ng magic. Pero dahil sa S level na mission, kinilala silang Hero at Binigyan ng legendary magical items na pwede nilang gamitin kahit di sila makapagcast ng natural magic.
Tanging si Hera lang ang hindi nawalan sapagkat nakatakbo sya agad. At pumasok sa isipan nya si Sarah Elloine, na may zero mana, at maaari lumaban sa Catastrophic Elderwood Guardian.
***
"Hindi nyo pa rin nakikita ang prinsesa?" sigaw ng hari na nangagalaiti. Ilang buwan na simula ng bigla na lamang maglaho si Lady Arianne Fordenn Jadeil Pontifier, ang prinsesa ng Ice Kingdom.
"Alam nyo ba ang mangyayari kapag nalaman ng Magic Council na nawawala siya?!" galit na sigaw ni King Icier. /isyer/. Nakayuko naman ang mga Royal Knights.
"Patawarin mo kami, mahal na hari. Bigla na lamang syang naglaho na parang bula. Pero ngayon hinahanap na rin namin sya sa City A, B at C." sagot nito. Kumunot ang noo ng hari at lalong nagalit.
"Siguraduhin nyong walang makakaalam ng misyon na ito!" sigaw niya.
Si Princess Arianne, the cursed lady, na ang sabi sa propesiya na kapag hindi nacontrol ang sisira sa mundo. Nagpasiya ang magic council na siya ay patayin habang sanggol pa lamang pero nangako ang Ice Kingdom na aalagaan at palalakihin ng maayos ang bata, huwag lamang itong patayin.
Kung hindi dahil sa pakikialam ng Dark Kingdom, hindi mangyayari ang nangyayaring ito. Simula rin ng mawala sa pangangalaga ng Ice Kingdom ang prinsesa, nagsimulang maglabasan ang mga legndary monsters na nakaseal mula noong unang panahon.
"Hanapin nyo ang prinsesa kahit na anong mangyari!"
YOU ARE READING
The Lady is a Witch
FantasySarsh Elloine loves reading fairytale and she come across a book: "The Lady is a Witch". At first, it was just like any other book that instill fear in children--- but little did she know that her life is based on it.