5

0 0 0
                                    

"Headmaster! May naghahanap po sa inyo!" sigaw ni Picolo at biglang tumakbo sa opisina.Hindi nito tinignan ang assistant at nagpatuloy sa mga inaasikasong dokumento. Inalog-alog naman sya ng kanyang assistant."Headmaster!" kulit nito. Mukhang walang balak itong lumingon dahil sa tambak na papeles sa lamesa niya ng biglang pumasok ang estudyante, hagis-hagis ang isa pang estudyante. Agad na napalingon ang headmaster."Long time no see, Grandpa," ngumisi ito ng nakakatakot na nakapagpaatras sa assistant.

"Grandpa?!" sigaw nito. Sinuri nya ang hitsura nito, pulang buhok, pulang mga mata, at mukhang palaaway. Napatayo naman sa kanyang upuan si Headmaster.

"Fierro," sabi nito. "Aking apo!" at sumigaw patakbo ay Fierro at nagulat naman ang assiatnt dahil nagliyab ang paligid.

"Hindi na ako katulad dati!" ngumisi ito, "Fire wall!" sigaw nito at hinarangan si headmaster na makapunta sa kanya.

"Eto lang ba ang natutunan mo sa Riffic?" nakangisi ni Headmaster na tanong, at inatake ang wall na ginawa ni Fierro. 

Ang Riffic ang sagradong teritoryo ng Linkinheart Family, ito ay napalilibutan ng bulkan kung saan nagsasanay ang mga miyembro ng pamilya, at macontrol ang elementong ito ng kanilang naaayon.

Pero ngumiti si Fierro ng napakatamis,

"Syempre hindi," mahinahon nitong sabi, "May sorpresa ako sayo Grandpa!" 

Biglang yumanig ang paligid. Ang mga estudyante ay nataranta. 

"Fierro!" galit na sigaw ng headmaster, "Wag mo sabihing namaster mo ang---" naputol ang sasabihin nito ng biglang isang malakas na pagyanig ang nangyari. Sa gitna ng Plaza, umumbok ang parang isang volcano, ang lahat ay nagtakbuhan sapagkat ito ay nagaalburoto.

"Summon! Linkinheart Volcano!" tawa naman ng tawa si Fierro sa nangyayari.

"Tigilan mo to, Fierro!" galit na sigaw ni Headmaster.

"Sa isang kondisyon, papayagan mo akong sumama sa Delegasyon," nakangisi nitong sabi sa nanghihinang headmaster. Ang Linkinheart Volcano ay hindi lamang isang basta bastang bulkan, hinihigop nito ang mana mula sa paligid at kinoconvert bilang lava, na nagdudulot ng pagsabog. Mas maraming mana, mas malakas na pagsabog. 

***

"Aria, lalaki ka bilang pinakamakapangyarihang Wizard sa mundo!" nakakatakot, nakakapangilabot, na boses ng kanyang ina. Hinihila sya nito patungo sa isang lagusan.

"Aria!" sigaw ng kanyang ina. "Patayin mo silang lahat! Hahahahaha!" tumawa ng parang bruha ito, na tila nasisiraan ng bait. Patuloy naman ang hagulgol ng bata na ayaw gawin ang pinapagawa nito.

"Aria, gawin mo to para sakin!" inalo sya nito. Pinunasan nya ang luha ng bata. "Sila, ang mga tao na ayaw mabuhay ka! Galit sila sayo! Patayin mo sila, Aria!" sigaw nito.

Sa nanginginig na boses ng bata sumagot ito,

"A-ayoko po!" at humagulgol ng iyak. 

"Ha!" bigla naman syang itinulak ng kanyang ina at hinatak papunta sa lagusan. Kahit labag sa kanyang loob ay walang nagawa ang bata sa lakas ng kanyang ina. Lumabas sila sa isang konseho, at ang lahat ay nakatingin sa kanila.

Malabo na. Hindi na masyado maaninag ang nangyayari. Basta dugo. Sya ay naliligo sa dugo.

"Sarah! Sarah Elloine!" ang boses na bumungad sa kanya ay si Hera. Isang di familiar na silid ang bumungad sa kanya.

"Anong nangyari?" unang tanong nya. Napatingin naman sa kanya lahat.

"Glad you are okay," sabi ni Hera. Nakatingin naman sa kanya ang iba pang student council.

Halata ang pagkadismaya sa mukha ng VP pero hindi nakatuon ang galit nito kay Sarah.

"T-teka ano bang nangyari?" takhang tanong ni Sarah. Kita ang pagkagloomy ng paligid.

"Ang mga taga South," galit na sabi nito, "Alam naman nilang magdadala tayo ng taong walang mana at gumamit sila ng atlas!" gigil na sabi nito at naglakad palapit kay Aria.

Biglang lumamig ang paligid at pumasok sa silid ang isang servant.

"This is your uniform in the Subjugation," sabi nito. "It will start tomorrow and you have the rest of the day to do your personal task," at yumuko.

"Ano?!" biglang sigaw ni Treas. Hindi sya natutuwa sa nangyayari.

"Hindi ba sa susunod na buwan pa magsisimula?!" gulat na tanong ni Hera. Yumuko lamang ang servant at naglakad palabas pero hinarang sya ni VP.

"Wait," malamig na sabi nito. Pero nag servant ay tinignan lamang sya sa mata, walang emosyon. Nilabas ni VP ang green dagger at tinakot ang servant.

"We need an explanation," mahinahon nyang sabi hanggat nakatutok sa leeg ng servant ang dagger. Hindi ito kumibo bagkus ay may pinindot sa kamay at iniluwa ang mga guards. Nagkagulo ang lahat ng nasa silid.

Siyempre hindi papayag ang Student Council na ganun na lamang ang mangyari.

"Hera, buksan mo ang portal!" sigaw ng Eros, at kita sa takot ng mga to ang nangyayari. Si VP naman ay ngumisi lamang sa mga guard.

"Hinahamon nyo talaga ang House Geradean!" galit na sigaw nito. At natigil ang guards sa pagatake dahil pinalibutan ng vines ang buong katawan nila.

Si Hera naman ay busy gumawa ng lagusan pabalik sa North. Habang si Keiro, ang Auditor ay gumawa ng earth shield.

"Hera, bilis!" sigaw ni VP. Nasa limit na sya ng kanyang magic. Dapat ay babalik na sila ng nakaraan pero dahil kay Sarah ay hindi.

Ang portal ay kinakailangan mag malay ang magtatravel, or may malakas na mana affinity kapag magtatravel. Kung hindi, ay baka hindi na intact ang kanilang katawan pag pumasok sa portal. At isa pang dahilan ay dahil biglang bumaba ang mana level ni Hera sa hindi malamang kadahilanan.

"Hera!!!" biglang nagbukas ang portal ng bumukas ang pinto. Hinatak nila bigla si Sarah papasok ng lagusan.

Pero laking gulat nila ng pagkapasok nila sa portal ay sira sirang building ang bumungad sa kanila. At makikita mo ang isang lalaki na may pulang buhok sa ibabaw ng Clock Tower, nakangisi.

The Lady is a WitchWhere stories live. Discover now