Chapter 26

4.4K 173 3
                                    

ALEXIOUS VILLALUNA POV
Nandito ako ngayon sa loob ng office ko sa ssg. Katatapos ko lang magsagot sa exam ay dito agad ako dumeretso.

Wala pa naman ngayon si jasmine dahil mamaya pa ang pasok nito at hindi naman siya sumabay sa akin papasok.

NAGBABASA ako ng biglang may bumukas ng pinto ng office ko. Hindi ko na ito tuningnan dahil isang tao lang naman ang hindi kumakatok pag pumapasok sa office ko.

"Baby, tapos na ang exa–?" napatigil ako ng makitang hindi si Jasmine ang pumasok ngayon lang kundi ang secretary ng ssg–si Claire.

"Yes baby." malanding ani nito. Hindi naman lingid sa kaalam ko na may gusto ito sa akin.

"What are you doing here, Claire?" malamig kong tanong. Kahit na siya ang secretary ay hindi ko parin nais mapalapit sa mga katulad niya.

Noon una ay ayos pa ngunit ngayon na ganito pala ang ugali nito ay Huwag na lang baka masaktan ko pa ito.

"Alexious naman!" she pouted. Hindi bagay! Mukhang pato, di tulad ni baby na ang cute pang nakapuot. Sarap pang halikan. "Kakapasok ko palang  palalabasin mo agad ako." dahan dahan itong lumapit sa akin pero hindi ko na lang pinansin.

Tumingin ako sa orasan at balitang 30 minutes na lang tapos na ang klase nila Jasmine.

Gulat akong napatingin sa harapan ko ng biglang umupo sa harapan ko si Claire at hinalikan ako dahil sa pagkabigla ay hindi ko agad ito naitulak.

Napatingin ako aa may pinto at nakita ang babaeng nakatayo doon na si Jasmine habang may tumutulong luha. Itinulak ko si claire at nagmadaling hanapin ang mahal ko na bigla na lang nawala.

Damn! Malalagot talaga sa akin ang Claire na yun! Wala akong pakealam kung babae pa siya.

Nadaan ko sila jasrone kasama sila kurl pero wala si kaycee.

"Dude, nangyare sayo? Para kang pinagbaksakan ng langit." natatawang sabi ni Jake nang makita ang mukha ko pero di ko iyon pinansin.

Mas mahalaga ang makita ko ang girlfriend ko.

"Nakita niyo ba si Jasmine?" nag-aalalang tanong ko sa kanila.

Kailangan ko siyang makita ngayon.

"No." maikling sagot ni jasrone. Umiling lang sila Jake maliban kay kurl na hindi nakatingin sa amin kundi sa cellphone niyang tumunog.

"Hindi ko alam kung nasaan si ate." sagot ni kurl ng makitang nakatingin kami sa kanya.

Maglalakad na sana kami para hanapin si Jasmine ng narinig namin ang pinag-uusapan ng dumaang istudyante.

"Sis nakita mo ba kanina si black rose palabas ng gate."

"Oo, parang galing siya sa pag iyak at ang lamig pa ng mga tingin."

"Nakakatakot grabe!"

Napatakbo ako papunta sa gate ng narinig iyon. Baby please wait for me.

Napapatabi ang ibang istudyante na nakaharang sa daan nang makitang tumatakbo ako kasunod sila jasrone.

Nanghihinang napasandal ako sa pader ng makitang nakaalis na ang kotseng sinasakyan ni Jasmine.

"UGHHH! MAGBABAYAD KA SA GINAWA MO CLAIRE!" galit na galit kong sigaw na siyang ikinaatras ng mga istudyanteng nasa malapit sa akin.

"Ano bang nangyayari?" takang tanong ni jasrone.

"Hinalikan ako ni Claire at iyon ang naabutan ni Jasmine sa office ko" nanghihina kong sabi.

"Malaking problema iyan!" naiiling na sabi ni mark.

"Nasaan si kurl? Alam kong silang dalawa lang ni kaycee ang maaaring nakakaalam kung saan nandun si jas–" napatingin ako sa paligid at nakitang wala kaming kasamang kurl.

"Umalis na siya." nanghihina kong saad.

ISANG linggo na simula ng huli kong makita si Jasmine pati na rin sila kaycee. Wala nianino ng tatlong iyon ang nakita namin.

Sa loob rin ng isang linggo na iyon ay mabilis na bumagsak ang companya ng pamilya nila Claire.

Hindi namin kilala kung sino ang may gawa nun. Akala nga nila jasrone ay ako ang may gawa ng pagbagsak nila Claire.

Oo, dapat gagawin ko sana iyon ngunit may nakauna na sakin na di ko–namin malaman kung sino ang may gawa.

Kalat ang pagbagsak ng kumpanya nila dahil isa ito sa mga kilalang kumpanya sa pilipinas.

Namimiss na kita mahal, nasaan ka na ba? Nais na kitang mayakap at mahalikan ngunit paano ko iyon magagawa kung galit at wala ka dito.

Sa loob ng isang linggo na iyon ay parang nawalan ako ng buhay, hindi ko maramdaman ang paligid ko dahil sa pag-ikot nito sayo.

Baby, pake usap bumalik ka na! Hindi ko alam kung makakatagal pa akong malakas.

JASRONE VALDEZ POV
Isang linggo ko ng hindi nakikita ang kapatid at pinsan ko. Hindi ko alam kung saan nagsuot ang tatlong ito.

Kahit sila mom ay hindi ako sinasagot kung nasaan ang mga ito.

Alam kong may alam sila mom lalo na't nalaman kong sila pala ang Empress ng gangster world.

Gulat ako ng malaman ko iyon noong umuwi ako sa mansion para hanapin si Jasmine.

Sinong mag-aakala na ang kinatatakutan pala namin ay nasa tabi ko lang at magulang ko pa ang mga ito.

Si Jasmine na lang ang hindi pumapasok sa gangster world sa aming pamilya. Sana lang ay hindi siya pumasok sa ganon para naman hindi ko inaalala ang kapakanan niya if ever na may mangyaring masama sa underground.

Nandito nga pala kami sa hideout para pumunta sa underground arena dahil may nag-alok na lumaban sa grupo namin.

Hindi ko nga inaasahan na tatanggapin ni Alex ang laban lalo na't wala siya sa mood nitong mga nakaraang araw.

Palaging nakatulala kung hindi naman ay nakatutok sa laptop at hinahanap si Jasmine.

Hindi ko naman siya masisisi dahil ako ngang kapatid ay nag-aalala rin paano pa kayang siya ang fiancee na huling nakakita dito.

Napailing na lang ako ng maalala ang nangyari sa pamilya ni Claire. Tsk! She deserve it!

Kung makikilala ko kung sino ang may gawa nun ay pasasalamatan ko pa siya.

Noong una ay inakala kong baka si alexious lang iyon dahil alam ko naman na galit siya kay Claire dahil sa ginawa nito ngunit ng sabihin niyang hindi siya ay talagang nakakataka.

Napakamysteryoso ng taong nasa likod nito dahil ubos lahat ng investor sa kumpanya ng mga ito.

Isa lang ang ibig sabihin nun na may bumili ng mga investor.

Hayst! I miss my baby sis.

"Let's go." napatingin ako kila alexious nang magsalita ito.

Nakaupo na ito ngayon sa kotse niya ganon din sila mark kaya naman gumaya na rin ako at sumunod sa kanila.

Bagong laban na naman!

 The SSG President is My Fiance (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon