Chapter 3

18 2 0
                                    


3. Run



"Hay...thank God, I am now free." mahabang usal ko sa sarili at nilagay ang dalawang kamay saking likuran.

Humugot ako ng hininga at ngingiting lumingon-lingon sa paligid. Pero muli lamang akong napasimangot dahil biglang tumunog ang tyan ko. Awit, gutom na ako!!!

"What should I do now?" muli kong usal sa sarili at nagsimulang maglakad sa mas masukal na bahagi ng gubat. Sana man lang may makita akong prutas dito no? Kahit strawberry lang.

"hmmmm.." pumulot ako ng isang maliit pero matibay na kahoy na nakita ko sa daan at ginawa itong pansangga sa mga damong makakati na dumidikit sa binti ko. Hindi naman sa maarte pero ayoko talagang nadudumihan ang mga suot ko. T_T

"Damn!" napamura ako ng wala sa oras nang bigla kong naapakan ang isang malagkit na kulay dilaw---na hindi ko alam kung anong tawag dun.

Nandidire kong pinahid ang sapatos sa makakapal na damo at nagpatuloy sa paglalakad. Maya't-maya rin ang pagsunod sakin ng mga lamok, dumidilim na rin ang paligid, nag-iingay na rin ang mga kuliglig at ang mas nakaka-irita ay muli't-muli akong nakakaapak ng dumi. Nakakadire na talaga.

Sa paglalakbay kong iyon ay sumisiksik ang lamig saking katawan. Pinulupot ko nalang ang isang kamay saking braso para man lang mabawasan ito. Dahil na rin sa magubat na paligid ay nakakaramdam ako ng kaba sa iisiping baka may multo dito? Uwoo..

Sa tagal ng paglalakbay kong iyon ay nakaramdam ako ng pagod. Napag desisyonan ko munang magpahinga sa tabi ng puno. Malaki ang katawan nito kung kayat sa gamot ko nalang naisipang umupo. Humugot ako ng hininga at hindi ininda ang lamig ng paligid, ang gutom, at ang sugat sa likuran ko. Kung sana naging panaginip nalang ito.

Pinikit ko ang mga mata at hinilot ang sentido. Kumusta na kaya ang mga kaibigan ko? Nasa mabuti kaya silang kalagayan? Anong taon kaya ang napili nila? Masaya kaya sila?

Nasa isang taon ako----ang taon na hindi ko alam kung anong mga kaganapan dito. Hindi naman kasi ako mahilig sa historical na subjects kaya nahihirapan akong ilarawan ang mga nangyayari sa paligid ko.

Kung pagtagpi-tagpiin ang nangyayari, hindi na dapat ako mabibigla kung nakasalamuha ako ng mga bagay at taong mga ganun. 1876? Wala akong ka-edi ediya sa taon na yan pero isa lang ang masasabi ko, kailangan kong makipagsabayan sa uso.

But how can I do that when in the first place I don't know how to suit their personality? Damn, this is getting hard!

Hay nako... Paano pa ako makaka-kita at makakahingi ng tulong kung nasa ganitong estilo ako? Sa gitna nang gubat? Gabi na? nag-iisa? Ugh.

Is this how cruel my life is? Bakit ba kasi ako nandito? Anong dahilan ko dito?

Namiss ko na sila mama, si ate at si bunso. Mga baliw kong kaibigan....nakakamiss na sila! Paano kaya ako makakabalik sa simula? Paano ako makakabalik sa totoong pangyayari nang buhay ko?

"I'm tired.." napahilamos ako sa mukha at marahang pinikit ang mga mata. Pagod na ako.


NAPAMULAT ako sa kalagitnaan ng gabi.  Hindi ko nga rin namalayang nakatulog na pala ako sa ganitong posisyon.

Kinusot ko ang mga mata at pilit inaaninag ang mga papalapit na ilaw papunta sakin. Naistatwa ako sandali dahil dumarami iyon. Para rin itong kumakanta dahil sa ingay na nagmumula sa kanila. Mas siniksik ko nalang ang katawan sa puno at doon nagkubli.

Tumahimik ako at kunot noong nakasunod sa bawat paglakbay nila. Sa pamamagitan ng mga tinig nila ay nahimigan kong mga babae iyon. Maganda ang kanilang awit. Nakakahalimuyak at nakakapakalma sa gabi. Sadyang kaaya-aya ang kanilang kasuotan. Nagliliwanag ang mga iyon ng makalapit na sa gawi ko.

