Leonie's Pov:
Nakakaloka naman yung nalaman ko! Kambal pala silang tatlo, so it means.. May pag ASA pa ako kay Jerold. Haha, joke lang! Hindi naman ako ganun kalandi noh..
So, habang nagkukwentuhan kaming dalawa ni Krissel ay napansin ko na lang ang pagdadala ni Jerold ng meryenda sa aming dalawa. Tumabi pa sya kay Krissel bago nya ito pinitik sa noo.
"Ikaw, babae ka. What do you think your doing there, ha?" Sermon ni jerold kay krissel.
Parang gusto ko tuloy tumawa ng malakas nang biglang nagkandahaba ang nguso ni krissel sa ginawa ng kakambal.
"Hindi ko naman ineexpect na darating yung mga unggoy na 'yun eh! At saka, wala namang masamang nangyari kaya stop worrying na," sabi ni Krissel habang nilalambing ang kambal nya sa pamamagitan ng pagyakap-yakap dito.
Ang cute naman nilang tingnan. Paano kaya kung ganyan kami kalambing ni Andrei sa isa't isa?
*imagining*
"Ate, buksan ko yung radio ha? Pwede?" - Andrei with ngiting nanlalambing.
Geesh!! Hindi bagay! (>_
"Okay, fine. But promise me na lalayuan mo na at titigilan mo na ang pakikipagpustahan kayla Carlo. Alam mo namang may sayad un sa utak."
"Okay po." Nakangiting sagot ni Krissil.
Tumingin naman si Jerold sa akin at ngumiti. Grabe, ang gwapo nya talaga. Nakakahilo na. (-_-")
"Salamat pala sa pagtulong sa kakambal ko, Leonie. Kung hindi dahil Sayo, napahamak na sana itong makulit na babaeng ito," nakangiti niyang sabi. Halos malula naman ako sa mga pamatay niyang ngiti.
"W-wala 'yun. Kahit sino naman, gagawin yun. He he."
Ano ba yan. Nakakahiyang tumingin sa kanya.
"Sus, sa pelikula lang nangyayari ang sinabi mo,Leonie. Baka kung iba ang nandoon, baka kumaripas na yun ng takbo."
"Yap. Tama si kambal," sagot Ni Krissel habang tumatango-tango pa.
Bigla naman akong nakaramdam ng guilt. Kung alam lang nila na nakipag away pa ako sa konsensya ko bago ako tumulong, nakakahiya. (>_‹)
Konsensya: mahiya ka talaga.
Ako: Wow ha? Nahihiya naman ako sayo. Out of coverages ka nga kanina eh!
Konsensya: ganun talaga, para masaya. Hahahahaha!!!!
Badtrip din tong konsensya na to eh. Lakas ng trip. -_-"
"Anyway, bakit ka nga pala nandoon Leonie?" Tanong ulit ni Jerold sakin.
"Nag-aabang kasi ako ng masasakyan eh. Kaso ang lakas ng ulan."
"Bakit hindi ka nagpasundo sa papa mo?" Singit Ni Krissel.
"Amm.. Hindi kasi ako sanay."
"You mean nagko-commute ka lang?" Sabay pa nilang sabi sa akin..
Sabay talaga? Psh. Kambal talaga sila.
" Y-yes?"
"Hindi ka ba natatakot sumakay sa jeep ? I mean.. Hindi ka ligtas doon," nag aalangang sabi ni krissel. Naiikot ko ang aking mga mata bago tumingin sa kanila.
"Mas ligtas yun kaysa makipagpustahan ka sa mga unggoy na yun."
Humagikgik naman ng mabilis si Krissel. Parang tuwang-tuwa pa sya sa kalokohang pinaggagagawa nya. Gesh.
"Sa bagay, you're right," nakangising sabi Ni Krissel. Ngumiti naman ako habang naiiling.
Nung titigan ko Silang dalawa, napansin ko na yung pagiging kambal nila. Parehas kasi sila ng kulay ng mata. 'Yung isa kaya nilang kakambal, parehas din kaya??
Ano ba yan. Bakit ko ba iniisip yung weird na yun?
Bigla akong napatayo ng mapansin ko ang oras.
"Hala! Late na ko sa pag-uwi!"
Napatayo din naman Silang dalawa.
"Ihahatid na kita," alok Ni Jerrold sakin. Syempre, Hindi na din ako tumanggi.
Hindi sa lumalandi ako ha? Kailangan ko lang talagang umuwi. May curfew kasi kami sa bahay. Bawal kaming magpagabi.
"Sige, salamat," nakangiti Kong sabi.
Inalalayan naman niya ako papunta sa sasakyan nya at saka siya sumakay. Todo-ngiti pa si Krissel habang kumakaway sakin kaya napakaway na din ako.
Nang lingunin ko si Jerold ay napansin ko ang nakakaloko niyang ngiti.
"O-oh. Bat ka ganyan makangiti?"
"Wala lang. Ang cute mu kasi."
(0_0)
Cute daw ako?! Weh....
"Sus, bola."
"Seryoso. Ang cute mo talaga."
"Eh di thank you. Sabi mo yan eh."
Natawa naman siya kaya siguro nahawa na din ako.
Habang bumibiyahe ay napansin kong madaldal din pala siya tulad ng kakambal nya. Wow.
Nung makarating na kami sa bahay ay agad akong bumaba.
"Salamat sa paghahatid,"nakangiti Kong sabi sa kanya.
"Walang anuman. Basta ikaw, malakas ka sakin eh," natatawa niyang sabi.
Kumaway na lang ako sa kanya saka niya pinaandar ang sasakyan.
Abot-tenga ang ngiti ko ng maglakad ako papunta sa gate at muntikan pa akong matumba ng automatic na nagbukas ang pinto.
"At san ka galing?" Masungit na tanong sa akin Ni Andrei.
Iningusan ko lang ang kapatid ko. Nag-aasta masungit na naman kasi sya. Hindi naman bagay. =_=
"Secret na yun."
"Siguro nakipagdate ka no"
"Wala kang paki."
"Isusumbong kita Kayla mommy."
"Eh di magsumbong ka."
"At anong isusumbong?"
Napatingin kami sa pinto. Nakatayo na pala dun si Mommy at daddy.
"Nakipag date si ate."
"Hindi ah!"
"Eh san ka nga pumunta?"
"Kayla Krissel Montemayor."
"Ha?!"
Eh? Bakit ganyan ang itsura nilang tatlo ? Ang weird.
"Oh sige. Akyat na sa kuwarto nyo," sabi Ni mommy.
Nagtataka man ay sumunod na lang ako. Hindi na din ako kinulit ng kapatid ko.
Bakit kaya?

BINABASA MO ANG
Shut Up for a While
FanfictionKathNiel po ang main characters na ginamit ko, tutal I like their loveteam. Para sa mga KathNiel fans po ito!! XD