I BELONG TO THE ZOOMahina akong natawa nang mapatingala at mabasa ang nakasulat sa tarpaulin.
Kung nandito lang si Claire, ang kaibigan kong Certified NBSB, for sure, napalo na ako sa braso.
Sino ba naman kasing matinong tao ang broken hearted na nga, a-attend pa ng bandang puro mapanakit ang kanta.
Lalo ko lang sasaktan ang sarili ko.
Sa loob ng mahigit dalawang taong pamamalagi ko sa loob ng bahay dahil sa pandemya, wala akong ginawa kundi ang saktan ang sarili ko. Sa paanong paraan?
Madalas kong pakinggan ang mga kanta ng I Belong To The Zoo na inirekomenda ng bunso kong kapatid na sayang-saya naman tuwing nakikita akong umiiyak habang pinakikinggan ang kanta.
Eh ano naman kasing magagawa ko? Eh nasaktan ako. All I can do is to endure the pain.
"Hi! Bakit hindi ka pa pumapasok? Magsisimula na ang concert"
Nawala ang atensyon ko sa itaas nang may magsalita. Nalipat ang tingin ko sa lalaking nakatayo ngayon sa tabi ko. He's wearing a black cap, white shirt and black pants.
Napalingon-lingon ako sa paligid. "Ako ba ang kinakausap mo?" tanong ko na ikinatango niya.
"Hindi ko kasi alam kung dapat ba akong pumasok. Baka umiyak lang ako diyan. Nakakahiya pa man din akong umiyak. Ang pangit!" natatawa kong sagot.
"Pa'no mo nasabi?"
"Sinubukan kong umiyak sa harap ng salamin" simpleng sagot ko na ikinatawa niya.
"Alam mo ba ang solusyon diyan?"
"Huwag nang umiyak sa harap ng salamin?" patanong kong sagot.
Mabilis siyang napailing. "Move on. First step? Manood ka ng concert nila. Kaya, halika ka na!"
Hindi pa man ako nakakasagot nang hilahin niya na ako papasok.
At sinong matinong tao ang magpapahila sa taong hindi niya kilala?
Pagkapasok namin sa loob ay halos mapatakip ako sa dalawang tainga.
Sigawan at hiyawan kasi ang agad na bumungad sa amin.At wala akong ibang makita kundi ang kulay puti na ilaw na galing sa iba't ibang parte na tila ba may mga kasamang usok, at mga taong nakataas ang mga kamay habang hawak ang sari-sariling cellphone.
"Wooohh! I Belong To The Zoo!"
"Dito tayo!" nagulat ako nang bigla niya na naman akong hilahin papunta sa unahan.
Wala nang espasyo dahil punong-puno na ang loob pero kahit gano'n, nagawa naming makadaan at makapunta sa unahan.
"Teka nga, kani---"
Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang biglang may nag strum sa gitara.
Napalingon ako rito at nakita ko Ang l I Belong To The Zoo na nasa stage na.
Ang kantang una nilang kakantahin... Bakit 'yon pa?
~Umuwi nang tila bang lahat nagbago na~
Napalingon ako sa kanya nang marinig ang boses niya. Katulad ng mga taong nandito, ay sinabayan din niya ang I Belong To The Zoo sa pagkanta.
Hindi ko na napigilan pa at napasabay na rin ako sa pagkanta.
~Sana sinabi mo
Para 'di na umasang may tayo pa sa huli~Katulad ng mga taong nandito ay itinaas ko na rin ang dalawa kong kamay habang sinasabayan ang kanta.
~Biglang nalaman ko
May hinihintay ka lang palang bumalik~Halos pumiyok na ako nang kantahin ang sunod na linya. Masakit pa rin. Pero hindi na tulad ng dati na sobra... na sobrang sakit.
"Bakit ka nandito?" napatigil ako sa pagsabay sa kanta nang marinig ang tanong ng taong katabi ko.
Nakakunot ang noo kong binalingan siya.
"Hinila-hila mo ako rito sa loob tapos tatanungin mo ako niyan?"
"Sira! Hindi dito sa loob. Dito mismo sa concert. Imposible namang napadaan ka lang"
Napakamot ako sa ulo nang maalala ang dahilan kung bakit ako narito.
"Ate, tickets oh. Manood ka ng concert ng I Belong To The Zoo!"
"Ano namang gagawin ko do'n?"
"Malamang, manonood. Sige na!"
"Ano nga? Para maka-move on ako? Tae! Hindi na ata ako makakamove on!"
"May nabasa kasi akong quotes ate!"
"Ano?"
"The bravest thing you will ever do is love again. Kaya ate, punta ka na do'n sa concert. Find a new chance to love again. Ayieee! Huwag ka na do'n sa Roberto na 'yon. Past is past, okay?"
"Eh..."
"Ate!"
"Sige na. Pupunta na ako!"
"Para?"
"To find a new chance to love again. I'll try!"
"Alam mo ba kung bakit din ako nandito?"
Muling bumalik ang tingin ko sa kanya.
"To find a new friend?" alanganin kong tanong.
Sa akin kasi, to find a new chance to love again. Baka sa kanya, friend lang?
Mahina naman siyang natawa nang marinig ang tanong ko. "Oo, sana. Pero nagbago na no'ng may nakilala ako sa labas"
"Huh?"
"Pumasok ako sa loob, hindi na para maghanap o magkaroon ng bagong kaibigan, but to find a new chance to love again. Nahihiya akong sabihin to pero..."
"Pero ano?"
"Na-love at first sight ako sa'yo!" mabilis niyang sabi at saka mabilisang inalis ang tingin sa akin.
~Para 'di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo~Sumabay na ulit siya sa pagkanta.
Siguro, ito na 'yung time para pakawalan ko ang sarili ko.
Time to let go and move forward.
"I'm abegail. Nice to meet you..." pagpapakilala ko at saka iniabot sa kanya ang kamay ko.
Mahina akong natawa nang bahagyang manlaki ang mga mata niya.
"I-Im K-Kai..." nauutal niyang sambit at saka tinanggap ang kamay ko.
"Wala kang hinihintay na bumalik?" pagbibiro ko na mabilis niyang ikinailing.
"Wala!"
---
YOU ARE READING
Write-A-Thon Challenge Entries
General FictionThis is a compilation of my entries for Write-A-Thon Challenge 2.0 hosted by AmbassadorPH. --- Credits to @LilDemonscious for the book cover. Thank you!