Gusto kong magsalita at magtatakbo palapit sa kanila upang humingi ng tulong nang may mapansin akong kakaiba. Nakasuot sila ng mahabang bestida na hanggang paa, its like a big hoddie dahil man tabon pa sila sa ulo. Parang takot na takot silang makita ang pagmumukha nila.

Nakaramdam ako ng hilo at kaba. May hawak hawak silang mga solo at nagsilbing ilaw iyon sa kanilang daanan. Nasa labing-lima lamang silang lahat.

Napahawak na lamang ako saking damit ng may nakapansin saking gawi. Lumingon ang panghuling babae sakin na sadyang nagpabilis at nagpalakas ng tibok ng puso ko.

.........W-Wala syang mukha!!!

Ilang sandali pa ay tumigil ang kanilang pagkanta at sabay sabay na lumingon sakin. Deritso akong kapa-tayo dahil sa nakabalot at nakakatindig na balahibong tingin ang pinupukol nilang sakin.

Nagtungo sila palapit sakin kaya nahigit ko ang aking hininga at dali-daling tumakbo sa kung saan ako dalhin ng aking paa. Pawis at kaba ang bumalit saking physical at emotional na pagkatao kaya mabilis ako kong tumakbo. 

Bawat pagtakbo ko ay nadadapa ako dahil may naapakan ako malaking bato at may mga damo ring mahahaba na binabalot ang paa ko kaya naging sanhi ito ng pagbodul bodul ko sa damuhan. Animoy isa akong mapangahas na hayop sa kagubatan.

Nadadaplisan rin ng mga matutulis na puno o dahon ang balat ko kaya nagkadugo-dugo na ito. Hindi na rin maipinta ang mukha ko dahil sa nakabalot na kaba.

Pero wala na akong pakialam doon, basta makalayo lang ako sa mga multong iyon ay masaya na ako.

Lumingon pa muli ako sa likuran pero wala na akong naaninag na mga kababaihan doon kundi dalawang hayop na lamang. Tunog baboy iyon na sadyang nagpabilis ng pagtakbo ko. Sa pamamagitan ng sinag ng buwan ay kitang kita ko ang mapangahas nitong mga mata.

M-May baboy bang humahabol ng tao?

Mas lalong nanindig ang katawan ko. Tila naging manhid na ang buo kong pagkatao kaya mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo. Mabuti na nga lang at sanay akong makipagkarera ng takbo sa paaralan--isa pa, varsity rin ako ng basketball kaya kayang kaya kong tumakbo ng mabilis at mataas rin ang dinadala ng hangin sa loob ko pero sa kamalas-malasan ay may sugat ako sa likod. Nanghihina na rin ang katawan ko.

Kaya kung mabilis akong tumakbo sa hayop ay mabilis parin itong lapitan ako. Muntik na nila akong nababangasan ng kanilang munting ngipin pero lumalaban pa rin ako. Pilit akong naghahanap ng pagsakahan na puno pero pawang mga malalaki ang katawan nito kundi hindi ko kayang maka-saka roon.

Fuck??!! What should I do now??! Run??!!

"HELP!!!" wala akong nagawa kundi magsisigaw sa tulong.

"HELP MEEEE!!!" wala pa akong nakikitang ilaw o tao man lang para tulongan ako. Ang sakit na ng katawan ko.

"TULONGAN NYO AKOOO!!" parang maiyak ako sa iisiping isang baboy ramu lang ang dahilan para mamatay ako.

Sa pagtatakbo kong iyon ay may nahagip akong isang ilaw. Isa itong hugis tao na may dalang solo. Sumigaw ako ng tulong at halos pumiyok na ang lalamunan ko dahil sa kaba. Lumingon pa ako ng ilang beses sa likuran at kitang kita ko ang tatlong baboy ramu na nandoon.

"TUMAKBO KA!!" sigaw ng isang boses at mabilis akong hinila. "DITO!!"
dali dali kaming nagtungo sa isang makapal na kahoy na syang tinataguan nito at hindi pa ako nakapagsalita ay iniwan na nya ako.

Hinarap nito ang tatlong baboy ramu at gamit ang palakol ay naisakatuparan nyang patayin ang mga ito. Habol ang hininga ko at hindi ako makapagsalita dahil sa nasaksihan.

"Sa wakas may pagkain na ako mamaya.." rinig kong lintaya nito sa sarili pero hindi ko mabigyan ng pansin pa.

Sinandal ko nalang ang katawan sa malaking puno at hindi ko na namalayang naipikit ko na pala ang mga mata.

"Ginoo? g-ginoo? Gising-------" ramdam ko ang pagyugyog nito saking balikat pero dahil nanghihina na ang katawan ko at pagod na ay nawalan na kaagad ako ng malay.

Way Back 1876 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon