In three months, maglalayag na ang napiling expedition para lumaban sa Annual Monster Subjugation. Sa nakararami, isang malaking karangalan ang mapabilang dito. Pero hindi para kay Sarah Elloine.
"Nasaan na ba si Zero?" inis na sabi ni VP. Lahat sila ay nasa Student Council room at nagme-meeting. Nakaupo naman sa lamesa si Jasmine, ang Secretary ng biglang bumukas ang pintuan.
"I'm sorry!" sabay bow. Umirap naman si VP at Treasurer sa nakita. Ngumiti si President ng biglang dumating si Sarah.
"Mabuti at nakarating ka," nakangiting bati nito.
"Oo! Sorry nalate ako. M-may inasikaso lang importante," nagaalangan nyang sabi at umismid naman si VP.
"Alam mong mahalaga ang araw na to!" ismid nito. Yumuko naman sa kahihiyan si Sarah. Hindi nya talaga gusto itong VP, pero anong magagawa nya, nag-aagaw buhay kanina ang lalaking nirescue nya kagabi.
"Yerin," sabay ni Pres kay VP na lalong nagpasimangot dito. "Dahil narito na ang lahat, bubuksan ko na ang portal." sabi nito at pumikit at nagconcentrate. Itinapat nya ang kanyang dalawang palad sa harapan sabay nagchant ng,
"Open: portal to Soviereli!" at biglang nagliwanag ang paligid, napaligiran sila ng bilog na kulay silver, "Transport!" sigaw naman ni Pres at laking gulat ni Sarah ng biglang nasa ibang dimension na siya.
Ang paligid ay napakaganda, napalilibutan ito ng malalaking bato, at nasa gitna sila ng isang lawa. Ngunit hindi lang sila ang naroroon, may mga ibang estudyante na mula sa ibang paaralan. Lahat ay nakatingin sa kanila, dahil sila ang representative ng Linkinheart Academy.
"Look what we have here," nakangising sambit ng isang babae na may kulay pulang buhok, at nakasuot ng Red Uniform. Nakangisi ito at maangas na lumapit kay Hera.
"You will participate again? What a shame to the Linkinheart Academy!" she shouted at nararamdaman ni Sarah ang pressure na nagmumula kay Hera. Lahat ngayon ay nakatingin na sa kanila.
"And who do you think you are? You are just a bitch with Cleo level power!" sambit ni VP ng masukat nya ang mana na nagmumula rito. Natawa naman si Hera sa sambit ni VP. Alam nyang galit ito sa mahina, dahil nasa Fier rank na sya, at napakataas nun para sa isang estudyante.
May ten levels ang mana sa mundong ito. Wierra ang pinakamababa, at Golen ang pinakamataas. The hierachy is like this:
10 - Golen
9 - Mier
8 - Fier
7 - Silon
6 - Alpha
5 - Cleo
4 - Barren
3 - Pareo
2 - Lilo
1 - Wierra
At syempre wala ni isa sa mga nabanggit si Sarah kaya napasimangot na lang sya. Kung ganyan na magsalita si VP sa Cleo, paano pa kaya sa kanyang ZERO MANA AFFINITY.
Nagalit ang babae sa sinabi ni VP.
"What did you say?!" sabay lumabas ang isang malakas na pressure sa kanya at aatakihin ang grupo nila niyon. Malakas at maaaring ikamatay ng normal na tao ang ganoong atake, pero hindi ng mga estudyante ng Linkinheart Academy.
Hinawakan lamang ni Hera ang atake at bigla itong naglaho. Nagalit lalo ang kalaban.
"Summon! White Eagle Beast!" sigaw nito sabay ngisi. "Double wing attack!" mas malakas ito kumpara sa atake kanina.
"Water formation: Silver Shield!" sigaw ni Hera na nakapagpagulat sa lahat. She's a dual elementalist! A rare wizard!
Nagbounce back ang impact kay Shiela, the red haired girl. Tumahimik naman ang lahat at napunta ang attention sa isang lalaki na pumapalakpak.
Nakatuxedo ito, at kilala ng lahat ng naroroon.
Heinrich Valle Monderialle.
The most powerful wizard in the planet... ang lahat ay nakatingin sa kanya. He exude such a powerful aura, na dama ng lahat ng naroroon. Lahat ay hinahangaan sya dahil sa kanyang galing sa pakikipaglaban upang ipagtanggol ang planeta mula sa ibang planeta. A hero.
At iilan lamang ang may tsansa na makita siya. Isa rin syang business tycoon na gumagawa ng magical equipment para sa mga normal na tao. Bihira sya magpakita sa mga tao, kahit sa annual subjugation of monsters, hindi sya lumalabas. Kaya ang lahat ay naguguluhan, ang iba ay laglag pa nga ang panga at sobrang tuwang tuwa.
Except Sarah Elloine.
For some reason, nanginginig ang buong katawan nya at hindi maipinta ang mukha nya. Pero she keep calm lalo na at palapit sa kanila si Heinrich.
"A dual elementalist! What is your name?" he smiled, na lalong nakapagtaas ng balahibo ni Sarah. Si Hera naman at ang lahat ng kasama ay yumuko.
"I-it's our honor to meet you, Your Royal Highness, the Hero of the Either!" even Hera the most confident of them all was very nervous. "I-I am Hera Esguirro, of House Esguirro!" sambit nito.
"Oh, from the House Esguirro, huh? No wonder." He smirked, "Are you willing to be my apprentice?" that made everyone shocked!
Kahit na ang hari ng Ethirion ay hindi nito tinanggap maging apprentice noon! Tapos tinatanong nya ang isang estudyante ngayon?
Maraming opinyon ang sinabi ng mga estudyante na naroroon. Sarah Elloine, sa kabilang banda, ay hindi na kinakaya ang sakit ng kanyang dibdib at bigla na lamang hinimatay.
***
"That lady..." Fierro was in awe, "Wala sya kahit na isang mana. Ang isang normal na tao kahit papaano ay mayroon." nagtatakang tanong nya. Nakaupo sya sa di pangkaraniwang upuan, at iyon ay sa ibabaw mismo ng bunganga ng volcano na anumang oras ay sasabog na.
"What do you think, Vol?" kausap nya ang bulkan. Hinawakan nya ang kanyang baba at nag-isip,
"Maybe that lady is just sealing her abilities?" tanong nya sa sarili. Lalo sya naging interesado. Wala rin syang mahanap na impormasyon sa babaeng iyon, at bakit naman tatanggap ang Linkinheart Academy ng isang taong wala man lang mana affinity? At isinali pa sa Annual Monster Subjugation, Elite Expedition. Tanging ang curse child lamang sa legend ang nakagawa noon, si Lady Arianne Fordenn.
"Pero hindi eh..." hindi nya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Something is really wrong about...
"Maybe that lady... is a witch?"
YOU ARE READING
The Lady is a Witch
FantastikSarsh Elloine loves reading fairytale and she come across a book: "The Lady is a Witch". At first, it was just like any other book that instill fear in children--- but little did she know that her life is based on it.