Leonie's Pov:
Kapag minamalas ka nga naman oh, oh!
Bakit ngayon ka pa umulan?! Bakit? Bakit!
Kung pwede lang magtatakbo pauwi, kanina ko pa ginawa. Ang kaso, ayoko!
Ang lakas-lakas kaya ng ulan, tapos feeling ko once na tumapak ako ng kalsada bigla na lang ako kidlatan ! Ahuhu, ayoko pang mamatay. (T__T)
"Ano ba ha, sabi na ngang wala na akong pera eh!"
Bigla akong napalingon sa may likuran ko, narinig ko na lang 'yung isang babae na mukhang ... Nyek, di ko makita yung mukha pero mukhang may ginagawa sa kanya yung mga lalaking nakapaligid sa kanya.
Na-curious ako bigla at lumapit-lapit ng konti. Eeh? Hindi ko naman marinig eh! Makalapit pa nga ng konti.
"Ikaw pa, mawalan? Eh ang yaman-yaman mo!" sabi nung lalaking kalbo na mukhang uranggutan na may bigote. Yak, ang panget niya. Swear . (=_=)
"Di ba nga sabi ko, pinambayad ko yung pera ko ngayon sa tuition fee ko? Ang kukulit nyo naman eh," sabi nung babaeng hinaharangan nila.
Nakakainis naman itong mga unggoy na ito eh, di ko makita yung mukha nung binu-bully nila!!
"Aba, ikaw pa 'tong may ganang magalit sa amin? Hoy, Krissel! Baka nakakalimutan mong ikaw itong malakas ang loob na makipagpustahan samin, kaya magbayad ka!" sigaw naman nung isa pa nilang kasama na .. eh? Anong mukha yun? Bakit naaalala ko sa kanya si Squidward?
ay, ano ba yan. Nagiging mapanlait na ako, sorry po lord.
"Wala nga aba! Ang kukulit nyo!"
"Wala pala ha, sige! kakapkapan nyo siya!" sigaw nung mukhang leader nila na kamuhka ni ... *toot* .. bawal na manlait ^__^
"Teka, teka .. Wala namang ganyanan, babae ako baka nakakalimutan niyo," sabi ni girl sabay atras.
Doon ko na nakita yung mukha niya, wow! Ang ganda niya, inferness! At mukha ngang mayaman!! Teka, eh bakit kaya siya nakikipagpustahan sa mga unggoy na 'yon?
"Babae ka ba? Hahaaha!!! Babae pala siya!" sabay tawa nilang tatlo.
"Magbabayad naman ako eh, subukan kong kumuha ng pera kay Daddy bukas."
"Kung wag ka na lang kayang magbayad, basta ba paliligayahin mo kami. Di ba? Wahahahah!!!!"
Yikes, mukha silang mga demonyo tumawa. Sorry po lord, di ko talaga kayang hindi sila laitin eh ..
"Hindi ako nakikipagbiruan sa inyo, Carlo ha!" ninenerbiyos na sabi nito.
"Sa tingin mo nagbibiro kami?"
Napalunok na ako nang makita kong seryoso silang rape-in si Girl! Hala! Ayoko nang manoond! Maglalakad na sana ako palayo ng marinig ko ulit 'yung babae na sumigaw.
"Sige, sigaw lang! Wala nang ibang tao dito dahil malakas ang ulan! walang tutulong sayo, wahahhaha!!!"
Tulungan mo siya!
Ano ba, konsensya? Hindi ko siya kayang tulungan! Haler, baka mamaya dalawa na kaming rape-in diyan!
Bahala ka, pag may nangyaring hindi maganda sa kanya .. hindi kita titigilan!!
Bastos na konsensya 'to, mas marunong pa sakin eh! Argh! Bahala na nga! Tutulong na kung kailangan!
"HOy mga unggoy! Bitiwan nyo nga siya! Mga bakla ba kayo? Bakit kayo nananakit ng babae ha? Naka-shabu ba kayo?!" sigaw ko sa mga unggoy dahilan para tumingin sila sakin.
Gulp ..
Nakatingin sila sa kin ngayon, ano nang gagawin ko? Hoy, kunsensya! Ano na?!
Konsensya: *OUT OF COVERAGE*
WAAAAAAAHHHHHHH!!!!!! ANO NA! (T---TT)
"Sino ka naman?" sabi ni Mr. Squidward.
"Bakit naman ako magpapakilala? Baliw ba kayo? Pinatitigil ko lang kayo sa ginagawa niyo, wala akong sinabing makikipagkilala ako sa inyo!"
"Aba, baliw ka ba ha? Bakit ka ba nakikialam sa mga bagay na wala ka namang kinalaman ha?"
"Mas baliw kayo! kalalaki nyong tao, pinagtutulungan nyo ang isang babae! Mga unggoy na walang magawa sa buhay!"
Doon na sila tumingin ng animo'y gusto na nila akong lamunin. Unti-unti lumapit si Mr. Kalbo at hinawakan ako ng mahigit sa braso. At siyempre, hindi naman ako basta-basta nagpapahawak sa kahit na sino kaya automatic na lumipad sa mukha niya ang kamao ko.
"OUCH!"
Wow ha, ouch talaga ang sinabi? Ang arte ..
"Emman, ok ka lang?" tanong ni Mr. Squidward dito. Binatukan naman ito ni Kalbo.
"Ikaw kaya suntukin ko, magiging ok ka lang kaya!" sabay tingin sakin.
At ayoko ng tingin niya, nakakatakot!!! (>__<)
"Pakialamera ka ha, etong bagay sayo!"
Pagkapikit ko, inantay ko na ang pagdapo ng kamao niya sa mukha ko. OMG!
Nag-aantay lang ako kanina sa pagtila ng ulan tapos ito pa ang kahihinatnan ko? Bobo mo talaga, Leonie! Bobo mo!
After a minutes, eh? Bakit wala akong maramdaman? Patay na ba ako?
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata para makita na ..
HUWAAAAtttttttttttttt?!!!!!!!!!
Bagsak na ang tatlo at nakita kong nakatayo na sa harap ko ang isang lalaki na naka jacket. Nilapitan niya ang babaeng binully kanina at pinatong dito ang jacket na suot. Nag-usap sila ng mahina na halos di ko marinig saka nagyakap.
Ah ganun, dito pa sila maglalambingan? Haler, nandito pa po ako!
Saka tumingin yung lalaki sakin just to find out ... he's 100% ULAM!! I mean, ang wafu!!!
Nilapitan niya ako at hinawakan ang baba ko.
Dug-Dug-Dug-Dug-Dug-Dug-
Puso ko ba iyon oh tiyan ko? Medyo nagugutom na din kasi ako eh,
"Are you ok?"
Pwede nyo na akong patayin ngayon din, ang husky ng boses niya !! Ano ba yan! Kailan pa ako naging malandi. As in haler?
"Y-Yes, ok lang ako," nauutal kong sabi. Nung ngumiti na siya, doon na talaga bumigay ang tuhod ko. Buti na lang nahawakan niya ako kung hindi mukha akong tangang natumba dito.
"I think you're not okay, let's get in my car. Come on Krissy, let's go home," sabi niya doon sa babae.
Nagulat pa ako ng buhatin niya ako. Shit, ayoko na yatang maglakad ..
Yung totoo, ang landi ko ngayon. SWEAR.

BINABASA MO ANG
Shut Up for a While
FanfictionKathNiel po ang main characters na ginamit ko, tutal I like their loveteam. Para sa mga KathNiel fans po ito!! XD