Chapter 22

4.7K 168 8
                                    

JASRONE VALDEZ POV
TSK! Napaghahalataan ka na ms. Secretary, hanggang ngayon ba naman si alex parin ang iyong iniibig. Malaking problem yan, mahirap agawan ang isang valdez lalo na ang mga babae sa pamilya namin tulad ni jasmine.

Ingat na lang!

Alam ko-namin na may gusto yun kay alex ngunit hindi naman ito pinagtutuunan ng pansin ni alex kaya bukya parin si ate niyo.

Ewan ko ba sa mga babae ang dami daming mga lalaki pero pinag-aagawan nila ang taong meron ng mahal na iba.

Hindi ba sila nasasaktan? Tch, Paano nga pala sila masasaktan kung di naman nila iniisip ang kanilang mga sarili.

Wag lang talaga manggulo ang babaeng yun baka ako ang makalaban niya lalo na kung kapatid ko ang babanggain.

Kumatok na ako sa pinto ng office ni alex dito sa ssg president, bilang vice president ay may ginagawa parin naman ako dito tulad na lang ngayon. Inaayos ko ang camping na magaganap sa susunod na linggo, tatlong araw na camping yun.

"Come in." Rinig kong sabi sa loob ng pinto, si alexious.

Pagbukas ko, sumalubong agad sakin ang tingin nitong seryoso, hindi ako takot dahil ganon din naman ako minsan.

"Ito na yung pinapaayos mo. Kumpleto na yan. Pati na ring yung budget na magagamit sa camping at yung mga bus na sasakyan ng mga istudyante." Tumango tango ito habang tinitingnan ang papel na ibinigay ko sa kanya.

Di naman ako tamad para di gawin ang mga nakaassign sa akin.

Tumingin ako sa may couch na nakitang nakahiga duon si jasmine. Halata sa kanya ang pagod, saan ba kasi ito nagpunta? Nasabi sa akin nila mom na wala daw sa bahay si jasmine kagabi kaya naman nagtataka ako.

Alam ko ay wala naman itong pupuntahan maliban na lang kung may ginawa itong iba kagabi at kasama sila karl.

Sana lang ay hindi nila ikapahamak ang mga pinaggagawa nila lalo na't wala ako sa tabi nila.

"Kilala mo ba kung sino ang namaril sa kanya sa parking lot?" Seryosong tanong ko kay alex na nagpaalala sa akin sa nangyari kanina.

"I don't know yet. Alam mo ba kung kanino natutong gumamit ng baril si jasmine?" Taka akong napatingin sa kanya.

Si jasmine gagamit ng baril? Kailan may ay hindi ko ito nakitang humawak.

"Nagbibiro ka ba? Sj jasmine gagamit ng baril? Paano naman?" Takang kong tanong.

"Yeah, nakita daw kanina ng mga istudyante na humawak ito ng baril galing sa skirt nitong suot para ipangself defense." Sabi pa nito.

Napaisip ako baka naman noong wala siya dito at nasa korea baka doon siya tinuruan.

"Baka noon sa korea." hindi siguradong saad ko.

Tumango na lang ito. Nagpaalam din agad ako sa kanya dahil may klase pa ako at marami pa akong gagawin.

Hmm namimiss ko na naman ang babe ashley ko! Ang sarap kasing asarin ng manager ni jasmine.

Malakas na yata ang tama ko sa babaeng yun. Wala akong paki kung mas matanda siya sa akin ng isang linggo basta para sakin ay gusto ko siya ay hindi mahal ko na pala siya.

Hindi ko alam kung kailan pero naramdaman ko na lang na mahal ko na ang amazonang iyon.

Sinong mag-aakala naman di ba na mahuhulog ako sa isang tulad niya na napakaamazona.

Hindi ko nga alam kung kanino siya nagmana, si alex naman ay hindi ganon sila tita pero si ley naku wag na lang.

Napatigil ako sa paglalakad ng maramdaman kong may nakatingin sa akin, titig na pala kung sasabihin.

Tsk! Kalaban ka ba o hindi?

Umiling na lang ako bago nagpatuloy sa paglalalad at hindi ipinag-aksayahan ng panahon ang mga walang kwentong bagay.

MS. SECRETARY POV
Valdez nga naman! Magkatulad lang kayong magkakambal hindi ako papayag na pigilan niyo ang mga gusto kong gawin. Lahat ay gagawin ko makuha lang siya kahit kaibigan niya pa kayo ay hindi ko kayo sasantuhin.

Nandito ako sa likod ng puno at pinagmamasdan ang lalaking isa sa pwedeng sumira sa plano ko pero di ko papayagan yun.

Jasrone Valdez

Hmm? Gwapo ka sana kaso kapatid mo ang taong kinaiinisan ko.

Kilala niyo na ba ako? Hahaha hindi noh? Ako lang naman ang palaging nakatingin sa kanila mula sa malayo.

Ang taong galit na galit kay jasmine valdez na umagaw sa lalaking mahal ko.

Dahil sa kanya ay hindi parin ako mapansin pansin ni alex noon naman ay napapansin ako ng binata pero dahil dumating ang malanding babae na iyon ay hindi na ako pinansin ng mahal ko!

Arghhh! Hindi ako papayag na maging talunan, tandaan niyo yan!

Inayos ko ang mukha ko bago naglakad papunta sa classroom. Magkakaklse kami ngunit di naman nila ako napapansin.

Pagpasok ko sa room ay nandun na ang prof dahil isa akong mabait na istudyante ay bumati ako.

"Good morning prof, sorry i'm late may tinapos pa po kasi." Magalang kong sabi. Arghh! Nakakasuka maging magalang kingina!

"It's okay, come in." Pagpasok ko ay hindi sinasadya na magtama ang mata namin ni jasrone, kita ko rin ang munting ngisi niya na para bang may alam na ito sa nga plano ko.

Hindi maaaring masira yun!

Iniwas ko agad ang tingin bago dumeretso sa upuan na nakareserba na sa akin.

 The SSG President is My Fiance (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon