Hmmm.. Ang ingay naman talaga nang alarm clock na ito. Grabe, inaantok pa ko. Pinatay ko muna yung alarm.Five minutes pa. Five minutes pa. Maaga pa naman eh. Tulog muna ako. Zzzzzz..
~After 5 Minutes~
Hmm.. Natunog na naman! Tsk! Tignan ko nga.
6:45 a.m. ~~~
Argh!!! Nasobrahan ako sa five minutes! Maaga pa naman ang klase ko ngayon! Mabilis akong bumangon at kinuha ko ang aking favorite white towel. Yeah!
Pagbukas ko nang pinto, saktong bukas din ni Andrei ng pinto ng kuwarto nya. Sabay pa kaming tumingin sa may dulo ng hallway kung saan naroon ang banyo. This is it. Magkatapat lang kami ng kuwarto. Ang daily routine namin ng aking may gapak na kapatid ay mag unahan papunta sa banyo. Hehe, ako ang mauuna ngayon for sure.
"Ako ang-"
"Ikaw na mauna," mabilis na sabi ni Andrei sakin. Nagsalubong naman agad ang kilay ko. Tama ba tong naririnig ko? Oh puno lang nang tutuli ang tenga ko ngayon? Mukhang kailangan kong linisan ang tenga ko habang naliligo.
"Andrei, may lagnat ka?"
Sinimangutan lang ako ni Andreu bago sya muling bumalik sa kuwarto nya. Naiwan naman akong nagtataka habang kakamot-kamot sa ulo. Ang weird.
-------
"Nak, uwi kayo ng maaga mamaya ha? May bisita tayong darating," narinig kong sabi ni Mommy.
Napatingin ako Kay Mommy. Bakit kaya ang tahimik Nila? Kagabi pa sila ganyan ah. As in wala talagang masyadong nagsasalita sa kanila.
"Sino ho ba ang darating mamaya?" Naku-curius Kong tanong.
Nag-aalmusal pa naman din kami ngayon. Walang masyadong naimik kaya nagtataka ako. Kahit dito sa may sayad kong kapatid, naninibago ako.
Dapat kasi ay kanina pa ako nito inaasar o kaya naman ay bina-bad trip. Pero simula nang magkita kami nito sa C.R. na madalas naming pinag aawayan dahil nag uunahan kaming dalawa kung sino ang unang gagamit ay hindi nangyari. Para bang may bumisitang anghel sa buong kabahayan namin. Ang weird.
"Ah, eh.. Hindi ba't nabanggit ko sayo na darating ang pamilya nila Mr. Rafael Montemayor mamaya para mag dinner dito?" singit ni Daddy.
"Sakin? Baka sa amin ang sinasabi mo, Dad," nagtataka kong sabi kay Daddy. Natigilan naman sya saglit sabay tawa ng malakas. Sumabay pa sa pagtawa si Mommy. Ano bang nakain ng mga ito ngayon?
"Yeah, you're right. Sa inyo ko nga pala sinabi. Kailan ba ako naging mali-mali?"
Nakataas ang isa kong kilay habang isinusubo ko ang pancake na nilagyan ko ng honey kanina. Bakit feeling ko may itinatago itong mga matatandang ito sakin? Pati itong bulilit na ito. Ano kayang iniisip ng mga ito? Hmm..
"Maaga kang uuwi, ha? Iha?" nakangiting sabi ni Mommy sa akin.
"Importante po bang nandun ako? Baka kasi may gawin akong thesis mamaya."
"Hindi ba pwedeng ipagpabukas iyon?"
"Mommy, sabihin nyo na lang kaya sa kanya," singit ni Andrei habang tahimik syang kumakain sa harap ko. Tinitigan ko sya ng maigi.
"Sabihin ang alin?"
"Naku, anak! Late ka na! Bilis! Bilis! Tumayo ka na!" sabi ni Mommy saka nya ako pinilit itinayo mula sa pagkakaupo ko.
Kinuha naman ni Daddy ang bag ko at saka iniabot sa akin. Hinila nila ako palabas ng bahay at hinatid nila ako palabas ng gate.
"Bye, nak! Maaga kang uuwi ha?" pilit ang ngiting sabi ni Daddy sa akin.
"Ah.. O-Okay po," sagot ko na lang saka ako humalik sa mga pisngi nila. Maglalakad na sana ako nang lumingon ulit ako para magtanong kaso nagbago ang isip ko dahil halatang abot-tenga ang ngiti na pinipilit nilang ipakita sa akin.
Parang narinig ko tuloy silang nagsabi nang "Muntik na".
"Neng, tulungan mo naman akong ibenta 'to," nakangusong sabi ni Rich sa akin habang ginugulo nya ako sa pagsusulat ko sa yellow pad ko.
Andito kami ngayon sa may study area sa gilid ng building A kung saan kami pumapasok. Bawat course kasi ay may ibat ibang building. Business Administration ang kinuha kong course dahil gusto kong manahin ang business nila Papa. Matagal ko na kasing pangarap yun kaya naman nagsisikap akong makatapos.
"Neng! Hindi mo naman ako pinapansin eh!"
Napatingin na ako kay Rich nang tuluyan. Hindi ko alam na kanina pa pala daldal nang daldal ang baklang ito.
"Bakit ba kasi hindi na lang ikaw ang magbenta nyan? I mean, bakit mo pa ako dinadamay?"
"Mas magaling ka kasing mabenta kaysa sa akin. Isa pa, mas madaming bumibili kapag ikaw ang nagbebenta," malisyosa nitong sabi sa akin. Kinurot ko bigla ang braso nya.
"Huwag mo akong idamay sa kalokohan mo, bakla ka. Saka hindi ako nagbabalak magbenta ng mga bra at panty kaya ikaw na lang."
"Eh! Sige na! Sige na!"
"Ayoko."
"Ngayon lang naman eh. Damot nito. Sige na!"
"Hihingi ka na nga lang ng favor, sasabihan mo pa ako ng madamot? Tsk. Bahala ka dyan sa buhay mo."
"Ehhh!!"
Napatakip ako ng tenga nang bigla siya tumili. Grabe, kahit bakla lang pala ito daig pa nito ang babae kung tumili. Psh. Bakit ba ako nagkaroon ng kaibigang may sayad sa utak?
Inner Me: May sayad ka din kasi.
Eh? Ako pa talaga ang may sayad no?
"Sige! Sige! But in one condition," sabi ko sabay bitaw ko sa ballpen ko. Todo ngiti naman sya sa narinig sabay hawak sa mga kamay ko.
"Sige! Sige! Ano ba yun?"
Inilabas ko ang aking Most-Devilish-Smile-Look ko sa kanya.
"Tutulungan kita kung may tinapay na biglang babagsak sa ulo ko-"
*Tooogshh*
(>____<')
"Miss, are you okay?"
Medyo nahilo-hilo ako dahil medyo may kabigatan ang bagay na tumama sa ulo ko. Hindi ko masyadong makita ang lalaking nasa harap ko ngayon na sumalo pala sa akin kanina. Geesh. Inaantok ako.
"Miss? Miss!"

BINABASA MO ANG
Shut Up for a While
FanfictionKathNiel po ang main characters na ginamit ko, tutal I like their loveteam. Para sa mga KathNiel fans po ito!! XD