T

51 13 6
                                    

497, 498, 499...

"PUTSPA?! KULANG PA RIN NG ISANG WORD?!"

Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng kalsada habang may hawak na papel at lapis. Maniwala man ang lahat ng patatas sa mundo o hindi, nagawa ako ng essay ngayon.

Last month na kasi 'yung deadline kaya panahon na para gumawa.

Kakachill ko kasi isang buwan na pala ang lumipas.

Kunot na kunot ang aking noo habang binabasa ang aking sanaysay. Hindi maintindihan kung ano ang mga sinulat ko o kung ano ang idudugtong ko.

Shet, isang word na nga lang nagkulang pa.

Anong gagawin ko rito...

Napatigil ako nang may maisip na ideya. Agad-agad kong muling binasa ang aking essay at nakita ang hinahanap.

Hindi ko mapigilang mapangisi.

Can't.

Binura ko ito at pinalitan upang magsakto sa word count ng essay.

Can not.

'Yan! 500 words na!

Oh ha?

Sinong nagsabing hindi ako henyo?

Tuwang-tuwa kong tinignan ang aking essay. Sa wakas, matapos ng isang buwan nakagawa na rin. At marahil sa sobrang saya ko hindi ko namalayang nasa gitna na pala ako ng kalsada.

At malamang sa malamang, dahil nasa essay ko ang atensiyon, hindi ko rin narinig ang sigawan, ang pagpito ng traffic enforcer o maging ang pagbusina ng truck na papalapit sa akin.

Bigla na lamang akong tumilapon sa ere gayon na rin ang sanaysay na pinaghirapan kong isulat. Rinig ko pa ang tunog ng mga nababali kong buto at damang dama ang lakas ng impact ng truck.

Hindi ko mapigilang mapaluha.

Putspa. Hindi niyo man lang ako pinagpasa.

Habang pabigat ng pabigat ang aking talukap sa mga mata, may isang bagay akong natutunan nang nabangga ako.

Huwag nang gumawa ng sanaysay,
Hahaba pa ang iyong buhay.

How It Became PatatasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon