1. Unknown WorldMabigat na talukap. Napapagod at mabigat na katawan. Masakit na pakiramdam---damn! I just want to rest for a while.
I groan when the sunlight kisses my face. Ayaw ko pa naman sa lahat ang nainitan ang mukha ko. Pakiramdam ko kasi mangingitim ang kutis ko.
"Gising na ang ating panauhin, ina"
Wala sa sariling napakunot ang mga noo ko. Unti unti ko na ring binuka ang mga mata dahil sa wala akong maalalang may kasama ako dito sa kwarto ko. And i really hate it when someone are inside my own room. At nadagdagan ang inis ko dahil sa araw na tumatama sa mukha ko. Ang silaw!
"Fuck! Can you please turn off the light, mom?!" Sigaw ko habang kinukusot ang mga mata.
I was expecting a response from my mom voice but I can only hear a goddamn scream from unknown person.
"Aaahh!! A-Anong nangyayari s-sa kanya i-ina?" Natatarantang sigaw ng isang babae.
Kaagad akong napamulat ng mga mata at tinignan ang pinagmulan niyon. Pareho ang mga hugis ng mata namin dahil pawang nanlaki sa pagkabigla. Hindi ako makagalaw sa pagkakahiga dahil lahat ng alaala ko ay nagsibalikan na.
"Magandang umaga, Ginoo." Naipihit ko naman ang paningin sa isa pang mahinhin na boses mula sa loob ng kwartong ito.
Babae, magkasing-mukha lamang sila ng isa pang babae na nasa harapan ng pinto at ang tumili kanina!
Automatiko akong napa-upo ng unti-unti itong lumapit sakin. Isiniksik ko ang katawan sa gilid ng kama at nakayukong pinapakalma ang sarili.
All I remember is the speaker...and my friends!
Where the fuck are they?! And why I am here?! What am I doing here? And what is this suppose to mean? Damn it!
Sa naalala ko, nasa paaralan lang naman kaming lahat ng tropa ko. Nagka-aanyahang pasokin ang loob kahit gabi na para lang makapag-connect ng wifi at makapag-ML. Kukuha nalang din sa room ng mga kakailanganing libro para sa module---yun lang naman ang dahilan namin eh! Pero biglang may lumataw na bagong professor sa harapan namin at sinabing isusumbong nya daw kami sa dean kung hindi kami sasabay sa kanya.
Una, ayaw sana namin kasi hindi naman namin sya kilala pero dahil na rin sa takot ay pumayag kami. At pagkarating namin sa loob ay bumungad samin ang kwartong kulay itim. Madilim at nakakatindig balahibo ang presensya nito.
Nabigla nalang kami nung iwanan kami ng Professor at nagpa-alam na tatawagin nya lang ang dean para makapag-usap na ng masinsinan tungkol sa ginagawa namin sa loob ng paaralan sa gitna ng gabi. Aba, malay ba naming gising rin sila sa oras na yun, diba?
Pero nakakabigla lang dahil sa narinig naming speaker mula sa harapan namin. At nagsasabing pumili daw kami ng isa sa mga taon na nakapaslak doon---at ang napili ko ay 1876.
Pero teka, kung nakarating ako dito? Ibig sabihin makaka-uwi rin ako. Kathang isip lang ba tong mga to o panaginip?
Naguguluhan ako!
"Pakikuha muna ang bimpong pinatong ko sa labahan Luisa."
Napakurap ako ng ilang ulit dahil nawala na naman ako sa katinuan. Tumingin ako sa taong nakatayo sa harapan ko at mas lalong kumunot ang noo.
Mabilis itong lumapit sakin. Nanlalaki ang mga bilogang mata nito at nagmamadaling inangat ang pares na kamay at dinampian ang noo ko.
Nanlamig ako sa pagkabigla. Napatulala ako sa kamay nitong nasa harapan ko. At sadyang hindi ako makapagsalita dahil dito.
BINABASA MO ANG
Way Back 1876
Historical FictionPain, it's only temporary. Pain, it wont last forever. But pain is worst than death. From the year 2021 way back 1876. Patric Guellermo travel back from the historical happenings. Meeting up different people. Learning deep languages. Experiencing u...