(3) Heater

10 1 0
                                    

Mylene's POV

Unang araw nila Migs at Edgar mag work from home. Nakapag set up na sila sa working space nila. Maliit lang bahay namin pero hindi naman masikip.

Mas maaga akong nagsisimulang magtrabaho kesa sa kanila. Kaya minsan kapag hindi nakapaghanda si papa ng agahan ay sila Migs at Edgar ang nagluluto. Minsan hinahatid pa sa kwarto ko habang nagtatrabaho ako. Sweet niya talaga. As in, sweet ng kapatid ko.

"Migs, ibababa ko lang itong pinagkainan natin ha." rinig kong sabi ni Edgar. Breaktime ko na kasi.

"Wag na boss, ako na. May tinatapos lang ako. Malapit na'to." sabi ni Migs na nakatutok pa rin sa laptop.

"Wag na. Tapusin mo muna 'yan. Baka magkamali ka pa sa kamamadali mo. Konti lang naman to. Kaya ko na to." sabay patalikod ni Edgar bitbit ang pinagkainan nila.

"Sandali na lang ito. Ako na boss." pilit ni Migs. Mukhang nahihiya yung kapatid ko na maghugas ng pinggan si Edgar.

"Ako na niyan Edgar. Bababa rin kasi ako, maghuhugas ng coffee mug ko. Baka mag-away pa kayo dahil diyan." biro ko sa kanila. Lumapit ako kay Edgar at kinuha ang huhugasing pinggan. Konti lang naman. "Balik ka na dun Edgar." bumaba na ako ng hagdan at pumunta ng kusina.

Patapos na ako ng napansin ko si Edgar. Mukhang may sasabihin. Nahihiya siguro. Bitbit niya ang mug at sachet ng kape.

"Gusto mo ng hot water?" diretsong tanong ko sa kanya.

"Oo sana." sagot niya.

"May heater kami. Teka lang kunin ko." kinuha ko ang heater at pinakita kung paano gamitin.

"In case, need mo ng hot water, don't hesitate to use this. Ilalagay ko na lang dito para madaling makita." explain ko sa kanya. Tumango naman siya. Habang naghihintay na tumunog ang heater, napakwento ako sa kanya.

"Alam mo akala ko talaga magka edad kayo ni Migs. Kapag magkatabi kayo, para kayong kambal. Magkasing gwapo at tangkad pa. Pwede mo naman akong tawaging ate, mas matanda naman ako sa'yo ng 2 years." kwento ko sa kanya. Ngumiti lang siya sabay tango. Ilang sandali ay tumunog na ang heater." Oh ayan, ok na. Feel free ka lang dito ha, wag ka mahiya. Sige una na ako taas." aalis na sana ako ng magsalita siya.

"Salamat nga pala ate Mylene." habol na sabi ni Edgar.

"No probs. Basta feel at home ka lang." nginitian ko siya sabay akyat ng hagdan bitbit ang ni refill kong tumbler. Kinumusta ko muna ang kapatid bago ako pumasok sa kwarto ko.

"Ok ka lang diyan Migs? Ok lang ba internet connection niyo." tanong ko sa kapatid ko.

"Ok lang ate." sabay stretch niya nga braso niya. Lumapit ako sa kanyang likod at minasahe siya ng konti sa balikat.

"Maglagay ka ng unan sa likod, ng maka relax ka ng konti." sabi ko sa kanya.

"Ok ate. Mamaya. Send ko muna report ko."

"Kunin mo yung nasa kabinet, mabango pa yun." tumango si Migs.

Lumapit naman si Edgar at umupo sa pwesto niya. Tumingin sa laptop ni Migs.

"Oh 1 down ka na." biro niya sa kapatid ko.

"Fighting lang dong." pag cheer up ko kay Migs. At bumalik ako sa kwarto para magtrabaho.


- - -

My EdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon