Synopsis

54 8 0
                                    


"Pumili kayo kahit isa sa mga taon na nasa harapan nyo." yan ang huling sinabi sa speaker bago namayani ang nakakabinging katahimikan.

Kinakabahan ako pero nanatili akong tahimik. Hindi ko na maintindihan ang daloy ng larong ito.

Tinitigan ko ang anim na tig-aapat na numero sa harapan ko---kung saan tinawag nila itong 'taon'.

1982

1876

1990

2012

1674

1889

Those random years.

"So anong gagawin natin dito?" tanong ni Echan, ang pinaka bata sa aming lahat.

Nakita ko namang binatukan sya ni Rubert na syang nanatiling pilyo saming lahat na nandito. Sya yung tipong hindi siniseryoso ang nangyayari sa paligid. Ginagawa nya kasing laro ang mga ito. "Dude, ulyanin ka ata?" natatawa nitong inakbayan si Echan na ngayo'y nakabusangot na sa kakulitan nito.

"Eh nagtatanong lang naman ako eh!" echan

"Eh nagsasagot lang din naman ako." Rubert.

Bago pa sila mag-away na dalawa ay pinutol na sila ni Jules na seryosong nakatitig sa harapan namin. Kung saan nakapaslak ang anim na numero.

"Shut up! Look!" sigaw nito at tinuro ang nag-iilaw sa harapan namin.

Pawang nanlaki ang mga mata namin sa pagkabigla at pagkamangha.

"In 10 seconds. You need to choose one, players!" lahat kami mistulang natuod sa narinig. Ang speaker!

"One" he starts counting.

Nagkatitigan kami ng mga kaibigan ko at nagtatanong ang mga mata namin.

"Two"

Makikita sa mga mata namin ang kaba. Takot at pagkalito.

"Three"

What we do now?

"Four"

Shit!

"Five"

"DAMN IT!! HINDI KAMI PIPILI!" dahil sa inis ay ako ang sumigaw nyan sa harapan ng speaker. Nanginginig kong hinawakan ang box nito at tiim bagang nakatitig sa nag-iilaw na numero.

"Six"

"FUCK!!!" napamura na rin ang ilan kong mga kasama dahil sa inis.

"Seven"

Nilibot ko ang paningin sa paligid at ngayon ko lang napansin na lahat pala sila nakatingin sakin. Pawang humihingi ng signal ko. Wala sa sariling nakuha ko ang isang batong nasa paanan ko at hinampas ng pagkalakas ang speaker sa harapan namin.

"Eight"

Pero nabigla nalang kaming lahat ng muli itong tumunog. Nagkabasag lang ang katabi nitong salamin pero gumagana parin.

"SHIT!! Pumili na kayo!!" naisigaw ko nalang dahil sa kaba.

Naramdaman kong gumalaw ang lupa. Sinundan rin ito ng malakas na ulan. Kumidlat at kumulog. Sa isang iglap rin ay may pumasok na malakas na hangin sa harapan namin.

"Nine" patuloy pa rin ang pag salita ng nasa speaker.

Nakita kong nagsitakbohan ang mga kasama ko sa mga numero at pumili na lamang dahil sa kabang dala.

Maraming pag aalinlangan sa utak ko pero dahil na rin sa paggalaw ng lupa, malakas na kulog at kidlat ay wala rin akong nagawa kundi pindutin ang isang numerong nakita ko dahil sa pagmamadali.

Kasabay ng paghawak ko sa naturang button ay para akong lumutang sa hangin at nawalan ng malay. Nag-aalala ako sa mga kaibigan ko pero wala na akong nagawa ng sakupin na ako ng dilim.

Hindi ko na rin naisigaw ang mga pangalan nila dahil sa panghihina ko.

Huli ko na lamang narinig ang mga katagang ito.

"Congratulation Patric! You choose the year of 1876! Good luck and be safe!"

Way Back 1876 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon