TIGER'S POV
Hi, my name is Tiger Lily Asuncion. Tiger nalang in short. Isa akong BABAE. Hindi lang talaga halata sa pangalan ko. Pure pinoy ako. Hindi ako katulad ng ibang babae na may lahing siberian husky este german, australian o kung ano ano pa. Pango ang aking ilong, kayumanggi ang balat at alam ko sa sarili kong hindi ako kagandahan. Meron ngang mga pagkakataon, okay aaminin ko na. Sa lahat ng pagkakataon! Naiingit ako sa mga magagandang babaeng nakaka salubong ko lagi sa school. Katulad ngayon, naglalakad ako dito sa corridor ng pinakamamahal kong paaralan. Halos lahat sila nakatingin sa akin. At hindi lang basta tingin, yun bang parang gusto kana nilang patayin. Pero hinahayaan ko na lang sila.
Habang papalapit na ko sa room ko, narinig kong nagbubulungan yung mga tao.
"Alam mo ba ang kumakalat na balita sis!?" Ani girl1
"Oh yeah, na ex-convict ang father ng babaeng yan!?"sagot ni girl2
"Yeah, and alam mo ba na murderer ang tatay nya. Pinatay daw ang dating amo para kumita ng pera. Binayaran daw ng $100,000 ang tatay nya kapalit ng pagpatay sa amo nya.". Sabat ni girl3
Oo tama ang narinig at nabasa ninyo. Ex-convict ang tatay ko dahil sa kasong murder. Pero ayon sa aking ama, hindi naman daw talaga sya ang may kasalan kung bakit namatay ang amo nya. Napagbintangan lamang sya sapagkat silang dalawa nalang ng amo nya ang natira sa lugar ng pinangyarihan. At yung tungkol naman sa sinasabi nilang binayaran ang aking ama upang patatin ang kanyang amo, nagkakamali kayo. Sapagkat sa pagkakaalam ko ay mabait ang aking ama at hindi sya gagawa ng bagay na ikapapahamak nya o nang kung sino pa man.
Anyways. Eto na nga ako at nasa pintuan na ng aming classroom. Halos lahat sila ay nakatingin sakin kabilang na ang aming guro.
"Why are you late Ms.Asuncion!?" Tanong sa akin ni maam na nakakunot ang noo.
"Tinanghali po kasi ako ng gising maam. Pasensya na po" nakayuko kong sagoy
"Okay you may take your seat. Make sure na hindi kana ulit mahuhuli sa klase ko" kunot noong saad sakin ni maam
"Yes maam" sagoy ko bago tuluyang umupo
Nagsimula nang mag lesson si maam. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapag concentrate. Parang kanina pang may nakatingin sakin. Laking gulat ko nang makita kong tinititigan ako ng katabi ko at nakangiti sya. Hindi naman sya gwapo, pero hindi rin naman sya panget. Tinanong ko sya kung may problema, ngunit bigla akong napasigaw sa sunod nyang ginawa.
Hinawakan nya ang kamay ko!
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is an ASSASSIN!? [SLOW-UPDATE]
De Todopaano kung isang araw malaman mo nalang na na-inlove ka. at sa kasamaang palad sa isang masamang tao pa !? mapagbago mo pa kaya sya bago mahuli ang lahat!? tunghayan ang kanilang pag-iibigan.