Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago inihakbang ang isang paa sa unang baitang ng hagdan.
Isang ngiti ang hinayaan kong gumuhit sa aking mga labi nang magsimula na akong humakbang pataas ng entablado. Kasabay din nito ang masigabong palakpakan na pinakawalan ng bawat babaeng naghihintay na marinig ang boses ko.
I am not here to sing. I am here to speak.
Nang marating ko na ang gitna ng entablado at mahawakan ang mikropono ay sandali akong napatigil. Inilibot ko ang aking paningin at napangiti na lang ako nang makita ang magandang imahe sa harapan ko.
All women are sitting in front of me, wearing their genuine smile and holding each and everyone's hands in spite of their culture, race and color.
Para silang nasa iisang litrato, ang pagkakaiba lang ay hindi ang picture frame ang bumubuo sa kanila, but the experience, courage, hope and beliefs that every one of them has.
Isang masigabong palakpakan muli ang namayani nang magsimula akong magsalita.
"Good morning to everyone!" hindi na maalis-alis ang ngiti kong bati sa kanila. I am so happy to be here.
"I am Valerie Faith Arteya, the daughter of Mrs. Vilma Arteya, the founder of Your Voice, My Voice Foundation. I am so grateful to be here and finally meet all of you. I didn't really expect this, that I would be given a chance to speak and be heard. Because unlike my mother, I preferred to be in silent, ignore things and just enjoying every moment of my life, like hiking. But everything changed when such things appeared in front of me, pushing me to finally speak and stop ignoring the reality".
"One day, at the park, while sitting on the bench, I accidentally heard this man talking to his wife and daughter. This is really unbelievable like seriously? Okay, here it is..."
"Honey, bakit ba ang kulit mo? Sinabi ko na sa'yo na hindi ka magtatrabaho. Hindi ka qualified sa position, dahil babae ka lang. Hindi ka bagay do'n. Dapat sa'yo, nasa bahay lang. Nagluluto, naglalaba, naglilinis ng bahay at nag-aalaga ng mga anak. Okay? Huwag ka nang makulit!"
"Pero honey, nakapagtapos naman ako. Isa pa, pwede naman tayong kumuha ng katulong 'di ba? Ayaw mo ba no'n? Matutulungan na kita sa mga gastusin sa bahay"
"Oo nga po papa. Maganda na, matalino at magaling pa. Gano'n si Mama"
"Isa ka pa, sinabi ko na rin sa'yo na hindi criminology ang kukunin mong course, yung kuya mo lang dahil ikaw, dapat ang trabaho mo, pambabae lang"
"Pero pa, wala naman 'yon sa kung lalaki ka o ba---"
"Hay! Umuwi na tayo, ang kulit ninyong dalawa!"
"Agad kumunot ang noo ko nang marinig ang mga 'yon sa bibig mismo ng kanilang ama. Pero sa pangyayaring 'yon, doon ko lang napatunayan na that is really a reality, a reality of gender inequality. Saan? Sa edukasyon, trabaho, paggawa ng desisyon at marami pang iba. Pero hindi lang 'yan, dahil nang marinig ko 'yon, I remembered something when I was a child, around 9 or 10. I saw my mom crying at the corner".
"Mom, what happened? Bakit ka---" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang makita ang isang papel na puro numero ang nakasulat.
Ito ay mga utang ni Mama at kailangang pagkagastusan.
Napaluha ako nang may maalala.
"Ma, bakit po? Bakit ka nagtitiis?"
"Kaya kong tiisin ang lahat, anak. Kaya kong hayaan ang papa mo na walang trabaho at uminom lang dito sa bahay basta huwag niya lang kayong iwan. Ayokong lumaki kayo na sira ang pamilya. Hangga't kaya kong magtrabaho, gawin ang responsibilidad ko bilang asawa at Ina, at magtiis, gagawin ko. Hinding-hindi ako mapapatumba ng mga problema anak, dahil hindi lang ako Ina, kundi isa rin akong babae. Babae tayo anak, at kaya nating gawin at kayanin ang lahat, anumang pagsubok ang dumating at maranasan natin. Tandaan mo, ang pagiging babae ay wala sa pisikal na itsura, nasa panloob ito, sa spirit mo, na lumaban at magkaroon ng boses sa lipunan".
"Ang dalawang pangyayaring 'yon, sa past at present ang siyang nagtulak sa akin para umakyat dito, tumindig at magsalita ng may boses. Like my mother, I want to empower women". puno ng paniniwalang pahayag ko.
"Listen, you are a woman. You are strong enough to face such challenges in life. You have the confidence and ability to do everything. And you have the voice to speak, to empower women. Together with our foundation, let our voice be heard! Me, you and all of us, will now take our single step toward changes! Let's do hiking and get the flag of Gender Equality!" determinadong saad ko na siyang ikinasigaw nilang lahat sa tuwa.
"Your Voice, My Voice! Happy Women's Day, everyone! Thank you!"
---
YOU ARE READING
Write-A-Thon Challenge Entries
Ficción GeneralThis is a compilation of my entries for Write-A-Thon Challenge 2.0 hosted by AmbassadorPH. --- Credits to @LilDemonscious for the book cover. Thank you!