TIMOTHY'S POV
Ako si Timothy Rivera. They call me "tim". Nagmula ako sa isang may kayang pamilya, pero hindi ako katulad ng iba na mahilig mag party, bar hopping o kung ano pa mang term ang tawag nyo dun. Mas nagfofocus ako sa aking pagaaral para maging proud naman sakin ang parents ko. Bunso ako sa aming magkakapatid kaya ganun nalang ang expectation ng parents ko sakin dahil mga propesyonal na ang aking dalawang kapatid.
Moving on, ngayon ang first dat ng pasukan kaya naman maaga palang ay nandito na ko. Tutal may mga nalalabi pa kong oras na naisipan kong magpunta muna sa library para manghiram ng libro. LIBRO PO! HINDI AKO MATUTULOG DUN! Isa akong nerd. TAMA! NERD ang tamang term. Medyo maluwag na pantalon ang suot ko ngayon. Naka red na tshirt at isang pares ng nagkakapalang lens ng salamin.
Habang naglalakad ako papuntang library, may nandaanan akong mga naguusap na babae.
"Grabe talaga yung babae na yun noh!? Kawawa sya. Hindi naman nya kasalanan na napagbintangan yung tatay na." Sabi nung isang nerd sa mga kasama nya.
Napatingin agad ako kung nasan ang babaeng tinutukoy nila. Halos lahat ng mga tao masama ang tingin sa kanya. Sayang mukhang mabait pa naman sya. Pero siguro dapat ko syang layuan.
Pagkatapos ng ilang segundo kong pagtingin sa kanya, napagdesisyunan ko nang pumunta sa library upang manghiram ng libro.
Pagkahiram ko ng libro, pumunta na agad ako sa naka assign na room sakin. Mukhang nagsimula na sa pagtuturo ang teacher namin dahil nakasarado na ang pinto ng room namin. Agad akong kumatok. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko yung babaeng pinaguusapan ng mga babae kanina sa corridor. Marami akong katanungan sa isip tungkol sa kanya pero alam kong hindi pa ito ang tamang oras para masagot ang mga ito. Nagulat nalang ako ng biglang may kumalabit sakin.
"Are you alright Mr.Rivera!?" Tanong ng teacher namin.
"Yes maam." Sagot ko nanan
"Okay, you should take your seat so we can proceed to our discussion." Puna sa akin ni maam
Tumungin ako sa paligid kung saan mayroong bakanteng upuan. Isang upuan na lang ang bakante at ito ay sa likod ni Ms.murderer. Oo. Tama ang nabasa ninyo. Ms.murderer ang bansag sa kanya dito dahil isa daw itong anak ng isang taong pumatay. At usap usapan din na nakalaya na nga raw ang ama nito noong nakaraang linggo. Dali dali na akong umupo. Nasa kalagitnaan na ng pagdi-discuss si maam nang biglang hawakan nang isang lalake ang kamay ni ms.murderer. Sumigaw si ms.murderer kung kaya't naagaw nya ang atensyon ng lahat kabilang na ang aming teacher.
"Get out of my class ms.Asuncion. I will talk to you after the class." Saad ni maam
So Ms.Asuncion is her name huh!? Sabi ko sa isip ko. Napangiti nalang ako ng malaman ko ang pangalan nya. Not literally name, surname I guess!?
And you know what!?
I think I like her. Nah, I think I LOVE HER
 ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄
Vote pls. Thanks ^O^
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is an ASSASSIN!? [SLOW-UPDATE]
Randompaano kung isang araw malaman mo nalang na na-inlove ka. at sa kasamaang palad sa isang masamang tao pa !? mapagbago mo pa kaya sya bago mahuli ang lahat!? tunghayan ang kanilang pag-iibigan.