Assassination 5

15 1 0
                                    

Pagkatapos ng sermon ni maam. Agad akong pumasok para ayusin ang gamit ko dahil uwian na! Tama! UWIAN NA! Half day lang kasi kami ngayon dahil magkakaroon ng meeting ang mga teachers and parents after lunch.

Naglalakad na ko sa corridor ng biglang may umakbay sakin. Pagtingin ko kung sino ito, sino pa nga ba kundi ang dakilang papansin na si timothy rivera.

"Wag mo nga akong akbayan!" Iritadong sigaw ko sa kanya.

"Masama ka bang akbayan!? Ansungit mo naman." Sagot nya.

" aba masama talaga! Hindi nga tayo close eh. Tapos kung makaakbay ka akala mo close tayo!?"  Sigaw ko sa kanya

"Gusto ko lanh naman sanang makipag kaibigan sayo eh" medyo malungkot na sagot nya.

May kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko ng marinig ko ang malungkot nyang boses.

Pinag isipan kong mabuti ang isasagot ko sa kanya. At sumagi sa isip ko na tinulungan nya ko kanina nung nasa canteen ako at di ko sinasadyang mabunggo ang idang babae.

At bago pa ko makasagot sa tanong nya, tinanggal na nya ang pagkaka akbay sakin at medyo nauuna nang maglakad.

"Sige, simula ngayon magkaibigam na tayo." Sabi ko sa kanya bago pa sya tuluyang makalayo.

Bigla nalang syang tumigil sa paglalakad at unti unting humarap sa akin. Medyo patakbo sya na lumapit sa akin at

NIYAKAP NYA AKO!

For real!? Yakap talaga!?

Sa sandaling pagyakap nya sakin, naramdaman kong safe ako. Na walang kapahamakan ang pwedeng mangyari sa akin sa mga sandaling iyon.

Buti nalang at wala nang masyadong estudyante ng mga oras na iyon. Pero bibitaw na sana ako sa mga yakap nya nang biglang mas hinigpitan pa nya ang pagkakayakap nya.

"Let's just stay like this for a minute. Please" sabi nya

At ganun nga ang nangyari. Halos isang minuto kaming magkayakap at sya na mismo ang kumalas.

"Tara na, uwi na tayo" saad nya

"Ikaw kasi may payakap yakap kapang nalalaman. Tingnan mo oh! Tayong dalawa nalang ang tao dito."  Sagot ko sa kanya.

Nagsimula na kong maglakad samantalang sya ay nakatayo pa rin dun. Nang medyo makalayo na ko sa kanya, humabol agad sya sakin para magkasabay kaming maglakad.

Nang magkatapat na kami, ewan ko kung bakit ako natuwa sa sunod nyang ginawa.

Hinawakan nya ang kamay ko. Kaya holding hands while walking kame.

——————————
Vote and comment. Sorry slow update talaga! Kailangan ko ding mag aral. Sa isang araw nalang ulit.

My Boyfriend is an ASSASSIN!? [SLOW-UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon