Chapter 29

4.6K 174 3
                                    

THIRD PERSON POV
Tila nanigas ang lahat ng tao sa loob ng kwartong kinalalagyan ni jasmine valdez nang biglang umiling at sabihin ng doktor ang mga katagang iyon.

"TIME OF DEATH: 1:35 pm."

TIME OF DEATH: 1:35 pm

TIME OF DEATH: 1:35 pm

TIME OF DEATH: 1:35 pm

TIME OF DEATH: 1:35 pm

TIME OF DEATH: 1:35 pm

TIME OF DEATH: 1:35 pm

TIME OF DEATH: 1:35 pm

TIME OF DEATH: 1:35 pm

Nagpaulit-ulit ang mga katang iyon sa isipan ni alexious na para bang hindi niya kayang tanggapin.

Masakit..

Isang salita at maikli ngunit hindi masukat ang sakit na nararamdaman ng mga tao sa loob ng kwarto.

Salitang hindi kayang tanggapin ng kanilang mga sarili.

Napasuntok at nagmadaling lumapit si alexious sa fiancee niya at duon umiyak. Niisang salita ay walang lumabas sa bibig nito na para bang may nakabarang kung anong pagkain sa lalamunan niya kahit wala naman siyang kinakain.

Sa isang tabi ay umiiyak ang magulang, kapatid, pinsan at kaibigan nila.

"Baby, wake up please don't leave me." umiiyak na sabi ni alexious sa fiance habang hinahaplos ang pisnge nito.

Lumipas ang limang minuto ay biglang na lang silang nagulat sa narinig at nakita.

Tumunog ang machine kung saan nalalaman kung humihinga pa ba ang isang pasyente. Kaya naman napatingin sila sa babaeng nakahiga sa kama at duon nakita ang dahan dahan nitong pagmulat ng mga mata na may munting ngiti sa labi.

"Tumawag kayo ng doktor!" Sabi agad ng ama ni jasmine na siyang unang nakarecover sa pagmulat niya.

Nagsitabi sila ng magsipasukan ang doktor at cheneck agad ang pasyente. Gulat na gulat ang mga ito sa nakikita. Hindi nila akalaing babalik ang tibok ng puso nito.

Ilang linggong tulog at limang minutong nawalan ng heart beat ngunit ngayon ay gising na.

"It's miracle!" Masayang anunsyo ng doktor matapos maasikaso si jasmine na ngayon ay katabi na si alexious na todo alaga. "Limang minutong tumigil ang pagtibok ng puso niya ngunit heto siya, lumaban para mabuhay." Nakangiting ani ng doktor bago sinulyapan si jasmine na nakangiti na ngayon. "Btw, nacheck ko na ang mga vital at heartbeat niya. Maayos na ang lahat kaya kunting pahinga nalang maaari na siyang maiuwi sa bahay niyo." Nagpaalam na agad ang doktor dahil may pasyente pa daw itong aasikasuhin.

JASMINE VALDEZ POV
Napatingin ako sa mga taong nakapalibot sa akin ngayon, nakangiti ng malalaki ang mga ito.

Hindi ko inaakalang makakabalik oa ako. Akala ko katapusan ko na. Kanina nang marinig ko ang sinabi ng doktor ay parang tinakasan ako ng lakas, marinig na nagsisiiyakan at nagsusumamong bumalik ako.

Naalala ko na naman ang nangyari bago ako bumalik.

"TIME OF DEATH: 1:35 pm"

"Hindi maaari!!!" Naisigaw ko na lang nang marinig ko ang mga pinagsasabi at ibinubulong ni alexious sa akin.

"Apo, tara na." napatingin ako kay lola na ngayon ay nakalahad na sa akin ang kamay ngunit umiling iling ako.

Hindi ko pa kayang iwanan ang mga taong nanghihintay sa akin. Hindi ko kayang makitang magdusa ang mahal ko dahil sa pagkawala ako.

"Lola, hindi ko pa kaya. Hindi na ba ako makakabalik sa katawan ko? Patay na ba talaga ko?" Lumuluhang tanong ko kay lola habang tinitingnan ang mga lumalabas na pangyayari kung saan ako nakahiga habang niyayakap ni alexious.

Napatingin ako sa paligid ng kwarto na iyon at duon ko nakita ang kakambal kong umiiyak sa habang nakasandal ang noo sa pader, si mommy na umiiyak sa bisig ni dad habang sila kaycee na ngayon ay nakaupo na sa sahig habang nakayukong umiiyak.

"Yes, your died but you can still come back, go granddaughter you still have time to be with them again. Ikamusta muna lang ako sa magulang mo. Always remember that i love you." Huling sabi ni lola bago siya unti unting nawala sa piningin ko.

Napangiti habang pinagmamasdan sila. Isang linggo na simula ng mangyari iyon. Ito ako ngayon, magaling na ang lahat ng sugat ko.

Sa loob ng isang linggo na iyon ay iginugol ko lang ang sarili ko sa loob ng hospital para magpagaling.

Napingot ko na rin ang fiancee kong hindi kumakain at natutulog.

Tsk!

"Baby, date tayo." bulong sa akin ng taong kanina lang ay iniisip ko. Ibang klase ang bilis nun ah

"Saan naman tayo pupunta?"

"Wherever you want, so let's go?" Alok nito sa akin. Ngumiti akong humarap sa kanya bago tumango.

Wala namang mawawala kung sasama ako di ba. Tsaka na miss ko rin ang makasama siyang mamasyal. Ilang linggo ba naman akong nakaratay sa hospital bed, sinong di makakamiss nun?

Sumakay na agad kami sa kotse, hindi na ako nagpalit ng damit dahil maayos naman ang suot ko ganon din siya.

Nasa mansion na kasi ako kanina, sa garden mismo. Namiss ko kasi yung mga bulaklak duon.

PINAGMASDAN ko ang mukha ng taong mahal ko na ngayon ay seryosong nagmamaneho lang. Hindi ko maiwasang humahanga sa angking ganda ng mukha nito.

Halos lahat naman ng istudyante sa university ay humahanga sa kanya, paano pa kaya akong fiance na lang nakakasama at nakakakita ng ibang ugali nito.

Hindi nila alam na may pagkaisip bata 'to dahil laging seryoso ang mukha sa university.

"Matunaw ako niyan baby." napairap na lang ako sa sinabi nito.

"Tsk! Hindi ka ice cream para matunaw." mataray kong sabi. Natawa ito sa pagiging mataray. Ewan ko ba simula ngagising ako ay hilig ko na ang magtaray sa kanya.

"Ayan ka na naman." Natatawang umiiling ito bago inihinto ang kotse sa tapat ng mall. "Dyan ka lang ako ng magbubukas ng pinto" ngumiti lang ako sa kanya bago hinintay na buksan niya ang pinto ng kotse.

Lalabas na sana ako nang mabuksan niya nang bigla ako nitong siniil ng halik.

"I love you baby." Usal nito matapos akong halikan. Nakangiti ito, yung ngiting nais ko laging makita.

I smiled. "Mahal din kita alexious." Bago yumakap sa kanya. Dahil nasa labas na siya ay ako ay nakaupo parin sa passenger seat ay naibaba niya ako gamit lang ang braso.

"Ang gaan mo."

"Tsk! Anong gusto mo bumigat ako?" Nakataas ang isang kilay kong tanong.

"Hindi naman, tsaka kahit bumigat ka bubuhatin parin kita pero deretso kwarto-Arayyy!" Daing nito nang biglang ko na lang siyang kurutin sa bewang.

"Pervert!"

 The SSG President is My Fiance (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon