Game

13 1 0
                                    


"Asan si Bella?" Tanong ni Daisy saakin habang may hawak hawak itong breadpan, apaka ingay pa ng pag nguya. Huminto ako sa pagsusulat at mataray na tinignan ito.

Mukha ba akong hanapan ng nawawalang panget na babae?

"Nasa sipupunan pa ng nanay niya" bara ko. Sinuntok niya ang braso ko bago tumabi kila Dhon na panay ang tawanan dahil sa pinapanood.

Video yata ni Vince kaninang umaga sa stage, inaawit ang school anthem naman ng bigla na lamang nadulas ang isa naming teacher at napamura ito na malutong kaya ay natawa kaming lahat. Ayon tuloy, na suspend ng isang linggo at maglilinis ng school.

Apaka lakas pa ng tawa nila Franco na hanggang pagtapos ng awit ay tumataas baba ang braso sa kakatawa, buti na lang ay hindi sila sinita ng nga teachers.

"Uy bagsak!" Sabay sabay nilang sabi pagsabay ng tawanan ng buong studyanteng nasa gym.

Nasa library kami ginagawa ang reporting para sa isang minor na akala mo sobrang daming pinapagawa na akala mo major subject. Wala ang guro at kaclose namin ang nagbabantay kaya ay maingay at kahit ano ano ang inaatupag. Tapos naman na naming gawin ng mga kaibigan ko ang reporting kaya wala kaming pinoproblema.

Kanya kanya kaming ginagawa, ang mga iba nagpasikot sikot na sa labas, ang iba naglalaro sakanilang cellphone, ang iba ay naglalampungan, at ang iba ay nagpapaluan ng libro kung sino ang matalo sa bato bato pik.

Nang natapos ko ng isulat ang assignment namin sa next subject ay pina tago ko ito sa file case ni Hailey at inaya si Franco na lumabas para kumain sa canteen. Kakatapos lang ring mangopya ng sagot.

"Sinong nagsulat neto? Apaka bobo naman, paki sabi balik muna siya sa elem para magaral na magsulat!" Iritableng sabi ni Diego na nangongopya, agad naman itong binatukan ni Issa nang narinig ito.

"Tangina mo, huwag kang kokopya saakin"
hinablot niya ito na pati lahat ay napa sigaw dahil sila rin ay nangongopya sakanya. Tumingin sila saakin kaya ay napa buntong hininga ako at pinakita ang sagot sakanila tutal nagpapakopya rin naman sila kaya kusa ko itong binibigay.

"Tara" pag aaya sakin ni Franco. Binigay niya naman saakin ang wallet ko.

Kakatapos lang ng lunch namin pero gutom na naman ako dahil hindi ako nabusog sa kinain kong pasta. Hindi naman na ako umangal dahil libre naman na ni Daisy kaso hanggang lalamunan ko lang kaya kailangan kong malagyan ang tiyan ko.

"Naka labas Class 3, malay mo andyan bebe mo"

Siniko pa ako para hanapin ang pinaka ayaw naming tao sa campus. At mabilis naman na naming nakita dahil sa kulay ng jacket niyang neon orange, sa dinaming daming neon color ay ang orange pa talaga ang pinili.

"Mas gugustuhin ko pang mabulag kung siya lagi ko nakikita" Nagsitawanan naman kaming dalawa at nag apir pa, tuwang tuwang inaapi siya.

Pagkasunod ng grupo nila Paolo-bebe ay sumunod naman sila Raphaelle kasama ang mga kaibigan niyang kaklase. Nagtatawanan sila habang ang isa ay hindi natutuwang siya ang tinutukso.

Kita naman siya ang pinagtritripan dahil yata sa poem niyang piniresenta sa madla na tungkol saakin. Nalaman ko ito dahil iyon ang susunod naming subject kaya ay tinukso rin ako ng teacher namin dahil ruon.

"Let not my love be called idolatry, naks naman!" Kantyaw ni Oliver sakanya.

Nag daanan kaming dalawa ng hindi nagpapansinan. Hindi naman talaga kami nagpapansinan sa Campus. Sasama siya sa mga kaibigan niya, sasama ako sa aking kaibigan para hindi kami mahati.

Wala namang problema saaming dalawa, kung tutuusin ay mas gusto pa namin iyon. Hindi nagpapansinan sa luob ng campus pero kapag sa labas ay dun na kami mag haharutan.

ParalumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon