(2) Shake Hands

61 3 1
                                    

Mylene's POV

"Kayo muna bahala dito sa bahay, sa kabilang bahay muna ako maglalagi nang may makakasama yung ate niyo sa pag-aalaga ng baby niya. Alam niyo naman yun." Paalala ni mama. Bagong panganak lang kasi si ate Mira. Malapit lang din sa amin yung bahay nila. Dadaan pa ng sampung bahay upang makarating doon.

"Ok ma." sagot namin ni Migs. Nasa hapagkainan kami ngayon, nagmemeryenda ng bananacue, camotecue at iced tea.

"Kayo na bahala sa kakainin niyo dito. Minsanan lang nagluluto yung papa niyo. Edgar feel at home ka na lang iho." sabi pa ni mama sabay bigay ng baso na may iced tea.

"Opo tita." sagot naman nito at tsaka tinanggap ang baso.

Pagkatapos namin magmeryenda ay bumalik kami sa itaas. Nag-uusap na sila Migs at Ed kung saan ang magiging table nila pag nagsimula na sila magtrabaho dito sa bahay.

"Boss Ed, ikaw na gumamit ng mesa. Itong malaking kahon na lang gagamitin kong mesa sa ngayon." Presenta ng kapatid ko.

"Nakakahiya naman kung ganun. Baka mahirapan ka pa niyan." Sabi ni Edgar.

"Okay lang Boss. Wag na po kayo mahiya."

Nakikinig lang ako sa kanila habang may inaayos sa tabi.

"Migs may mesa naman sa baba. Yung folding table. Pero ang laki nun. Kunin mo na lang at ilipat dito. Pwede niyo ilagay diyan sa may bintana. At kumuha ka na rin ng upuan." suggestion ko.

"Oo nga. Yung malaki pala. Sige kukunin ko sa baba." naalala niya yung mesang ginamit namin dati nung nag beach kami.

"Kailangan mo ng tulong sa pagbuhat ng mesa?" saad ng kasama niya. Nakalimutan ko yung pangalan.

"Ako na lang Boss. Kaya ko na. Bababa muna ako." patakbong bumaba si Migs para kunin ang mesa.

Dahil medyo madaldal ako at nakalimutan ko pangalan niya. Pasimple akong nakipag-usap sa kanya.

"Buti pinayagan kayong mag work from home ng company niyo." pasimula ko. Tumingin siya sa akin.

"Oo nga eh. Tuloy pa rin ang trabaho. Mahirap din iwanan." sabi niya.

"Tama. Teka, ano nga ulit pangalan mo?" ayan tinanong ko na. Humarap siya sa akin.

"Edgar. Edgar Cortez." ngumiti siya sabay abot ng kamay niya. Inabot ko naman at nag shake hands kami.

"Mylene nga ulit. Magka edad lang ba kayo ni Miguel?" tanong ko ulit.

Dumating si Migs na may dalang folding table.

"Mas matanda pa siya ng 4 years sa akin ate. Mas mataas din posisyon niya kesa sa akin." sagot ni Migs.

Pinatayo nila ang folding table at pinwesto paharap sa bintana.

"Ah kaya pala boss tawag mo sa kanya. Akala ko magkaedad lang kayo. Ambabata niyo tingnan eh. 26 nga pala ako."

"Dami nga nagsabi. Boardmate din kami ni Migs." sabi ni Edgar.

"Ahh.. Ikaw pala boardmate ni Migs." sabay harap sa mesa. "Ayan. Mas okay yang ganyan. Magkatabi pa kayo." sabi ko pa. Sabay kuha ng basahan at nilinis ang mesa na medyo inalikabok na.

"Oo nga. Teka kuha muna ako ng upuan." bumaba ulit si Migs.

- - - - -

My EdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon