3

166 6 0
                                    

Sa lahat ng mga gabing nagdaan ay ngayon lang yata sya napuyat ng ganito.

Aba'y mapikit at mapadilat sya ay mukha ng lalaking iyon ang nakikita nya.

Ginayuma ba ako noon. Pero imposible namang mangyari iyon. Wala naman syang ipinakain sa akin. Pero bakit kaya hindi sya maalis sa isip ko.

Parang tuksong pabalik-balik sa isipan nya ang mukha ng lalaki. Pero kapag naiisip nya ang mukha ng babaeng kasama nito ay parang gusto nyang maghuramentado.

Naisip nya, super lucky ng babaeng iyon at nagka-bf ng ganun kagwapo at napakamalas naman ng lalaki at nagka-gf ng ganun kabastos.

Pero palaisipang malaki para sa kanya kung bakit ba nya sinundan at talagang inalam pa ang bahay ng lalaking iyon.

Omigosh! Patulugin mo na ako. Di ko talaga alam kung bakit kita naiisip na lalaki ka.

Hindi ko alam kung bakit ko nagawa, Marlann. Sobrang na-attract ata ako dun sa guy at sinundan ko talaga kahit saan magpunta, kwento nya kay Marlann.

Si Marlann ang unang nakaalam tungkol sa kabaliwan nya dahil kasama nya ito sa condo nya.

Nagawa mo 'yon? tanong ni Marlann kay Kim.

Oo. And I really don't know what happen to me.

Grabe ka. Parang di ko ma-believe. Ikaw, nag-surveilance ng guy?

Napatawa sya.

Ginawa mo naman akong detektib nyan, e.

E, ano pa bang itatawag sa ginawa mong yan? Akalain mong masundan mo pa hanggang sa condo nya yung guy.

I don't know why I did it? My actions is so stink. Ano kasi, basta, hangang-hanga ako talaga sa kanya. Hindi ko ma-explain, e.

Isa lang ibig sabihin nyan, Kim.

Ano 'yon?

You're inlove.

Ha?

And not just inlove, madly inlove.

Ano? Madly ka dyan. Attracted lang siguro ako sa kanya.

E, Mare, ngayon mo lang ginawa 'yan.

Nakatuwaan ko lang siguro.

Nakatuwaan? Kataka-taka ang ginawa mo, best. Aba, balikan mo nga ang ginawa mo? Sinundan mo yung guy at kahit na mahal yung restaurant na pinasukan nya ay kumain ka dun para lang makita sya.

Correct ka dyan. Nagawa ko nga 'yon.

At di ka pa nakuntento, sinundan mo pa hanggang bahay. Para ka talagang detektib sa ginawa mo dahil ngayon alam mo na ang tirahan ng guy.

Correct ka na naman dyan, Sister.

O, di ba ganyan ang symptoms ng taong in-love?

I can't accept that. Pwede ka bang ma-inlove sa isang guy na iisang beses mo lang nakita at hindi mo alam kung makikita mo pang muli?

E, di ba may tinatawag tayong 'love at first sight'?

Meron. Pero di ko feel na na-love at first sight ako sa kanya.

Sige. Wait and see na lang tayo kung ano ang effect ng ginawa mong pagsunod sa guy na 'yun.

Bakit mo naman nasabi 'yan?

Kasi, he might be your destiny, that's why your inlove with him. If he is, then expect that you two will see each other again.

Parang di naman mangyayari ang sinabi mo.

Why naman?

May girlfriend na, e. Pero parang ang sama ng ugali ng girlfriend na yon. Isipin mo, nabangga ko lang ay nanampal kaagad.

Buti at hindi mo ako isinama. Kung nagkataon ay naingudngod ko sana sya.

Pero alam mo, Marlann, hindi nawawaglit ang mukha nya sa isipan ko kagabi pa. Para ba akong nagayuma sa kanya.

'Bewitched'! That's the right term.

Bewitched, ulit nya sa isip.

Iyon ang right term na pwedeng gamitin sa mga nangyayari sa kanya ngayon.

Baka nga, amin nya.

At dapat ka ng maging handa, Kim. Start na yan ng pagkagulo ng puso mo.

Nakita nya ang sarili sa labas ng gate ng condominium building na yon.

Binusinahan nya ang guard para lumapit sa kanya.

Yes, Mam. Ano po ang kailangan nila?

A, kilala mo ba yung lalaking nakatira sa Room 1200?

Ay, si Sir Xian po yon.

Xian ano sya?

Uy po. Bakit po?

Kasi, ooferan ko sana sya ng insurance. Mga anong oras kaya sya darating?

Mga ganitong oras po ay parating na yon.

A, ganun ba? Pero hindi ko na sya mahihintay. May ka-appointment kasi akong iba. Sige, salamat.

Ang totoo ay gusto lang nyang makuha ang pangalan ng lalaking iyon kung kaya sya naririto.

Ha ha ha. Detektib na nga ang labas ko. Xian pala ang pangalan nya. Ang ganda. Bagay sa kanya.

Sir, delivery po para sa inyo, bungad ng delivery boy sa unit ng kanyang condo habang dala ang isang box na masarap na cake.

Hindi naman ako nag-order nito, a.

Sir, bayad na po yan. May nagpa-deliver lang sa inyo.

Naguguluhan pero tinanggap na rin nya ang nasabing cake.

Kanino kaya galing?

Isang maliit na card ang kasama noon at binasa nya ang nakalagay.

Just to let you know that you're soooooo cute!

Nangunot ang noo nya. First time nyang makatanggap ng ganitong regalo na pa-mystery effect ang dating.

Ang masaklap, baka gay ang nagbigay nito. Mabuti sana kung babae.

Pero kung babae nga, sino kaya iyon at bakit sya binigyan ng cake.

Binuksan nya ang cake. Black forest iyon. His favorite. Natakam sya pero nagdalawang isip na galawin iyon.

Baka may gayuma ito at magayuma pa ako. Mahirap na. Ibigay ko na lang sa guard at janitor.

Pagbukas nya ng pinto ay syang bungad ng pinsan nyang si Luis at may kasama itong babae.

Wow! Tamang-tama. May mami-merienda na kami.

Ano ka. Itatapon ko ito. Tuloy, may kasama ka yata, react nya.

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon