Barbeque

20 2 1
                                    


"Punyeta ka naman Raphaelle, dadayo pa ako sa barangay niyo para makita ka" Naiinis kong bulyaw sakanya habang kausap siya sa telepeno.

Sabado ngayon, at kung sabado lalabas lamang ako kapag napausapan namin ng kinagabihan. Sapagkat, tumawag siya bigla saakin ng alas dos ng hapon habang naka hilata ako sa kama at tamad na tamad lumabas,  pinapapunta niya ako sakanilang barangay upang kumain ng barbeque. Tutal, ayoko rin naman siyang pumupunta sa baranggay namin dahil baka pagchismisan kami at isumbong ako.

"Naglalakad na ako papuntang waiting shed, hihintayin kita"

Napabalikwas ako sa inis at minura siya ng todo. Tawa lang ang ginawa dahil alam niyang mapipilitan akong lumabas ng lungga ko at kitain siya.

"Huwag kana mag paganda, ako lang to" hirit pa nito ng ikainis ko lalo.

"Madapa ka sana"

sabi ko bago patayin ang tawag. Tumayo naman ako sa pagkakahiga at nagpalit ng mas magandang damit, ayoko namang pumunta ruon na naka pajama at suot ang aming intrams shirt.

Naligo naman na ako kaninang umaga kaya dumeretso na ako sa pagpalit. Tamang tsinelas na may medyas dahil nahihiya akong ipakita ang mga daliri ng paa ko. Jogging pants, at jacket na zinipper hanggang sa gitna,

Wala pang sampung minuto ay naririnig ko nang tumutunog ang cellphone ko dahil sa mga messages niyang nag riring. Sinabing kong papunta na ako kaya ay kinuha ko na ang wallet ko at airpods.

Walang tao sa bahay ngayon kaya madali akong makakalabas dahil nasa kanya kanya silang galahan. Nilagay ko na lamang ang susi sa isang halaman na paborito nilang lahat bago lumabas na ng bahay.

Maganda ang init ng araw ngayon kaya iritable ang mukha ko nang nasilawan ito. Hindi na ako maglalakad dahil tamad na tamad ako ngayong araw at magpapawis ako kaya ay naghintay ako ng jeep na papunta sakanilang baranggay ng trenta minuto.

Napa ngiti naman ako habang naka upo na sa jeep ng nagpakita ang mukha niyang naka kunot noo at inaabangan ang pagdadating ko.

Me: Andito na ako, asan kana?

Raphaelle Keith: Bobo kaba? Sabi kong sa waiting shed, ang init dito bilisan mo.

Napakagat naman ako sa ibabang labi dahil sa pagreply niya palang ay alam mo na  talagang iritable siya sa kakahintay. Dibale, ginusto niya namang magkita kami kaya magtiis siya.

Buti na lang ay kahit papaano walang nagpapara o bumaba kaya mabilis ang pagdating ko. Binagalan ko pa ang lakad papunta sa kanya para lalo siyang maasar. Yamot na yamot naman siyang tumayo sa kinauupuan at nirolyo pa ang mata sakin.

Natawa naman ako at tumakbo na sakanya. Inabot niya naman ang tubig saakin na bukas na, kinalahati ko naman ito at ibinalik.

"Inubos pa nga ang tubig ko"

"Sige, padeliver pa ako ng isang galon araw araw sa bahay niyo para  makontento ka" Bara ko.

Umismid siya at hindi na lang pinansin ang sinabi ko. Inaya naman na akong tumaas para pumunta na rin kami sa tambayan naming may barbeque.

Dipa yata kumakain ng breakfast at lunch to dahil kakagising lang yata dahil sa kakapuyat sa laro. Magulo ang buhok at mapungay ang matang naka hoodie at pajama.

"Ano oras ka natulog kagabi?"

"Alas quatro"

Hinawakan niya ang kamay ko at hinahagod hagod pa ang likuran nito.

Nadaanan na namin ang bahay ng isa naming kaklase at hingal na hingal na agad kami. Pataas pa ang pupuntahan namin kaya ay lalong nakakangalay at nakakatamad.

ParalumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon