Chapter 16

133 6 0
                                    

Umaga na nang matapos kami. Panay kwentuhan nalang at hindi na bumili ulit ng maiinom nang maubos. I was leaning my head on Leandro's shoulder while he's playing with my hair and my hand.

I sighed. Si Sebastian na naman ang naalala ko. Alam ko naman sa sarili kong mapapatawad ko pa siya kasi hindi niya naman ginusto 'yon... at mahal ko siya.

I pouted. Maybe next week, I'll talk to Sebastian na.

"What are you thinking?" Le whispered in my ear.

"Sebastian." maikli kong sagot.

He sighed heavily kaya naman napatingin ako sa kaniya. His brows were furrowed at may pagtatampo sa mata.

"Ano na namang drama yan Le?" natatawa kong tanong.

"Stop thinking about him."

I laughed and pinched his cheek na masungit naman niyang inilagan. "Okay fine!"

"Oy! Bakit ang tamis niyo diyan ha? Baka naman langgamin na tong buong condo?!" sigaw ni Calli.

"Epal!" irap ko ag lalong isinandal ulit ang ulo sa balikat ni Leandro.

"Ako nga din!" Sen sat on Gabe's lap sideways and rested her head on his chest.

Hindi naman nagulat si Gabe imbes ay hinalikan pa nito ang ulo ni Sen.

"Ano ba yan!" irap naman ni Gel. "Respeto sa single oh!"

"Dito ka nalang sa akin Gel. Pasisiyahin kita." biro ni Cole na nakapag patawa sa amin ng sobra.

"Siraulo!" tatawa tawa din naman si Gel. "Baka naman jutay ka ha!"

"Well... you can check it out later." Paghahamon pa ni Cole.

"Mga malalandi kayo. Tumigil na kayo at magsi tulog na tayo. Lasing na si Franco oh!" inginuso naman ni Anne si Franco na nakahiga na sa sofa.

Tumayo na ako at nagsi tayuan na din naman sila. Kanina pa namin nalinis ang mga kalat namin kaya diretso tulog nalang kami.

We actually have 5 bedrooms in here. So kasya naman kami.

I saw how Ark tapped Franco's face lightly. Nagmulat si Franco ng mata at ngumisi kay Ark. Ark shook his head before carrying her to the bedroom.

Nagsi tulog na din naman kami agad. Nagising agad ako nang medyo maaga sa kanila. Although almost six a.m na kami natapos, nagising pa rin ako ng alas dies ng umaga.

Bumangon ako at dumiretso sa banyo para maghilamos at mag toothbrush then pumunta ako sa kusina para mag hanap ng maluluto. Nang makita kong walang masyadong pagkain, bumaba muna ako ng condo at pumunta sa malapit na store.

I bought some meat, bacon, eggs and other stuffs para sa hangover nila then bumalik na ako agad sa condo. Walking distance lang naman so wala pang twenty minutes nakabalik na ako.

I started cooking for them. Nag saing na din ako dahil brunch na namin to. Nag luto ako ng egg drop soup, bacon, eggs, ham, tuna cheese omellete, and I toasted some bread too. Nag handa na din ako ng juice and ni ready ko na rin ang ibang coffee pero hindi ko pa ginagawa. I'll ask them pa kung sino ba ang magkakape.

"Wow!" sabi ni Neil nang pumasok sa kusina. "Naamoy ko palang nagugutom na 'ko" aniya at dimiretso sa refrigerator para kumuha ng tubig.

"Upo ka na diyan paluto na 'to." sabi ko at isa isang hinain ang pagkain. Tinulungan niya naman ako.

"Ako na dito Neil. Gisingin mo na silang lahat."

Naglalagay ako ng mga baso sa lamesa nang dumating silang lahat.

Wild Heat (GirlsGoneWild Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon