Farewell

11 1 0
                                    


Bukod-Tangi -Unique Salonga

.𖤣𖥧𖡼.𖤣𖥧 PARALUMAN 𖡼.𖤣𖥧𖡼.𖤣𖥧𖤣𖥧

Narito ako sa aking kwarto magisa naka tulala sa kisame at nilalamon nang katahimikan. Pagkatapos kong malaman na wala na si papa ay hinang hina ang buo kong katawan, tanging gustong gawin na lamang ay humilata kesa magmukmok dahil kahit anong pilit kong ilabas ang luha ay wala na dahil naubos na kanina pa.

Si Art na kasama ko sa bahay ay nasa babang nakikipag inuman kay Trey. Ang sabi pa ay gustong sa kwarto ko para mabantanyan rin ako ni Trey kaso baka mamaya maya ay ako na ang nag aasikaso sakanila.

Madaling araw na at rinig na rinig pa ang karaoke nila mula first floor to second floor. Ayaw pang mag paawat ni Art dahil ang boses niya ang panay kong naririnig. May halakhakan pang nagmumula kay Trey.

Pagkatapos naming malaman na nawala na si papa ay naruon kami ng tatlong oras nasa tabi niyang umiiyak at nakahawak sakanyang kamay. Nagpasyang pauwiin kami ni mama dahil tinawagan naman na niya ang lahat ng kakilala namin para malaman rin nila. Mula simula hanggang ngayon ay mayroon si Trey saaming tabi kaya ay labis na nagpapasalamat ako sakanya. Kasama na rin ang pamilya niyang laging nandyan saamin.

Napa buntong hininga ako dahil umaatake nanaman ang pagka drama ko. Nanginginig ang kamay na inabot ang cellphone at isa isang binigyan ang mga kaibigan ko ng mensahe. Alam kong gising parin sila kahit madaling araw kaya ay magandang opurtyunindad rin itong makausap sila.

Artemis Adrienne: Hi Bella, can we talk for a minute. I just badly wanted to have a companion right now..

She opened it quickly giving my hopes up but a minute passed she never replied. I guess, she was busy.

Artemis Adrienne: Hoy Franco, kausapin mo naman ako kahit ngayon lang.

Franco De Guzman: In game.

Artemis Adrienne: with whom?

Franco De Guzman: with the gang, huminto kana na didiscract ako

Lalong lumalala ang pag atake at nawawalan na rin ako sa tamang pagiisip dahil sa mga masasamang pumapasok. Hindi ko alam kung paano ito ihihinto lalo nat ni isa sakanila ay walang kumakausap saakin. Tila nasa isa akong bangungot na hinahatak ako sa masalimuot na lugar kahit na mulat ang dalawang mata.

Kahit sila Issa at Hailey ay wala manlang akong natanggap na reply nila. Naisip ko namang kontakin si Raphaelle na sana ay gising pa siya hanggang ngayon.

Tinawagan ko na ito para kahit tulog ay pwede ko siyang magising at makusap ako.

Gulong gulo na ako na ang isipan ko at magkasiklop na ang paa habang kinakagat ang daliring nagdadasal na sagutin niya ang tawag. Dalawang minuto ang lumipas ay naririnig ko na ang boses niya.

Iritableng tono ang narinig ko sa kabilang banda pero wala na akong pakealam kung naasar na siya basta't maalis na tong nasa utak ko ay masaya na ako. Gusto ko nang bumalik sa dati pero hindi ko alam kung paano.

"Love, can--" Hindi pa natatapos ang sasabihin ko ay nawalan na ako ng boses na magsalita dahil sa tatlong salitang sinabi.

May mas ikakaguho pa pala ako ngayong gabi at hindi pa natatapos ang paghihirap ng mundo saakin dahil ang tanging nagiisang alas ko na magpapahinahon saakin ay nawala na rin saakin. Akala ko nawalan na ako ng luhang mailalabas sa mata pero hindi ko akalain na simpleng salita niya lang ay nagpabuhos ng luha.

ParalumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon