Chapter 16

5.7K 212 34
                                    

"ANO pong pag-uusapan natin?" tanong ni Jasmine nang matapos kaming kumain.

Nakatinginan sila mom kasama ang mga magulang ni Jasmine. Yung mga tingin nila na para bang malaking bagay ang pag-uusapan o ikakagulat namin.

Nakangiting humarap ang mga ito sa amin bago nagsalita si mom na siyang ikinagulat namin.

"Pag uusapan natin ang engagement n'yong dalawa na matagal na dapat nangyari." Nakangiting anunsyo ni mom na siyang ikinatulala naming dalawa ni Jasmine.

Engagement n'yong dalawa

Engagement n'yong dalawa

Engagement n'yong dalawa

Engagement

Engagement

Engagement

MGA salitang nagpalit ulit sa pandinig ko. Engagement! Nang mag sink in sa akin ang mga ito ay napasigaw na lang ako...

"WHAT?" sabay na napatanong na sigaw namin ni Jasmine.

Gulat ang makikita mo sa mukha naming dalawa. Hindi namin inaakala 'to.

"Yes. Engaged kayong dalawa matagal na kaso umalis nga si jasmine noong time na ipapakilala na namin kayo sa isa't isa dahil may gustong maabot na career si jasmine at hindi naman namin kayang pakialaman siya sa bagay na iyon." paliwanag ng mama ni jasmine.

Nagulat na lang kami ng bilang tumayo si jas at nagpaalam na ccr.

Hindi niya gustong maging fiancee ako. Usal ko sa isipan.

"I'll be back, mag-uusap lang kami." paalam ko agad sa kanila at nagmadaling sundan si jasmine.

Nasa labas palang ako ng marinig ko ang sinasabi ni jas sa loob.

"Engaged? Fuck! Ito ba yung dahilan kung bakit nila ako pinapauwi? Ipapakasal nila ako paano kung di niya ako mahal? Edi kawawa ako nito." rinig kong sabi nito sa loob.

Binuksan ko na ang cr kahit alam kong cr yun ng mga babae. Alam ko naman na nagiisa lang siya sa loob nito.

"Alexious?" usal nito nga makita ako sa salamin ng cr. Inilock ko ang pinto bago nagsimulang lumapit sa kanya.

"You don't want to marry me?" mahina kong tanong ng maipulupot ko na ang braso ko sa bewang niya.

"W-what?" gulat nitong tanong.

"Ayaw mo ba sa akin?" tanong ko habang nakatingin ng Deretso sa mata niya. "Ako kasi gusto kita, hindi lang gusto dahil mahal na kita." malambing kong Saad habang hinahaplos ang pisnge niyang lumuluha na ngayon.

"You love me?" maluha luha nitong tanong.

I smiled and nodded. "I love you kaya kung ayaw mo makasal sa aki—" naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong yakapin kasabay ng pagbigkas ng mga salitang nagpatulala sa akin.

"Mahal din kita, alexious." sabi nito sa akin habang mahigpit na nakayakap sa leeg ko ang mga kamay.

"Can you repeat it again." di makapaniwalang sabi ko.

Ngumiti ito bago nagsalita. "I love you so much, hindi ko alam kung kailan basta isang araw naramdaman ko na lang na mahal na kita at ayoko ng mawala ka sa akin."

Sa tuwa ko ay nahigit ko na lang ang bewang niya at inangkin ang mapupulang niyang labi na kanina lang ay aking pinagmamasdan.

I kissed her and she kissed me back.

Isinandal ko siya sa wall at pinalalim pa ang halik nang bigla kaming napatigil nang marinig ang boses ni jasrone sa labas ng pinto.

"HOY! LABAS NA KAYO DYAN, ABA! BAKA MAGKAROON AGAD AKO NG PAMANGKIN PAGKALABAS NI–ARAY KO! Ano ba ley napakasadista mo talaga."

"Magtigil ka jasrone baka ikaw ay masapak ko ng wala sa oras."

"Tsk! Pasalamat ka may gusto ako sayo."

"Abat!"

"Ito na nga po titigil na. UYY LABAS NA KAYO!" rinig namin sa labas ng pinto kaya nagkatinginan kaming dalawa ni Jasmine at napansin ko pa ang pamumula ng pisnge nito.

Napatawa na lang ako ng mahina pero napatiklop din agad ng samaan ako nito ng tingin.

Itinaas ko ang aking dalawang kamay bago siya inakbayan at iginaya na palabas ng cr.

JASMINE VALDEZ POV
NAKAKAHIYA! nakaupo na kami ngayon dito sa table kaharap ang mga magulang namin na may nakakalokong ngiti sa mga labi.

Panigurado akong nasabi agad ni kuya yun! Chismoso talaga.

"So payag na kayo?" Nakangiti ng malaki na tanong ni mom sa amin kaya nagkatinginan kaming dalawa ni alex bago parehas na tumango.

Nagsitilian ang pareho naming mommy habang nag-apir naman ang mga daddy namin.

Sila kuya? Ayun nakangiti ng malaki habang nakaakbay kay manager kaya naman siniko siya ni manager na nakatingin sa kanya ng masama.

Naramdaman kong hinawakan ni alex ang kamay ko na nasa ilalim ng lamesa kaya napatingin ako sa kanya.

He mouthed 'i love you'. Namula ang pisnge ko bago nag i love you too.

Ngayon lang ako nagkaboyfriend kaya hindi ko alam kung anong iaakto ko.

Buong oras ay pinag-usapan namin ang engagement na sa susunod na linggo na ito ipapaalam sa lahat kaya naman nakakakaba hindi ko alam kung anong magiging reaction ng mga taga suporta ko.

Sana lang supportahan parin nila ako kahit na magkakaruon na ako ng fiancee.

NANDITO na ako ngayon sa kwarto at nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Wala, hindi ako makatulog.

Napaupo ako bigla ng maalala ko na naman ang nagtext sa akin kanina nang makarating kami sa restaurant.

Hindi lang yun basta basta text dahil sa isang number ko ito nagtext, sim ko bilang isang gangster.

Yes, gangster ako pero hindi alam nila mom kahit pa si kuya dahil kami lang nila karl at kaycee ang may alam.

Leader ako ng grupo namin. Hindi lang kami tatlo sa grupo, marami kami lalo na yung mga underlings na napapasama sa amin.

Nagsisimula na naman ang gulo sa underground arena.

Hindi nila alam kung sino ang kinakalaban nila kaya mag-iingat sila baka mamaya ubos na ang grupong inaalagaan nila.

 The SSG President is My Fiance (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon