1.2
-----------------------
Kinabukasan ay nagising kami dahil sa lakas ng iyak ni Midern.
Isa-isa kaming tumayo at lumabas ng kwarto para masilip sa ibaba ang nangyayari. Nakita ko doon si Midern na nag mamakaawa kay Dadi na 'wag kaming iwan, ilang sandali lang ay napabaling ang tingin ng tatay namin sa aming lima na nakasilip lang sa pangalawang palapag ng bahay namin.
Nakita ko siyang lalapit na kaya nag lakad na ako pabalik ng kwarto ko, ng makapasok na ako ay inilock ko ang pinto ko at bumalik muli sa pag tulog.
Nagising ako ng may maramdaman na may tumatapik sa braso ko, humarap ako at nakita ko si Mami na namumugto ang mata habang may pilit na ngiti sa akin.
Niyakap ko na lang si Mami at naramdaman na umiiyak na siya, that time hindi ako umiyak.
Nasaktan lang dahil nakikita kong nahihirapan ang aking ina, hindi ako nag salita o ano man. Niyakap ko lang siya habang hinahagod ang likod niya. Nalaman ko rin na umalis na ang tatay ko dahil kailangan na kailangan na daw siya nung batang kasama niya.
And yes, he choose them over us.
Simula n'on ay hindi na kami doon tumira. Lumipat kami sa mansyon ng grand parents namin which is parents ng Mami. Dumadalaw siya roon pero hindi ko siya pinapansin, its either nasa kwarto ako or nasa bahay ng mga kaibigan ko na narito lang rin malapit sa mansyon ng grand parents ko.
Lumipas ang mga araw ng isang araw ay sinusuyo na niya ako at kinukuhang muli ang loob ko, hindi naman siya nabigo dahil kahit ako ay gusto ko ng maayos na pamilya.
Binigyan siya ng second chance ng Mami ko at ng mga grand parents ko, binigyan rin namin siya ng chance ng mga kapatid ko. Hindi na kami lumipat ng bahay dahil ayaw din naman ng mga grand parents ko, dahil gusto daw nila kaming makasama hanggang nabubuhay pa sila. Ayos lang naman sa akin dahil pabor pa nga 'yon dahil hindi ako malalayo sa mga kaibigan ko.
Maayos ang lahat, naging maayos muli ang pamilyang nag karoon ng lamat ng dahil sa isang pag tataksil.
Sa dami ng nangyari ay hindi ko namalayan na birthday ko na pala at ng kakambal ko, 11 years old na ako, isang taon na rin pala simula nung umalis si Klyde.
Ipinag celebrate nila ako at ng kakambal ko, it's a surprise birthday party. Akala ko para sa amin ng kakambal ko, yun pala para sa aming LAHAT.
Akala ko masaya na dahil birthday party namin 'yon, yun pala ay hindi. Lahat ay nagulantang ng may bigla na lang may sumisigaw sa entrance ng mansyon nila Lolo, may mga tauhan sila Lolo na pilit hinihila paalis ang babaeng nag e-eskandalo sa masaya dapat na birthday party namin.
"Frenz! Lumabas ka riyan at umuwi ka na sa bahay! Kailangan ka ng anak natin!" Sigaw nito na nakapag patahimik sa mga tao, lahat ay nagulat dahil sa isinigaw nito.
"Frenz, umuwi ka na! Kailangan ka ng anak natin!" Galit na galit niyang sigaw, nakita kong may lumitaw na batang babae sa likod niya.
Siya yung bata na kasama ng tatay ko na anak nila nung babae niya. Nakita kong napatingin sa akin ang batang 'yon, at hindi ako makapaniwala dahil nginisihan ako nito.
Lalapit na sana ako ng maunang lumapit ang nanay ko at dali daling sinampal ang babaeng gumagawa ng gulo.
Lahat ay napasinghap dahil hindi inaasahan ang nasaksihan, dali-dali na rin akong lumapit kay Mami at niyakap siya.
"Ang kapal-kapal ng mukha mo! Sinong nag sabi sa 'yo na invited ka sa birthday party ng ANAK namin?!" Ipinag diinan pa ni Mami ang 'anak' namin, nakita ko naman na ngumisi ang babaeng ngayon ay naiayos na ang pag kakatayo.
YOU ARE READING
THE HEARTLESS ANGEL(On Going)
General FictionThey say angels have a good heart, have an innocent face. But what if you saw an angel with an angelic face but have a demonic attitude? What will you do if you see face to face The Heartless Angel? Would you be facinated by her looks or will you be...