Covid-19 Pandemic is the hardest and scariest war. The enemy is like an invisible monster, that could attack human anytime and anywhere. An attack that may lead to death, if not being treated. A treat that only these people in the hospital wearing personal protective equipment could give, our Frontliners. The Frontliners who sacrifices everything even their own lives.
Sa digmaang ito, sila ang unang sumuong sa laban. Iniwan ang pamilya, para sa sinumpaang tungkulin. Walang tumalikod, walang bumitiw. Buhay para sa buhay. Tumulo man ng ilang beses ang pawis, bumagsak man ang ilang mga luha, mangalay o mamanhid man ang katawan, mahirapan mang huminga dahil sa suot na PPE, humikab man ng ilang beses, makaramdam man ng gutom, hanggang sa halos maramdaman ang pagsuko ng katawan, nananatiling matibay. Hawak ang pag-asa na bawat pasyente ay gagaling at muling makababalik sa kanilang pamilya.
Ngunit, sa bawat pagtaas ng kaso, ay ang pagtaas din ng lebel ng takot at pangamba na kanilang nararamdaman. Dahil walang kasiguraduhan kung sa araw na 'to, bukas o kaya sa makalawa ay may sakit na rin sila, na maging sila ay nahawaan na at positibo na rin sa Covid-19. Pero sa kabila ng panganib, nariyan pa rin sila upang sumagip ng buhay. At sa pagkakataong ito, mas lalo nilang pinatunayan na hindi lang ito isang propesyon, kundi isa ring bokasyon.
Habang isinusulat ko ang sanaysay na ito, isang bagay ang biglang pumasok sa isipan ko. Maliban sa pagtitiis mula sa mga sakit na nararamdaman physically, aking napagtanto na may isang bagay pa pala na mas mahirap tiisin. At 'yon ay ang kanilang pangungulila sa pamilya. Dahil ang mawalay pa lamang sa magulang, kapatid, asawa at anak ay isa nang malaking hamon. Isang hamon na kailangan nilang kayanin, alang-alang sa bawat mamamayan na nangangailangan ng kanilang tulong.
Ngunit, hindi lamang tayong mga mamamayan ang nangangailangan nito, kundi pati na rin sila, ang ating mga Frontliners.
"Stay at Home", 'yon ang paulit-ulit nilang panawagan sa atin. Ngunit, aminin man natin o hindi, ang ilan sa atin ay lumalabag pa rin sa mga Health Protocols. Ang iba ay nasa labas kahit wala namang sadya. Ni simpleng pagsuot ng face mask ay hindi magawa. Ang bagay na ito ay isang realidad, isang masakit na realidad. Dahil tila hindi makita ng mga taong ito ang hirap na pinagdadaanan ng bawat Frontliners, na kahit halos maupo at makatulog na sa sahig, patuloy pa rin sila sa pagsalba ng buhay.
Ang kailangan lamang ng ating mga Frontliners ay kooperasyon. Nang sa gayon, ay hindi na mas kumalat pa ang virus at dumami ang mga nahahawaan. Sa paraang ito, makatutulong pa tayo sa kanilang paglaban.
Ngunit, hindi lamang tayo ang dapat magtulungan. Dahil kailangan din natin, mas lalong-lalo na ng ating mga Frontliners ang suporta ng Gobyerno.
Unang-una, sa sahod. Hindi biro ang sakripisyo ng ating mga Frontliners. Sa araw-araw na pagtatrabaho, hindi lamang pangungulila ang kanilang tinitiis, kundi pagod at sakit ng katawan. Sa kanilang pagsuong, sariling buhay ang nakataya. Kaya, nararapat lamang na maibigay sa kanila ang tamang sahod. They deserve to be paid properly.
Pangalawa, sa PPE at mga medical equipments. Araw-araw silang naka-expose sa virus at kahit anong oras, ay maaari silang mahawaan. Kung kaya't, kinakailangan na maibigay rin ang mga ito sa kanila. Kinakailangan na mai-provide ang mga ito ng Gobyerno. Hindi lang ang mga Covid-19 patients ang kailangang i-save kundi pati na rin sila. Because their life is important too. Ensuring their safety must always be on the list of their priorities.
Kaya ngayon, paano ko nga ba gagawing inspirasyon ang kanilang dakilang paglilingkod sa ating bayan at pasasalamatan ang mga nagbuwis ng kanilang buhay para sa ating bayan?
Ang sakripisyo ng ating mga Frontliners ay hindi matatawaran. Sa bawat paglaban, sariling buhay ang nakataya. Nakalantad man sa peligro, ito'y hindi alintana. Dahil ang puso at isipan nila'y nasa bayan. Patuloy sila sa paglilingkod, masagip lamang ang libu-libong buhay araw-araw.
Kaya, bilang isang estudyante sa kursong edukasyon, nais ko ring maging tulad nila. Hindi sa parehong paraan kundi sa parehong layunin at mithiin. Sa aking pag-aaral, ang kanilang dakilang paglilingkod sa bayan ang isa sa aking magiging inspirasyon. Nais ko balang araw na sumagip din ng buhay, hindi sa paraang gumamot, kundi sa paraan ng pagturo. Katulad nila, handa akong magsilbi sa bayan.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko pasasalamatan ang lahat ng mga Frontliners na nagbuwis ng kanilang buhay para sa bayan. Alam kong hindi sapat ang salitang "Salamat" sa lahat ng sakripisyo nila, ngunit nais ko pa ring magpasalamat sa pamamagitan ng sanaysay na ito. Nais kong magpasalamat sa lahat ng sakripisyo nilang hindi matatawaran. Dahil hanggang sa huling hininga, sila ay nagsilbi sa bayan.
Ang labang ito, ay hindi lang laban ng mga Medical Frontliners, ng ating mga Healthcare workers. Dahil ang laban na ito, ay laban nating lahat. Kung kaya't sana ay magtulungan tayo at huwag hayaang makipaglaban ng mag-isa ang ating mga Frontliners. Sama-sama tayong sumuong sa laban at gawin ang mga responsibilidad at mga trabaho natin. Huwag natin silang iwan sa gitna ng laban. Let's fight together!
Bago ko tapusin ang sanaysay na ito, isang bagay lamang ang nais kong hilingin. Please pray for our Frontliners, our Heroes!
---
YOU ARE READING
Write-A-Thon Challenge Entries
General FictionThis is a compilation of my entries for Write-A-Thon Challenge 2.0 hosted by AmbassadorPH. --- Credits to @LilDemonscious for the book cover. Thank you!