2

143 7 1
                                    

Ang asawa ni Mam Maricar ay payat at malaking tao. Nai-imagine nya ang itsura ng lalaki at hindi sya makaisip ng magandang regalo na pwedeng ibigay dito.

Para na syang grasshopper na patalon-talon sa bawat department ng men's section. May sale pa man din at napakaraming tao.

Palabas sya ng tindahan ng t-shirt na panlalaki nang makabangga nya ang isang babaeng papasok.

Ay, sorry po.

Sa halip na tanggapin ang paghingi nya ng paumanhin ay kaagad nagalit ang babae at malakas na sinampal sya.

Tila nabingi sya sa lakas ng pagkakasampal ng babae at nahimas nya ang pisnging nasampal nito.

Bakit ka basta nanampal? Anong karapatan mong sampalin ako? sita ni Kim.

Tatanga-tanga ka kasi! Tonta! pagtataray ng babae.

Sa lakas ng boses nito ay kaagad silang napaligiran ng mga nag-uusyoso.

A, ganun? mahinahong sabi nya.

Nangipot ang mga labi nya at saka walang sabi-sabing binigyan rin ng sampal ang babae.

Aba't... bakit mo ako sinampal! galit na duro nito sa kanya.

Ikaw rin, bakit mo ako sinampal?

At talagang sasabunutan na sya ng babae nang may humawak sa bewang nito at napigil ang balak nitong gawin sa kanya.

Natigilan sya pagkakita sa lalaking iyon.

Bitiwan mo ako, honey! Bibigyan ko ng leksyon ang babaeng ito. Baka hindi nya ako kilala! pagpupumiglas nito.

Wag mo na syang patulan. Ikaw itong may pinag-aralan kaya ikaw ang magpasensya.

Nanlaki ang mga mata nya. Hindi dahil sa sinabi ng lalaki kundi dahil sa kaanyuan nito na nasa harapan nya.

Inilayo ng lalaki ang babae na panay pa rin ang mura at salita ng mga pangit sa kanya.

Kung ako sa iyo, sasabunutan ko ang bruhang iyon, e. Sobrang makapanglait ng kapwa, sabi ng isang manonood sa kanila.

Hindi kumikibong sinundan nya ang dalawa na noon ay pababa na ng escalator. Panay pa rin ang dakdak ng babae habang pina-pacify ito ng lalaki.

Pumasok ang dalawa sa isang sikat na restaurant sa first floor.

Hinintay nyang maka-order ang mga ito at mai-serve ang pagkain bago sya pumasok at naupo malayo sa dalawa.

Iced tea at sandwich ang inorder nya, habang kumakain panay ang sulyap nya sa lalaki.

Hindi maalis-alis ang tingin nya rito. Kapag nag-smile ito ay napapa-smile rin sya. Halos makabisado na nya ang itsura nito. His chinito eyes, face, nose, and his built.

In short, makisig, matangkad at gwapo ang lalaki.

Grabe. Parang di ko sya gustong hiwalayan.

Nang lumabas na ang dalawa ay tinapos na rin nya ang pagkain at sinundan ang mga ito hanggang sa carpark kunsaan naroon din ang kanyang kotse. Pinauna nyang pinalabas ang mga ito bago nya sinundan.

Naihatid ng lalaki ang babae sa isang pangkaraniwang subdivision. Napaismid sya.

Kung makaasta akala mo Donya. Hindi naman pala sya kayamanan.

Saglit lang at lumabas na uli ang lalaki sa subdivision. Sinundan pa rin nya ito. Nagtuloy naman ito sa isang condo sa Makati.

Napatawa sya sa kanyang ginagawa. Para syang isang stalker. Sumakay ng elevator ito at sumakay din sya. Nagkataong dadalawa lang silang nag-elevator. Napatingin sa kanya ito at itinago naman nya ang mukha.

Paglabas ng lalaki ay lumabas rin sya. Nakita nya kung saang unit ito pumasok.

Room 1200, sa isip nya.

Nasa 12th floor kasi ang unit ng lalaki.

Iyon lang at bumaba na sya. Habang sakay ng kanyang kotse ay napapatawa sya.

Bakit ko ba ginagawa iyon?

Noon tumunog ang phone nya. Hinahanap na sya ng kanyang boss.

Nasaan ka na? Nakabili ka na ba ng gift?

Yes, Mam. I'm on my way. Medyo na-traffic ako.

Nagmamadaling nagbalik sya sa mall at bumili na lang ng mamahaling necktie, handkerchiefs at isang mamahaling men's perfume.

Siguro naman ay masisiyahan na sya dito.

Akala ko ay naligaw ka na sa tagal mong dumating. Kanina pa naghihintay sa meeting place namin ang husband ko.

Sorry, Mam, nahirapan po akong mamili ng gift na magugustuhan ng asawa nyo.

Ano ba ang nabili mo?

Necktie, handerchiefs and perfume.

Aba, okay 'yan. Gustong-gusto nga noon ang maraming regalo kapag nireregaluhan sya.

Nasapo nya ang d¡bd¡b tanda ng sign of relief.

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon