KENT
Wassup alitaptap! Ayan naging jejemon na.
Welcome back to my channel!
Joke lang 'yon siyempre. Wala naman akong balak mag-vlogger 'no. Sa lahat yata ng bagay na pwede o kaya kong gawin, 'yon 'yong hinding-hindi ko susubukan.
Pero may mga kilala naman akong mga content creator. May kaklase nga ako tapos sabi niya sa'kin, gagawa raw siya ng Youtube channel. Suporta naman ako do'n 'no. Subscribe nga pala kayo sa kaniya guys. Louise Jaboneta 'yong name ng channel niya hehe.
"Kent, bili ka nga ng cup noodles!"
Sumimangot agad ako at umirap sa utos ni Avril. "Ikaw bumili, ano ka sinuswerte?"
"Edi huwag, libre na rin sana kita eh."
Agad akong ngumisi ro'n. "Akin na nga!"
"Libre lang pala katapat mo eh!" Tumawa si Avril at inasar pa 'ko pero alaws na akong pake do'n. Ang imporante, may libreng cup noodles na ako.
"Hoy, ako na rin! Pabili Kent." Agad na lumukot ng pera si Hera mula sa bulsa niya at inabot ito sa'kin. "Bulalo flavor ha."
"Kent, would you mind?"
Ngayon ay napatingin naman ako kay Ben na akmang mag-aabot na rin sana ng pera. Aba, mga abusado kayo ha! Sa jowa lang ni Kent Cruz siya nagpapaalipin. 'Di joke lang.
"Luh, asa ka pre! Samahan mo 'ko. Di ko na kaya 'yong apat na cups no!" Hindi ko na tinanggap ang pera ni Ben. "Hoy Avril, pahiram muna ng jowa mo, papatulong lang ako sa orders niyo mga madam."
Natawa sila roon. Totoo naman kasi. Ginagawa na nila akong alipin. Tuwing may rehearsals nga, ako palagi 'yong lumalabas para bumili ng snacks.
Mabuti naman at pwede ring mahiwalay nang panandalian itong si Ben at Avril. Ako kasi, kung pwede lang, gusto kong hindi na ako mahiwalay pa sa girlfriend kong nasa abroad ngayon. 'Yong tipong bawal talaga kaming lumayo sa isa't isa nang lagpas 3 meters haha!
"Huwang lumandi sa iba ha!" sabi ni Avril kay Ben. Nag-pout pa at pinag-dikit ang dalawang hintuturo niya.
Ang corny! Mali yata 'yong intro ko eh. Si Avril pala talaga 'yong jejemon.
Hays. Pabebe 'yong pinsan ko pero hindi naman masyadong clingy sa gitarista namin. Pero ewan ko kung anong ginagawa nila pag sila lang dalawa.
"Sama na 'ko. I'll buy mine too."
Na-realize yata ni Andres na mas mabuting sumama na lang siya sa'min kaysa maiwan siya kasama ang mga maiingay na girls ng banda.
Sa huli, kaming tatlo nga ang nautusang bumili ng cup noodles. Ang gulo rin ni Hera at Avril eh. Ba't di na lang sila sumama tapos do'n na lang din kami kakain? May table at aircon pa!
Hindi agad kami nakadiretso sa cafeteria kasi may humarang sa'ming babae. Akala ko, napopogian lang sa'kin pero totoo palang napopogian sa'kin. Nakilala niya yata kami.
"Kayo 'yong RTG diba? 'Yong nag opening act sa concert ng Carps?"
"Yeah, kami nga," sagot ni Andres.
"Pwedeng magpa-picture?"
Medyo nagulat kaming tatlo doon pero pinagbigyan pa rin naman namin 'yong babae. First time naming maka-encounter ng taong magpapa-picture sa'min liban na lang sa mismong gabi ng concert ng Carps kasi halos lahat naman ng dumalo sa event eh nagpa-picture sa'min.
"Thank you! More power sa banda niyo! Ang galing ng performance niyo!"
"Salamat!"
Sa totoo lang, hindi pa rin kami maka-get-over sa gabing 'yon. Hindi na nga namin namalayang dumaan na pala ang pinakahihintay namin. Ang bilis ng mga panahon eh. Parang kahapon lang, nag-desisyon kaming gumawa ng banda.
Hinamon man ng bagyo't lahat lahat, nagbago man ang ilang miyembro, heto pa rin kami, stay strong!
Napakalaking opportunity talaga ang ibinigay ng Carps sa'min. Dahil sa performance namin sa concert nila last week, mas marami na ngayon ang nakakakilala sa banda namin at mas maraming tao na ngayon ang nakarinig ng musika namin.
"Akala ko, kaya tayo hinarang kasi napopogian sa'kin," sabi ko't natawa.
"Mali ka yata ng akala Kent," sagot ni Andres. "Sa'kin sila napogian."
"Huh?" Naningkit ang mga mata ko.
"Ako naman kasi 'yong pinakapogi sa'ting tatlo eh 'no? Nong nagpaulan yata ng kagwapuhan, sinalo ko lahat," sabi niya sabay tawa sa sarili niyang biro.
Wow ha. Bihira lang mag-joke 'tong leader namin. Bigyan ng jacket 'yan!
"Mas gwapo ako. 'Di ba Ben?" kalmado kong sagot. Hindi naman sumagot si Ben at sa halip ay tinawanan lang ako. Aba.
"Bakit? There weren't raindrops left for you kasi nga sinalo ko lahat." Umiling-iling si Andres.
"Andres, pare..." Napabuntong-hininga ako. "Nung nagpaulan ng kagwapuhan, nasa langit ako no'n, tumutulong sa pagbigay!"
Pagkatapos kong sabihin 'yon ay halos matalo na namin 'yong ingay ng mga alon sa lakas ng mga tawa namin. Pinagtinginan pa kami ng mga tao.
Agad ko namang siniko ang dalawa para patahimikin kasi nakuha yata namin ang atensyon ng mga tao. Nilibot ng mga mata ko ang mga nasa paligid pero bigla-biglaan, may isang tao akong nakita na hindi ko inaasahan.
Halos lumuwa ang mga mata niya sa gulat nang magtama ang aming mga mata. Ganon din kina Andres at Ben.
Nastatuwa yata siya sa kinatatayuan niya. Ilang segundo ang lumipas ay agad na lumapit si Ben sa pinsan niyang halos kalahating taon naming hindi nakita.
Pinsan niyang dati naming gitarista.
"Long time no see, Karl."
RTG...
BINABASA MO ANG
Stringless Guitar (Musicians Series 1)
RomanceHe's hot, he's popular and he's definitely handsome. And he's as fascinating as a guitar when he plays it. But when it comes to women, he hates commitments and he prefers it as 'No strings attached'. He's bound to perform music with her onstage but...