Assassination 4

24 1 0
                                    

Habang naglalakad kami pabalik ng room, hindi ko mapigilang hindi mapa tingin sa kanya. Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla syang magsalita.

"Totoo ba yung mga nababalitaan ko!?" Tanong nya.

"Ang alin naman!?" Maang maangan kong sagot. Alam kong ang tinutukoy nya ay tungkol sa ama ko na isang ex-convict. TAMA! EX-CONVICT. Sa katunayan, kakalaya nya lang noong nakaraang linggo.

"Yung tungkol sa ama mo. I hope you dont mind na pag usapan natin yung bagay na yun." Sinserong sabi nya.

Isa ito sa mga bagay na ayaw kong pag usapan sa totoo lang. Kaya para hindi pa humaba ang usapan, tumakbo agad ako papunta sa room. Narinig kong sinigawan nya ko

"Hoy saan ka pupunta!? Di pa tayo tapos mag usap!"

Sumigaw din ako pabalik sa kanya

"Bilisan mo na! Galit na galit na siguro si maam kasi antagal natin."

Pagkasabi ko nun, tumakbo na ko para hindi na nya ako maabutan.

Nang malapit nako sa room, nakita ko si maam sa labas ng room at sa tingin ko ay hinihintay ako. Agad akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko sa kanya.

"Ms.Asuncion!" Tawag sa akin ni maam

"Sorry po maam kailangan ko lang po---" magdadahilan palang sana ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko kaya naman parehas kaming napatingin ni maam. Paglingon ko, hindi nga ako nagkakamali. Si Tim.

"O mr.Rivera, saan ka ba galing!? Pinatawag ko lang sayo si ms.Asuncion di kana bumalik." Puna ni maam kay tim.

"Hinanap ko pa po kasi si tiger. Pag labas ko po kasi wala sya kaya hinanap ko pa po sya" tumingin sya sakin sabay kindat.


Teka!? Kumindat sya!? As in KINDAT!?

"Kung ganun, pumasok kana mr.Rivera. may pag uusapan lang kami ni ms.Asuncion." sabi ni maam kay tim kung kaya naman pumasok na ito.

Nang kami nalang dalawa ni maam. Panay ang sermon nya sakin na kesyo ganito kesyo ganyan. Di na nga raw ako nakikinig sa klase nya nag sisisigaw pa daw ako. Pero ang sadyang nakapag panganga at nagpaluwa ng mata ko ay ang huling sinabi sakin ni maam bago nya ko iwan.

"May relasyon ba kayo no mr.Rivera!? You look good TOGETHER"


--------

VOTE AND COMMENT. THANKS.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Boyfriend is an ASSASSIN!? [SLOW-UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon