Edgar's POV
Pag-akyat ko bitbit ang tinimpla kong kape, naabutan ko yung ate ni Migs na minamasahe siya. May minamadali kasi talagang trabaho si Migs. Deadline niya kasi. Yung ate ni Migs, si ate Mylene. Ayoko sanang tawagin siyang ate, kasi hindi naman siya ganun katanda, magkalapit lang naman mga edad namin. Parang ang awkward na tawagin siyang ate. Pero siya na kasi nagsabi.
Ang ganda nilang panoorin na magkapatid. Malambing kasi yung ate ni Migs. Maalaga din si Migs sa kanya.
Parang sumakit ang likod ko nung minamasahe si Migs ng ate niya. Sana ganyan din ang kapatid ko sa akin. Pero ang sungit at tamad nun.
Lumapit ako sa kanila at pumwesto sa upuan ko. Tiningnan ang tinatrabaho ni Migs at ayos naman.
"Oh 1 down ka na." pinuri ko si Migs. Deadline niya na kasi. Sabay tingin sa ate niyang masayang minamasahe si Migs. Maya-maya ay bumalik din sa kwarto nito.
"Oh eto, tinimplahan na kita ng kape. Wag ka ng magreklamo. Minsan na nga lang akong gumawa ng mabuti dito sa inyo." inabot ko ang isang baso na kape kay Migs.
"Salamat boss." sabi ni Migs.
"Tsaka pwede favor na rin?" pasimula ko.
"Ano yun boss?" tumigil muna siya at humarap sa akin.
"Wag mo na akong tawaging boss. Hindi ka naman under sa akin. Magkaibang department tayo. Tsaka ang awkward lang kasi nandito ako sa inyo. Kuya na lang ang itawag mo sa akin." sabi ko sa kanya.
"Sige, kung dun ka kumportable... Kuya Edgar." tukso niya pa sa akin.
Para ko na din kasing itong kapatid si Migs. Kahit magkaiba kami ng department sa work, ay naging magkaibigan kami. Tahimik lang kasi ako kapag nasa trabaho. Tingin nila sa akin ang istrikto ko daw. Pero dahil sa kadaldalan ni Migs, naging magkaibigan kami. Magkapatid nga sila ng ate niya. Nagkasundo kami na maging roommates at nag boarding house malapit sa work namin para makatipid sa renta. Dami ding kaibigan si Migs sa trabaho, pala kaibigan talaga siya at mabuting tao din. Walang bisyo kundi ML lang.
Natapos ang araw at pa log out na kami. Tapos ngayon at iba naman bukas.
"Kuya Ed, ML tayo. Pampa relax lang." sabi sa akin ni Migs.
"Sige, teka kunin ko lang cellphone ko." tinanggal ko ang fully charge cellphone ko sabay unplug ng charger.
Nakita kong lumabas naman ng kwarto si Mylene. May bitbit na Lays.
"May pagkain ako. Gusto niyo?" nakatingin siya sa amin.
"Sige ate, penge kami." sinalo naman ni Migs ang chichirya.
"Oh ayan, 32 pesos lang yan." ayy akala bigay niya.
"Hala akala ko bigay 'to." sabi namin ni Migs.
"Ha? Sinabi ko bang ibebenta ko? Sinabi ko lang ang presyo para alam mo. Ibili mo ako niyan sa susunod ha." tumawa naman si Mylene. Napangiti na lang ako. Medyo baliw din tong ate ni Migs.
"Hahahah akala ko naman. Sige sa susunod kami naman manlilibre sa'yo." pangako ni Migs.
"Sige ha. Sinabi mo yan." pababa na si Mylene ng hagdan.
"Ate pwede padalhan mo kami ng isang pitsel ng tubig dito? Please." pakiusap ni Migs.
"Ok." maikli niyang sagot. At tuluyan ng nakababa.
"Sana ikaw na lang kumuha ng tubig. Nakakahiya sa ate mo." sabi ko sa kanya.
"Ok lang yun. Mabait si ate. Hehehe sige na game na, nag umpisa na ang laro." sabay tutok sa cellphone. ML is life nga naman. Buti na lang maasikaso yung ate niya.
- - -