Sinamahan nilang tatlo si Angel para dalawin ang puntod ng dating nobyo si Echo.
Walang patid ang luha ni Angel. Pero naniniwala sya na gumaling na ang sugat sa puso nito ngayong may bago ng nagmamahal rito si Luis.
Si Luis na kasama rin nila ng oras na iyon at halos hindi hinihiwalayan si Angel.
Saan man naroon si Echo ngayon ay tiyak na masaya na sya dahil masaya ka, Angel, sabi ni Kim.
Ako na ang nagsasabi na masaya sya ngayon dahll nagawa ko ang gusto nyang ipagawa sa akin at hinigitan ko pa iyon. Hindi nya inutos na mahalin ko si Angel pero iyon ang nangyari, sabi ni Luis.
Ano ba ang nararamdaman ng isang umiibig? curious lang ako.
Malay ko. Di pa rin ako nai-inlove, sagot ni Marlann.
Ako nakaranas na ng puppy love pero hindi ako serious. Basta ang natatandaan ko ay nakikiliti ang puso ko at lagi kong iniisip yung guy, sabi ni Melissa.
Ganoon? Bakit kailangang isipin?
Kasi nga, mahal mo na at tumitibok na ang puso mo para sa kanya, sabad ni Luis.
Ganun ba ang nangyari sa inyong dalawa ni Angel, Luis?
I always think of Angel day and night. To the extent that I need to give up my career in America for her. I can't leave her.
How sweet!
At sobrang minahal rin ni Echo si Angel. That's why he doesn't want to spend his last days here on earth with her. He doesn't want to deepen the wound in her heart, Marlann said.
Dakila rin si Echo, ano? Tiniis niya ang lahat para kay Angel, Mel said.
Wait. Bakit ba panay ang tanong mo about love, ha? Marlann asks Kim.
Nothing. Bakit kasi wala akong maramdamang ganyan sa sarili ko.
Hindi mo pa kasi nakikita ang katapat mo.
Ang sabihin mo ay baka wala akong puso, sad Kim said.
Wag kang magmamadali, Kim. The right guy will surely come. Ayaw mo yan, hindi ka madaling ma-inlove. It means, hindi ka basta-basta maloloko ng mga bolerong lalaki.
Wait, Kim, hindi kaya ... that's my tomboy ka?
Hoy, Marlann, bad yan. Babaeng-babae po ako. Kita mo nga ang landi-landi ko.
Ay, sobra sa landi talaga. Look naman at her maong skirt. 1/4 yard na lang yata.
Uso yan ngayon mga Lola.
At ang blouse, labas ang buong likod. Malapit na ata umabot sa uka ng buttocks mo yang bukas ng likod mo.
Sobra ka naman. Hanggang bewang lang naman. At saka yan ang in ngayon. Kung may ilalabas ka naman, e, di ilabas mo.
Right. Kaya ikaw, Marlann, mag-aral ka nang magsuot ng mga ganyang damit, Mel said.
Ako na naman ang nakita ninyo. Lagi na lang ako. Ako.
E, paano naman po. Ayaw mong magpaka-girl. Lagi ka na lang naka-t-shirt. Kim said.
Alam nyo namang factory worker lang ang inyong kaibigan. Hindi katulad nyo na puro educated.
Inapi mo na naman ang sarili mo. Angel said.
Hindi ko inaapi ang sarili ko. Naging totoo lang ako. Mahirap lang ako and can't afford ng mga damit na katulad ng mga isinusuot nyo.
Bakit nauwi sa damit ang topic. Love ang topic natin kanina, a. Kim said.
Naku, baka mauwi sa iyakan yang usapan nyo. Mabuti pa ay umuwi na tayo at malapit na tayong abutan ng matinding init. Let's go. Iti-treat ko kayo ng lunch, aya ni Luis.
She took 'love' topic seriously. Until she fast asleep she brought it.
For the first time in her life ay napansin nya ang pagiging loveless nya. Pinagtatakhan nya ngayon ang kanyang sarili kung bakit nga ba sya ganito? Hindi man lang yata nya naranasang magka-crush.
Abnormal ata ako, a. Baka nga hindi ako babae. But I can't accept it. Babae talaga ang pakiramdam ko sa sarili ko. Grabe, nagduda pa ako ngayon sa gender ko.
For a fact, may mga nagparamdam namang mga boys sa kanya, kaya hindi nya pwedeng idahilan na walang nagkagusto sa kanya. Pero wala na syang ginawa kundi barahin at bastedin ang mga nagtangkang manligaw.
Kasi naman ay hindi nya feel ang mga iyon.
Wala talaga syang maramdaman kahit na konting pagtingin para sa mga lalaking iyon.
Naisipan nyang mag-malling mag-isa ng araw na iyon.
Gusto lang nyang subukan ang kanyang sarili kung normal ba sya o sya ay isang abnormal na babae na gaya ng gustong palabasin ni Marlann.
Ang balak nyang gawin ay ang maupo kahit saan, sa restaurant o sa benches na nasa pasilyo ng mall at titingnan nya ang mga boys na nagdadaan sa harapan nya kung may matitipuhan sya o maisip man lang nya na hanga sya sa guy na iyon.
Pero naubos ang oras nya sa kababantay sa mga lalaking nagdaan ay wala syang naramdamang kakaiba.
Tiningnan nya ang kanyang d¡bd¡b at parang baliw na kinausap iyon.
Hoy, tumibok ka naman!
Kim, ikaw na nga ang bumili ng birthday gift para sa husband ko. May meeting kasi ako at hindi makakadaan sa mall, utos ng boss nya si Mam Maricar.
Sige po, Mam. Pero anong klaseng gift po?
Kahit na ano. Ikaw na ang bahala. Yung he can use everyday.
Sige po, Mam. Aalis na ako.
'Nay ko. Anong malay kong bumili ng gift na panlalaki? Si Mam talaga. Feeling nya ay bihasa ako sa ganun. Bahala sya kung ano mabili ko.
Halos mahilo sya kakahanap ng regalo. Nalibot na nya ang lahat ng tindahan na nagtitinda ng gamit ng lalaki subalit sa dami ng nakikita nyang gamit na panlalaki ay hindi sya makapili.
BINABASA MO ANG
Bewitched
RomanceNa 'BEWITCHED' si Kim sa unang pagkakakita nya kay Xian. But the guy is already committed to a woman na malakas ang pang-asar at nanampal sa kanya sa isang mall nang magkabanggaan sila nito. She is so 'BEWITCHED', hindi nakahadlang sa kanya ang bruh...