Back

16 1 0
                                    

Someone to spend time with- Los Retros
Not opm hehez

𖤣𖥧𖡼.𖤣𖥧 PARALUMAN 𖡼.𖤣𖥧𖡼.𖤣𖥧𖤣𖥧

"Pisting yawa kang giatay ka, maghintay ka!" I shouted on top of my lungs while running at our stairs with a sandwich in my mouth. Not noticing my mother who was sweeping the floor.

"Artemis ano ba yang pananalita mo!" Mabilis naman akong napa ilag nang muntikan nang tumama ang walis sa pwetan ko. Malakas pa mandin pagkaka pwersa dahil napakagat labi pa si mama.

Nasa labas na si Trey na nambubusina saakin  at isa pa tong si Art na hindi makapaghintay na gusto nang kunin saakin ang pera dahil wala siyang baon.

"Sorry!"

Pagkapasok sa kusina ay natatawa namang itong naka tingin saakin habang may kutsara pang naka pasok sa bunganga. Kitamo, akala ko aalis na pero kakagising lang pala at nag aalmusal palang. Hindi pa yata papasok sa unang klase.

Binigay ko na ang pera niya at dali dali nang lumabas nang bahay. Sa ngayon ay tumama na ang walis sa pwetan ko kaya hinihimas ko ang pwetan pagkalabas.

"Antagal mo!" Nagulat naman ako nang meron sila Gio sa sasakyan ni Trey na bumungad saakin. Naka shade pa ang isang si Claus.

"Sorry, i wake up late" pagpapaliwanag ko at pumasok na sa kotse.

Tumabi naman ako kay Dolores na natutulog, muntikan nang mahulog pagka bukas ko buti na lang ay hinila agad ni Gio. Kumaway siya saakin bago ipikit nanaman ang mata para matulog muli.

It's our first day of school pero alas otso na ay narito palang kami sa bahay dahil saakin. Alas dos na ako nakatulog kakapanood sa anime na pinapanood namin ni Dolores sa discord kaya ay hindi na ako nagtakang puyat ito. Mas nauna pa yata akong natulog keysa sakanyang tinapos ang isang series.

"Isa lang nakuha kong tinapay" Hindi pa nakakapagsalita ang nasa harapan na dapat kay Trey ay kinuha na ni Gio at nilagay sa bunganga.

Nagsimula na ring umandar ang sasakyan at umagang umaga palang ay sobrang energetic na nilang pumasok. Anlakas pa nang kanta nila kaya ay napilitang magising si Dolores.

"Damn this stupid asshole"rinig ko pang pagmumura niya. Binaliktad ang pwesto para makaharap ako dahil panay ang nguya ni Gio at anlakas lakas pa.

"Bat pala kayo narito?"

"Are you dumb the dumb dumb dumb? Nagchat kami sa group chat natin na sabay tayong lahat na pumasok, umoo ka pa nga" natawa naman ako. Tinignan ko pa ang group chat namin at ako nga ang last na umoo'ng pumunta sila rito.

Dahil malapit lang naman ang bahay sa skwelahan ay sampung minuto kaming nakarating. Ayaw pa kaming pagbuksan ng gate kaya ay nakipag sapalaran pa ako para lang makapasok kami.

"Hey get up, narito na tayo!" Kinailangan ko pang ipulupot ang kamay sa braso ni Dolores para lamang hindi pabagal bagal dahil kanina pa naming ginigising. Ako na rin ang nagbuhat ng bag niya at kinaladkad siya.

"I hate school!" He shouted. Lahat kami ay napatingin sakanya manghang mangha sa sinabi.

"Oh wow, ganadong ganado ka ngang nag aaral sa Boracay!"

Hindi pa kami nakakalapit sa aming gym ay tanaw na naming ang mga studyanteng nasa labas na naghihintay. Dahil sa ingay rin namin ay napapatingin ang mga studyante namin, sanay naman ako kaya ay tila isang wannabe bitch akong maglakad sa gitna na ako ang kanilang leader. Kaso tinabihan naman na ako ni Trey kaya ay pinulupot ko na lamang ang kamay sa braso.

ParalumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon