"Anong ibig sabihin nito, Fierro?!" galit na sigaw ni Hera.
Nakatayo naman ang iba pang student council members.
"Kayle!" sigaw ni VP sa isang lalaki na may green na buhok. Tuloy ang pagbuga ng apoy ng bulkan. Si Fierro ay nakangisi lamang habang naglalakad palapit sa kanila.
Mabilis nakagawa ng magic shield si Arden para protektahan si Kayle. Galit na galit si Hera sa nangyayari. Sira sira ang paligid, at may bulkan sa gitna ng kanilang eskwelahan.
"Fierro!" galit na sigaw ni VP. "Wala akong pakialam sa kung ano man ang gusto mong gawin, pero sobra naman na galawin mo ang Akademya!" galit na sigaw nito.
Nagulat ang lahat ng biglang lumabas ang isang spirit familiar sa likod ni VP. Kulay green apple, ang mga mata nito at fierce. Nasa limang metro ang taas, at may mahahabang pangil.
The Tiger of Leaf
"Gal!" gulat na sigaw ni Hera. "Huwag! Kagagaling lang natin sa---" naputol ang sasabihin ni Hera ng umubo sya ng dugo. Napaluhod sya. Napakainit ng paligid, na para bang tinutunaw sya. Naexhaust na rin ang kanyang mana reserve dahil sa ilang beses nilang kinailangan magbukas ng portal at itransport ang maraming tao.
"Hera!" "Pres!" alalang tanong ng lahat. Si Sarah ngayon ay tumakbo papunta kay Hera. Patuloy ang paglabas ng maraming dugo sa kaniyang bibig.
"Herbin!" sigaw ni VP sa kanyang spirit familiar. Nagsimula namang magcast si Dier ng healing magic kay Hera, pero ang mana reserves nya ay nauubos din sa di malamang kadahilanan.
"G-gal! W-wag!" pigil ni Hera kay VP, dahil alam nyang mauubusan ito ng mana dahil sa pagsummon sa spirit familiar.
"Kailangan kong turuan ng leksyon si Fierro!" galit na sigaw nito. Nanginginig naman ngayon si Dier dahil sa di malamang kadahilanan ay 10 times faster nauubos ang kanyang mana.
Napansin naman ito ni Sarah kaya tumingin sya sa lalaking nasa harapan ni VP.
"Hoy lalaking apoy!" galit na sigaw ni Sarah. "Ikaw ba ang dahilan bakit nauubusan sila ng mana, ha?!" at itinuro ang mga estudyanteng walang malay sa paligid.
Ngumisi naman si Fierro.
"Lalaking apoy? Ha!" natawa ito. "So, ikaw pala ang nagiisang student dito na 0 mana affinity, 0 physical, 0 magic affinity, in short 0 sa lahat." nanggil naman si Sarah sa tinuran nito.
"Ako nga!" galit na sigaw ni Sarah. Ngumisi lamang si Fierro at hinawakan ang kanyang panga.
"At ano naman ang kayang gawin ng isang katulad mo?" binuksan nito ang isang palad at may lumabas na isang ruby. Para kay Fierro, isang magandang laruan si Sarah.
"Ano kayang mangyayari kapag nilagay ko to sayo?" tanong nya at nanlaki naman ang mata ni Hera at ng ibang SC.
"Fierro!" awat ni Hera pero hindi sya makakilos dahil sa dami ng mana na nawala sa kanya sa pagtransport nya sa kanila. Naubo rin sya ng dugo.
Nagulat ang lahat ng pigilan ni Gal ang kamay ni Fierro. Galit ang mga mata nito at nage-emit ng green na aura na nakakatakot.
"Bitiwan mo si Sarah," mahinahon nitong sabi habang dumidiin ang hawak kay Fierro. Ang atensyon ng lahat ng estudyante ay nasa kanila pa rin.
"At kung ayoko?"
"Fierro!" Lumakas ang hangin sa buong paligid at lalong lumakas ang green na aura sa paligid ni VP at Fierro.
"HAHAHAHAHA!" tumawa ng malakas si Fierro. "Mahina!" sigaw nya kay VP at tumalsik ito.
"Ang mga mahihinang kagaya nyo ay laruan ko lamang!" sigaw nya at lalong lumiwanag ang ruby sa gitna apoy sa kanyang palad.
"W-wag!" sigaw ni Sarah. Hindi nya alam ang mangyayari sa kanya kapag pumasok iyon sa kanya.
Sa unang lesson nila sa Linkinheart Academy, itinuro sa kanila na may pitong kulang ng dyamante, at lahat ng tagapagmana ay mayroon noon. Halimbawa, si Fierro ay natural na fire wizard galing sa prestihiyosong pamilya na nangangalaga sa Fire, at ang sinumang kumuha ng kanyang core at masusunog. Sa isang wizard, ang mana core ay parang isang lifeline, kung saan kapag nakuha ito ng iba, ay mamamatay sila. Pero hindi kay Fierro, dahil isa siya sa susunod na tagapangalaga.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"
sigaw ni Sarah at namilipit sya sa sakit. Umapoy ang kanyang buong katawan, at nagkaroon ng isang malakas na enerhiya na nangyayari sa kanya.
"HAHAHAHAHA!" at tumawa na parang walang bukas si Fierro na para bang natutuwa sa kanyang nakikita. Lagi nyang ginagawa ito sa kanyang mga laruan, at lahat sila ay namamatay. Gusto nya malaman pano ito sa walang mana affinity na tao.
Pero...
Laking gulat ng lahat ng ang bumabalot na red aura ay naging itim, at nagdilim ang paligid. Nagkaroon ng isang malakas na pagsabog, at napaatras ang lahat.
Kitang kita ng mata ng lahat kung paano tinanggap ng katawan ni Sarah ang red jewel, at laking gulat nila ng makita ang black jewel sa loob nya.
Si Fierro ay hindi makapaniwala sa kanyang nakikita, nahanap na nya ang Prinsesa.
***
Nagdilim ang lahat sa buong mundo, at nakita iyon ng mga hari at reyna ng lahat ng kaharian."Your Majesty! Your Majesty!" halos magkarapa rapa ang servant papunta sa hari ng North Kingdom. Tumikhim naman ang right hand man ng hari sa inasal ng servant. Lumuhod ito habang umiiyak.
"We've found the princess!" sigaw nito.
"The princess?!" at napatayo siya sa kanyang trono.
"Where?"
"In the Land of Fire!" sigaw nito. Napakuyom ang hari at naglabas ng puting awra.
"They dare to take my princess! Prepare the army! We will wage war!"
At dahil sa pangyayari, ang digmaang iniiwasan ng konseho ay nangyari.
YOU ARE READING
The Lady is a Witch
FantasySarsh Elloine loves reading fairytale and she come across a book: "The Lady is a Witch". At first, it was just like any other book that instill fear in children--- but little did she know that her life is based on it.