Itatapon? Ano ka ba? Akina nga yan, agaw ni Luis sa box ng cake.
By the way, girlfriend ko, si Angel.
Hi, Angel. Glad to meet you. Kaya pala hindi na umuwi ang lokong ito sa States, e.
Binuksan na ni Luis ang box at kinuwit ang daliri sa cake.
Hmm, sarap!
Loko ka, baka magayuma ka nyan. Hindi ko kilala ang nagbigay nyan, no.
Gayuma ka dyan? Naniniwala ka pa dyan gayong high tech na tayo. At saka favorite mo ito, di ba?
Oo. Ang kaso nga ay hindi ko alam kung kaninong maligno nanggaling yan. May nag-deliver lang dito.
Wag mo nang alamin kung kanino galing. Ang mahalaga may makakain tayo.
Si Luis na ang nag-slice ng cake at binigyan si Angel.
Nadalaw ka. Ang tagal mong di nagpakita sa akin. Akala ko ay nasa States ka na. Kung di ko pa nalaman kay Tita Vi na andito ka pala baka isipin ko na isa kang multo.
May importante kasi akong sadya sa iyo.
Anong importanteng bagay yan? Baka mangungutang ka lang.
Hindi no! Papaghandain lang kita kasi ikakasal na ako at ikaw ang kukunin kong bestman.
Ha? Ikakasal ka na? Kanino? Sa kanya? gulat na react nya sabay tingin kay Angel.
Tama ka.
Naku, para kang kumuha ng batong ipupukpok sa ulo mo, Angel. Bantayan mo yan pag natutulog. Lumilipad yan sa gabi, biro nya.
Loko ka. Tatakutin mo pa ang wife-to-be ko.
Pero teka. Curious ako dun sa girlfriend ng bestfriend mo si Echo? Natagpuan mo ba?
Oo naman.
Talaga? Naipagtapat mo na sa kanya ang katotohanan?
Syempre.
Ano? Naka-recover na ba? Natanggap na nya ang lahat?
Tumango si Luis.
Actually, she'll marry me, sabi ni Luis sabay akbay sa natatawang si Angel.
You mean, sya yung girl.
Exactly.
Hanep! Bilib ako sa'yo, pinsan. Ang galing mo!
Loko ka talaga. Baka kung ano na ang isipin ni Angel. Panay ang laglag mo sa akin kanina pa. Sabihin mo naman na mabait ako saka faithful at hindi mahilig sa girls.
Ay, tama sya, Angel. Hindi nga sya mahilig sa girls kapag tulog, sabi ni Xi sabay tawa ng malakas.
Ikaw, kamusta? Kamusta na lovelife mo?
Wala pa rin akong siniseryoso. Wala pang makita. Pero may girlfriend ako ngayon.
Grabe ka. Naka 20 girlfriend ka na yata, e.
Girlfriend ka dyan. Mga flings pa lang yon.
By the way, you can drop by to our place and for sure you'll gonna forget your problems. And I suggest, you bought a house and lot there.
May condo na ako. Aanhin ko ba ang maraming bahay? Nagsosolo naman ako.
Just visit us. May konting gathering kami with our close friends next Sunday to formally announce our upcoming wedding.
Really? Sige nga. I'll come. Isasama ko yung latest ko, ha?
Sure.
Really? Pinadalhan mo ng cake? Ano ang sabi? Marlann asks.
Hindi ko alam. Itinawag ko lang naman sa phone yon, e. Pinadaan ko rito para sa payment saka ko ipinadala sa kanya.
Grabe ka na, Kim. Talagang inlove ka nga.
Ayokong isipin na yan nga ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.
Ano pa ba ang itatawag mo dyan? Nakakatuwaan mo lang yung tao.
Baka ganoon lang. Nakakatuwaan ko lang sya.
At bakit mo naman sya kakatuwaan? Naglilihi ka ba?
Hindi...
Pwes, inlove ka na sa tanggapin mo o hindi.
BINABASA MO ANG
Bewitched
RomanceNa 'BEWITCHED' si Kim sa unang pagkakakita nya kay Xian. But the guy is already committed to a woman na malakas ang pang-asar at nanampal sa kanya sa isang mall nang magkabanggaan sila nito. She is so 'BEWITCHED', hindi nakahadlang sa kanya ang bruh...