"PUTSPAAA!!! ANG SARAP MAGING PATATAS!!!!"
" You mean, ang sarap ng patatas?" Pagtatama sa akin ni Paul na kasabay kong maglakad. Ka- m.u ko toh dati kaso ngayon hindi na. Lakas pa nga namin mag- 'I love you' sa isa't isa noon eh wala namang label. Pero atleast 'yung 'I love you' namin may kadugtong na 'As a friend'.
Di katuald ng iba dyaaannnn,
Wala na ngang label, wala pang 'as a friend. '
'Yung iba naman wala talagang naga- 'I love you'.
Blangko ko lamang siyang tinignan at pinaling ang ulo sa kaliwa. "No. Gusto ko talagang maging patatas."
Weirdo lamang ako nitong tinignan matapos kong sabihin iyon. Hindi man lang ito nag-abalang itago ang ngiwi. Malamang sa malamang iniisip nito kung anong nagustuhan niya sa akin noon.
Well I'm cute, smart, masipag mag aral—
"Ano na naman bang hinanakit mo sa buhay?"
Napatigil ako sa paglilista sa isip ng magaganda kong katangian nang may pumatong na kamay sa balikat ko. Pag lingon ko rito ay ang best friend ko lang pa lang si Kim, a.k.a Deer.
Napanguso ako at lumambitin sa braso niya. "Deeerrrrr. Ang tagal mag-update ng fav. author koooooo." Reklamo ko habang nakanguso pa din. " Mahigit dalawang taon nang walang update."
Tinigan ako nito gamit ang mga matang wala mang emosyon, ay sari-saring mura naman ang sinasabi. "So ano? Dahil don gusto mo na namang maging patatas?"
Batid kong umiiral ang pagka-sarkastiko nito kaya't binitiwan ko na ito. 'Di niya na ko lab. Hmp!
"Gusto ko na lang talagang maging patatas. 'Di na nga naga-update favorite author ko, 'di pa ko love ng best friend ko. Hmp—— Aray!" Naiiyak kong tinignan si Kim na tinadyakan na lang bigla ang flat kong pwet habang nagmo-monologue ako. Kaliit-liit ng babaeng toh pero ang sakit manipa. "Ba't ka naninipa?"
Inirapan lamang ako nito. "Kakasabi mo ng 'Gusto ko na lang maging patatas' baka maging patatas ka na lang talaga."
Masama ko itong tinignan. " Edi okay! 'Di ko na kailangan gumawa ng essay! Hmp!" Katwiran ko at tumayo na. Napaupo kasi ako sa semento nang tadyakan ako sa pwetan ni Kim. "Nagtatampo ako pero 'di mo ko sinuyo. GUSTO KO NA LANG TALAGA MAGING PATATAS—"
Ngunit imbes na maging patatas, nadapa ako sa patatas na nakakalat sa sahig.
PUTSPA!!! KANINONG PATATAS TOH?!!!
BINABASA MO ANG
How It Became Patatas
Humor✓ Madaming modules ✓ Namatay ang favorite anime character ✓ Ang tagal mag-update ng favorite author sa wattpad "PUTSPA ANG SARAP MAGING PATATAS!!!"