"Guys! Group 3 na lang din daw ako sabi ni Ma'am" lahat kami ay napalingon sa babaeng naglalakad papalapit sa amin ngayon. Buhat-buhat nito ang isang upuan kung saan nakapatong ang isang notebook.
"Pangalanan ko na ba itong group natin? Nandito ang mga nasa Top 10 ng klase! Top 2, 3, 4, 7 at ngayon, sa atin pa ang Top 1? The Lucky Group and the Lucky me!" natutuwang saad ni Erika habang pumapalakpak pa.
"Ay hindi! The Lucky me and..." mabilis siyang napalingon sa akin na siyang ikinataka ko. Pero hindi rin lumipas ang ilang segundo nang ma-gets ko iyon. "You! Hihi"
Nagtawanan naman ang mga ka-group namin. Tipid na napangiti na lang din ako at saka napatingin sa cover ng notebook ko. Nakasulat dito ang isang quote na kailanman ay hindi ko masunod at hindi ko kayang paniwalaan.
Believe in yourself. You are braver than you think, more talented than you know, and capable of more than you imagine.
"Cyrine, atras tayo ng konti para mailagay ni Nica yung upuan niya" napalingon ako kay Aleah na siyang katabi ko lang. Tumayo ito at saka iniatras ang upuan niya. Kaya agad din akong tumayo para umatras. Katulad ng ibang grupo, ay nakaform din kami ng circle.
Ngayon ay nailagay na ni Nica ang upuan niya. Kinuha muna nito ang kanyang notebook at saka naupo.
"So, sino ang leader?" agad na tanong niya nang humarap na siya sa amin.
"Ikaw" mabilis na sagot nila.
Pero hindi ako sigurado kung narinig ba ito ni nica dahil iniisa-isa pa kami nitong tingnan.
"Group 3 ka rin pala, Cyrine?" parang nabingi ako nang tanungin ako ni Nica.
"H-huh? Ahh... Oo" nahihiyang sagot ko na alanganin niyang ikinangiti.
"Okay guys. Thank you!" naalis na ang tingin niya sa akin at napabaling na sa mga ka-group pa namin.
Itinanong niya kung mayroon ba kaming hindi naintindihan sa mga itinuro ni Ma'am kanina. Agad na sumagot si Erika at sinabi ang hindi niya maintindihan. Ipinaliwanag naman ito ni Nica sa harap namin at habang nagsasalita ay napapatingin siya sa akin na para bang nag-aalala.
"Gets?" tanong niya nang matapos siya sa pag explain.
Masayang napatango si Erika.
"Ang galing mo talaga, Nica! Bilib na bilib na talaga ako sa'yo!" komplimento niya na ikinangiti ni Nica.
"Okay, talasan ang isip at mas lalong-lalo na ang tenga. Malinaw ba guys?"
"Yes, Miss Top 1!" natatawa nilang sagot.
"Mga baliw!" natatawa ring sabi ni Nica at saka napailing.
At sa pag-iling niya ay muli na namang napadako ang mga mata niya sa akin. "5 minutes left!" sigaw ni Ma'am Rein sa unahan.
Ibig sabihin ay mayroon na lamang kaming 5 minutes para maghanda.
"Uhmmm... May isang bagay lang akong gustong isuggest" seryoso itong napatingin sa akin, dahilan upang mapatingin rin ang ibang ka-group namin.
"I hope hindi mo ito masamain, Cyrine. Iniisip ko lang kasi yung group natin. Dahil sympre, pagkakamali ng isa, pagkakamali na ng lahat. Failure ng isa, failure na ng lahat. Kaya sana maintindihan mo ito. Okay lang naman siguro 'yon sa'yo, Cyrine?" panimula niya na dahan-dahan kong ikinatango.
"O-oo, okay lang"
"Ganito, 'di ba lahat tayo magtatry mag solve at kung sino ang mauna, siya ang sasagot. So, para naman sa'yo Cyrine, pwede kang mag try mag solve pero huwag na huwag kang tatayo para sabihin ang sariling sagot mo. Kung gusto mong sumagot, magsabi ka na lang sa amin. Ibibigay ng isa sa amin yung sinolve niya then ikaw ang magsasabi no'n. Hindi sa wala akong tiwala sa'yo pero alam naman natin, at alam mo sa sarili mo na, mahina ka sa math 'di ba? You can't even solve a simple problem. Lakasan mo rin ang boses mo at huwag kang iiyak ha? Joke!" mahina namang natawa ang iba sa huling sinabi ni Nica.
YOU ARE READING
Write-A-Thon Challenge Entries
General FictionThis is a compilation of my entries for Write-A-Thon Challenge 2.0 hosted by AmbassadorPH. --- Credits to @LilDemonscious for the book cover. Thank you!